NHEJOY's P O V " Masaya ako para sa'yo, anak! " maluha- luhang saad ni Ma'am Mila sabay yakap sa bunso " Thank you, Mom! " mangiyak- ngiyak ding tugon ni Sir Rave at yumapos din sa kaniyang Ina " Naks! Mag tanda ka na! Baka mamaya mag- drive ka na naman ng naka- inom! " sermon ng Ate niya " Congratulations, Bro! Lesson learned na ang nangyari sa'yo. " tinapik pa ng kuya niya ang kanyang balikat " Maraming salamat din sa inyo. " bumitiw ito sa ina at ang mga kapatid ang kanyang niyapos naman Tinapik- tapik lang din ni Sir Ron ang balikat ng mga anak. Natapos na kasi ang therapy ni Sir Rave, nakaka lakad na siya ng diretso kahit hindi na akayin o walang hawak na tungkod. Kakaalis lang din ng Therapist niya kaya naging emosyonal na ang kanyang pamilya. Tila alam naman ng mga kapati

