NHEJOY's P O V " Hhhmmm! " hikab ko tsaka unat ng mga braso pero may tinamaan ako kaya napa dilat ang mga mata ko Natanaw ko si Sir Rave na mahimbing na natutulog sa tabi ko, mahina pa nga siyang humihilik. Hindi na ako nagulat kung bakit magka tabi kami at wala akong ni isang saplot sa ilalim ng kumot na hawak ko. Naka unan pa ako sa braso niya, kaya napag masdan kong mabuti ang mukha niya. Balbas sarado, pangahan, matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata, hindi kahabaang pilikmata tsaka manipis ang mga labi na mapula. Gwapo sa madaling salita, kaya siguro nabibighani ang Secretary niya. Magkaka- crush din sana ako sa kanya dahil nga gwapo at hindi matapobre kaya lamang ay malaki ang gawat ng estado namin sa buhay. Para naman akong umasam na mahirap mangyari. Dali- dali naman ako

