THIRD PERSON's P O V " Wala ka ng pag- asa roon! Sus! Hindi nga nag- text sa'yo tsaka kapag dumadalaw sila rito ni Sir Rave ay hindi ka naman pinapansin! " prangkang saad ni Pepsi ng minsang magka yayaan silang mag- inumang mga tauhan sa mansyon. Sa labas lamang ng maid's quarter sila umiinom at nag labas nq lamang sila ng lamesitang kahoy tsaka mga silya na inupuan nila. " Oo na! Oo na! " tila pag sukong tugon naman ni Dew kaya tinawanan siya ng mga kaharap niyang sina Pepsi, Sarsi, Mang RC at Aling Magda tsaka si Sprite na Gwardya. " Pero may napapansin ako sa kanilang dalawa, kayo ba? " wika pa nito " Naku! Puro ka naman suspetsa! Hindi ka naman tumatama! " kontra ni Aling Magda sa kanya na pulutan lamang ang nilalantakan pati na si Mang RC dahil hindi naman sila umiinom ng alak.

