THIRD PERSON's P O V
" Ang tigas ng ulo mo! Hindi ka pala pwedeng pag bilinan! Siguro masyado kayong abala nila Pepsi at Sarsi sa pakikipag tsismisan kaya hindi mo namalayan ang oras!? " sunod- sunod na sermon ni Rave sa bagong kasambahay nang maka pasok ito sa kanyang silid
Tahimik lamang na inilapag sa hita niya ang tray na may stand.
" Hi- Hindi po, Sir, nag- alarm pa nga po ako sa cellphone ko kaya lang po hindi tumunog. Sa katunayan nga po e naka handa na po iyang pagkain ninyo at bibitbitib ko na lang. " hinging paumanhin naman ni Nhejoy
" Katulad ka rin yata ni Coke, puro tsismis lang kaya madalas pagalitan ni Mommy. " saad pa ni Rave at inumpisahan nang lantakan ang sandwich at juice na dinala ni Nhejoy.
" Hindi po, Sir, tinulungan ko pa nga po si Aling Magda na mag gayat ng mga gulay na para ulam po sa ating tanghalian. " katwiran pa ni Nhejoy sa mababang tinig habang pinag lalaruan ang mga daliri sa kanyang harapan.
" Ano bang klaseng cellphone ang mayroon ka at hindi nag- ring ang alarm?! " masungit pa nitong tanong pero panay ang subo naman ng sandwich at inom na fresh juice na gutom na gutom at tila ilang araw na hindi pinakain.
" Eto po. " kiming saad niya at kinuha sa bulsa ng suot ng maid's uniform ang aparato at ipinakita sa kanya
" Ano 'yan!? 'De keypad!? Mayroon pa pala niyan!? " halos mabulunan na wika ni Rave
" Opo, Sir! Dito ko nga naka usap ang pamilya ko kagabi! " naka ngusong saad niya
" Okay! Okay! Mayroon pa akong pinag lumaang touch scree cellphone riyan sa drawer ko sa walk in closet, paki hanap mo na lang at sa'yo na! " wika nito at inubos na ang ang hawak na sandwich tsaka uminom ng maraming fresh juice
" Talaga po, Sir!? Baka naman po ibawas n'yo 'yon sa sweldo ko!? Pang bili po ng school supplies ng mga kapatid ko para sa susunod na pasukan ang unang sweldo ko rito, Sir. " pahayag ni Nhejoy
" Hindi nga! Bigay ko na sa'yo 'yon! Basta maging mabait ka at masunurin! Siguro naman e hindi ka na ma- le- late kapag nag bilin ako!? " turan ng binatang amo
" Yes, Sir! " masayang tugon ni Nhejoy
" Teka! Baka nga pala magkaroon ka ng chatmate sa social media! H'wag na lang kaya! Baka mas lalo ka lang ma- late sa usapan natin!? " bawi ni Rave ng may maalala
" Si Sir naman! Walang isang salita! Nasabi mo na ho e! Tsaka wala po akong social media account! Wala nga po akong touch screen na cellphone paano po akong makakagawa? Tsaka wala rin po kaming internet connection sa bahay namin! " katwiran pa ni Nhejoy
" E kung turuan ka nila Pepsi at Sarsi? "
" Hmmp! Sige ho hindi ko na kukunin! Ibababa ko na ho itong pinag kainan ninyo. " wika niya pero masama ang loob dahil bubulong- bulong pa siya habang kinukuha ang food tray sa harapan ng among baldado.
" May sinasabi ka ba? Ano 'yang binubulong- bulong mo!? " tanong pa nito
" Wala ho! " tanggi naman ng dalagang kasambahay at tumalikod na sa kanya
" Paki tawag mo si Mang RC, papabuhat ako sa banyo para maligo. " pa habol na bilin pa nito sa personal maid
" Oho! " tugon naman ni Nhejoy habang sinasarado ang pinto ng silid
Bubulong- bulong pa siya habang nag lalakad pababa sa hagdan. Kaya nang maka pasok siya sa kusina ay isang bakol ang kanyang mukha.
" Ano napagalitan ka 'no!? " kantyaw ni Sarsi kaya mas lalong nag salubong ang kanyang mga kilay
Nahawa na rin nang tawa sila Aling Magda at Pepsi na nag huhuga nang pinag lutuan ng Mayordoma.
" Tatawagin ko lang po si Mang RC at pinapa akyat ni Sir masungit este Sir Rave! " paalam niya pagka lapag ng tray na bitbit sa lababo
Kaya na tawa na naman ang tatlong kasamahan niya.
Tinahak na nga niya ang living area para sa maindoor dumaan kung nasaan ang family driver nila na nag lilinis lagi ng sasakyan.
" Magandang umaga, Mang RC! " masayang bati niya sa medyo may edad na driver, medyo payat ang katawan nito na tila hindi kakayanin ang laki ng katawan ng binata nilang amo.
" Jusmiyo kang bata ka! Bakit nang gugulat!? " bulalas nitong wika habang hawak ang tapat ng dibdib, naka yuko kasi ito kanina habang nag pupunas ng sasakyan.
" Pasensya na po, hindi ko po alam na mga nerbyosa po pala kayo rito! Kakainom n'yo po iyan ng kape. " Bawas- bawas din po nang inom kapag may time. " hinging paumanhin niya sabay birong wika
Kaya natawa na lamang ang nasa mid- fourties na edad ng family driver ng mga Vilanueva.
" Masayahin ka palang bata ka! Ayos 'yan! Baka mahawa sa'yo sila Sarsi st Pepsi na laging naka simangot. " natatawa pa nitong wika
" Hala! Mang RC, isusumbong ko po kayo sa dalawa! " pananakot pa ni Nhejoy
" D'yaskeng bata ka! Hind ka na mabiro! " nagka kamot sa kilay na saad pa ng Driver. " Bakit ka ba napa rito? " tanong na nito sa sadya ng bagong kasambahay
Sinabi naman nito ang utos ng kanilang amo na hindi maka lakad.
" Sige, tara na! Hindi pa nga kasi magaling si Dew e! " turan ng driver at sabay na silang pumasok sa loob ng bahay para umakyat sa itaas para sundin ang utos ng binatang amo
" Ano po ang pangalan ng gwardya, Mang RC? Nakalimutan ko na po kasi! Sa iyo lang po ang natandaan ko dahil madalas naming inumin sa bahay. " nag tanong lang naman siya pero bahagya pa ring natawa ang matanda
" Iyong pang gabi si Royal at ang pang- umaga si Sprite. " tugon nito
" Wow! Mga nakaka uhaw po ang mga pangalan ninyo! Mabuti na lang po at iba ang pangalan namin ni Aling Magda! " pahayag ni Nhejoy sabay hago sa lalamunan kaya natawa na naman ang driver
Hindi na ulit sila nag- usap hanggang makarating sa k'warto ng binatang amo.
" Magandang umaga po, Sir Rave! " bati ng driver
" Good morning too! Paki buhat po ako sa banyo para maligo at baka po makalas ang boto ni Nhejoy kapag siya ang bumuhat. " utos nito sabay pasaring sa bagong kasambahay
Mahinang na tawa si Mang RC at lumapit na sa among baldado para buhatin at dalhin sa banyo.
" Hindi pa ho nagpapa- check up si Dew baka kung ano na po ang sakit niya? " tanong pa ni Sir Rave
" Trangkaso lang po, baka po nabinat. Makulit kasing bata sinabi nang h'wag munang mag trabaho, hindi na kinig kaya ho nabinat. " paliwanag pa ng Driver
" Maraming salamat po. " wika nito kay Mang RC
" Wala hong anuman, pa tawag n'yo na lang po ako kapag may kailangan kayo. " tugon pa nito bago lumabas ng bathroom
" Sige ho. "
Nagpa- alam pa ito kay Nhejoy bago lumabas at ilang sandali pa ay ang mag- among Rave at Nhejoy na lamang ang naiwanan sa silid ng binata.
" Nhejoy! "
" Po, Sir? " lumapit naman agad ang dalaga sa labas ng pinto ng banyo
" Pumasok ka rito, paano mo ako mapapa liguan kung nandiyan ka sa labas?! " inis na namang wika ni Rave
" Ho!? Ba- bakit po hindi kayo nagpa paligo kay Mang RC!? " reklamo agad ng dalaga na naka silip lamang sa pinto
" Sino ba ang personal maid ko!? Marunong ka nang sumagot ngayon ha!? " sermon nito sa kanya. " Kapag hindi ka pumasok dito papauwiin na kita sa probinsya n'yo! " pananakot pa ng binatang amo
" Eto na nga po, papasok na! " tugon naman ni Nhejoy na mas mahaba pa ang nguso kaysa ilong niya at bubulong- bulong ulit.
" Oh! Hindi mo man lang ba huhubarin ang damit ko!? Maliligo akong may suot pa!? Paano mo masasabon ang katawan ko!? " sunod- sunod pang wika ng binata
Kinuha kasi agad ng dalaga ang tabo na amy tubig at ibubuhos sa kanya.
" T- shirt lang po ang huhubarin ko hindi pwede iyang pang- ibaba, Sir! Maawa po kayo v!rg!n pa po ako! " reklamo niya kaya bahagya lamang na tawa ang baldadong binata
" Dapat alisin mo rin itong pajama ko, paano mo masasabon ang mga hita at binti ko? " tila nanunuksong uto pa ni Rave
" Ho!? " nanlalaki ang mga matang sambit ni Nhejoy
" Sige nga! Paano mo masasabon at banlawan ang mga hita ko? Siguradong mahihirapan ka. " paliwanag pa niya
Siguro ay naisip ng bagong kasambahay na may punto ang binatang amo kaya pumwesto siya sa harapan nito at hinubad ang suot na pajama. May silya na roong monoblock na tila sinadyang mag lagay niyon para sa kanya.
Mariin pa siyang naka pikit habang binababa ang suot ng among pajama. Nag pipigila naman nang tawa si Rave na tila aliw na aliw sa bago nilang kasambahay.
Hanggang sa kapiradong tela na pan loob na lamang ang natirang suot niya. Hindi na siya nag reklamo dahil nga tuwang- tuwa sa kinikilos ni Nhejoy. Binasa muna nito ang katawan niya tsaka sinabon mula sa kanyang pisngi pababa. Mariin pa itong napipikit kapag malapad niyang dibdib na ang sinasabon pababa sa mga hita sa binti. Hindi rin nito pinaraanan ng kamay ang nasa loob ng brief.
" Ayyy! Tarugo! " sigaw nito na tila takot na takot nang masagi nito ang nag huhumindig na pagka lalaki ni Rave
Kaya naman malakas na natawa ang binatang amo. " Hindi ka kasi tumitingin sa hinahawakan mo. " tukso pa nito na may nag lalarong ngisi sa mga labi
" Ano ba 'yon?! Aaaahhh! Bakit ganyan 'yan!? Bakit tumatayo!? Hindj naman ganyan iyan kanina! " bulalas ng dalaga sabay tayo at layo sa binatang amo
Hawak naman ni Rave ang tiyan sa lakas nang tawa niya. Lalo na no'ng matanaw ang mukha ng dalagang kasambahay, tila ba ibinabad sa suka dahil sa pamumutla.