" Dr. Anderson, could you please report to the hospital, we have patients waiting" , message na natanggap ni Kevin mula sa kanyang secretary. By appointment siya ngayon araw, me mga araw na naka schedule na siya mag clinic, pero ndi ngayon. " Cge I'll be there before 12, message niya sa secretary niya. Tinignan niya ang orasan, 10 am na pala.
Mabilis kinuha ni Kevin ang towel bago pumasok sa CR para mag shower, medyo groggy pa siya mula sa party na dinaluhan niya kagabi. Binuksan niya ang shower , hot water, cold water saka nagsimulang maligo sa banyo na asa loob din ng bedroom niya. Parang hotel sa garbo ang bahay nila Kevin, 3 storey mansion at 3 lang silang nakatira dito. Ang nakababatang kapatid na si Andrew at mommy Catherine niya. Multi million dollars ang company ng namayapa niyang ama. Retail, oil, at jewelry ang ilan lang sa pagmamayari ng mayamang angkan nila Kevin..
Cardiologist siya, mas pinili niyang ibahin ang career niya kahit pa nga pede naman siya maging boss ng sarili nilang business. Duktor ng puso, pero sarili niyang puso ndi niya magamot. Sa edad na 48 dapat meron na siyang sariling pamilya, mga anak na taga pag mana sa mala palasyo nilang kaharian. " Sino kaya siya? pabulong na tanong sa ndi maipaliwanag na panaginip na paulit ulit ay tungkol sa Isang dalaga na me hawak na pulang lobo. Patakbo takbo ang dalaga sa isang mala paraisong hardin na punong puno ng magagandang rosas, sunflower, daisy at tulip. Naka ponytail ang buhok niya na naka dagdag sa kasimplehan ng kanyang physical na anyo. Tipid ngunit sweet ang ngiti nito sa kanya habang may hawak na pulang lobo. Hahaha sa isip niya, para saan kaya ang pulang lobo?" Binilisan niya ang pag ligo dahil 2 hours at andoon na dapat siya sa clinic. Strict sa oras si Kevin, ayaw niya ng merong staff na late sa trabaho kaya ganoon din siya pag dating sa personal time management. Work ethic ay mahalaga .Kaya always come on time ika niya nga.
Very posh ang malaking wardrobe na puno ng mamahaling branded suit, Mula sa Armani, Gucci, Prada, Loius Vuitton etc etc. Parang normal na lang Kay Kevin mag suot ng suit na asa $1000 ang Isa. Kinuha niya ang white na doctor' s coat at bumaba gamit ang elevator. Oo me elevator ang bahay nila, at dahil asa 3rd floor siya ay marahang niyang pinindot ang button para umakyat ang lift. Pag ka baba ay tinungo niya ang mala showroom na parking lot kung saan andoon ang nakakasilaw and top of the line model ng Ferrari, Benz, Mustang, Bugatti, Cadillac etc etc. Kinuha niya ang susi ng Merced Benz na white at siya na mismo ang nag pa andar ng mamahalin niyang kotse. Ayaw niya ng me kasama sa sasakyan kaya mas pinili niya na siya na mismo ang magdrive. Meron pang 30 mins bago mag 12 noon. Ndi na siya nakakain pero mas pinili niyang mag start ng clinic niya dahil madami ng nakapilang pasyente sa labas.
" Good afternoon doc, wika ng secretary na ndi maitago ang kilig sa tuwing nakikita ang simpatikong duktor. Ngumiti at bumati si Kevin na lalong nagpa good mood sa assistant." Good afternoon din sayo Angelica. " Ilan na ang pasyente sa labas?." tanong niya sa secretary na nakaharap sa salamin habang sinisipat ang gwapong boss. " Five na po doc" Ah Sige pede ka na magsimulang magtawag.' Pag normal schedule niya umaabot ng mahigit 12 ang pasyente sa parehong oras. Masinsin sa detalye at magiliw sa pasyente si Kevin, karamihan sa mga pumupunta sa clinic niya ay matatandang pasyente, na giliw sa kabaitan at pagiging matyaga ng duktor . Matapos ang limang pasyente umalis na si Kevin para dumaan sa paborito niyang restaurant. Gutom na gutom na siya dahil ang suppose to be na lunch niya ay inabot na ng 3 pm. .
Tenderloin medium rare with garlic mashed potatoes at water ang napili niyang kainin sa lunch, mabilis naman na ready ang order niya. " Here's your meal sir, enjoy" wika ng waiter habang sineserve ang pagkain "Thank you", tumango si Kevin at bahagyang ngumiti sa waiter. Masarap ang pagkaluto ng beef at match na match sa side dish. Pagtapos kumain nag iwan siya ng malaking tip para sa waiter. Super saya yung server na nagpasalamat sa kanya. Sobrang generous si Kevin, para sa kanya importante na maishare din ang blessings sa iba. Kung gaano kasaya ang waiter sa malaking tip, ganon din yung saya niya na nakatulong siya. Good Samaritan, gwapo, simpatiko, mayaman at mapagkawang gawang duktor, All in one, except wala siyang lovelife.
Pagdating sa bahay kinuha niya agad ang drawing at painting materials niya. Marami na rin siyang naiguhit na obra, pero this time I draw draw at paint niya ang dalaga sa panaginip niya. Naka ngiti siya habang ni rerecall niya yung lugar, yung pisikal na anyo ng dalaga, yung pakiramdam niya habang patakbo takbo ang dilag sa hardin at siya ay nakamasid sa pagka inosente ng kanyang anyo. Hayy, paano niya nga ba makakalimutan ang ngiti na parang ngiti ni Mona Lisa. Dahan dahang gumalaw ang paintbrush habang kumpleto ang ibat ibang kulay na magbibigay buhay sa kanyang obra.
Mahinhing ganda na kulay rosas ang pinili niya para sa mga bulaklak ng tulip, Bughaw na langit na me tila sumusulyap na haring araw, dilaw sa mga malalaki at gumagalaw na mga sunflowers at higit sa lahat ang pulang lobo na tangan ng magandang dilag . Sa tutuo lang ndi naman gaano kagandahan ang dilag sa kanyang panaginip, kumpara sa mga kababaihan sa kanyang lugar, siya ay payak at simple lamang. Jessica ang ipinangalan niya sa binibini. Pero ito ang kanyang bulaklak, kaya para sa kanya ito ang pinaka maganda sa lahat.
Hindi maitago ang galak sa mukha ni Kevin ng matapos niyang iguhit ang obra, tinawag niya itong " The Lady With The Red Balloon' nakangisi siya sa ideya na literal ang pamagat na kanyang ibinigay dahil me hawak na pulang lobo si Jessica sa larawan. " Kelan kaya tayo magkikita at saang lugar kaya kita matatagpuan? Marahang inilagay ni Kevin sa frame ang larawan, Saka ipinwesto sa gitna ng lahat ng mga dati na niyang naiguhit na obra. Para sa kanya ito ang kanyang masterpiece. Sinusulyupan niya si Jessica habang nkaupo siya sa kanang bahagi ng eleganteng tulungan.
Hindi naman sa pihikan si Kevin sa babae, me mangilan ngilan na din naman siyang nakarelasyon. Nung college matagal niyang naging girlfriend si Karen na tulad niya ay isa ding duktor. " Hon, pagka graduate natin ng college ano ang plano mo "? Tanong ng katipan habang hinahaplos ang kamay at ikinikiskis ang braso tanda ng pag lalambing.' Ahmmm, di ba magtatake tayo ng board exam, tapos magtatrabho tayo", nakangiti si Kevin dahil alam niya ndi ito ang inaasahang sagot ni Karen. Sumimangot ang dalaga sabay talikod sa kanya. " Yung sa atin dalawa, me plano ka ba?" follow up question ni Karen. " Oo naman, plano ko mag travel kasama ka ", matamis ang ngiti ng dalaga, batid ni Kevin Isa ito sa weakness ni Karen, ang maglibot sa ibat ibang bansa, ,bagay na ndi niya masyadong gustong gawin. " Wew, saan mo ako ipapasyal na bansa? " urirat ng dalaga habang excited na agad sa isasagot ni Kevin. Ipapasyal kita sa bansang madaming magagandang bulaklak." habang nakatitig na si Karen sa kanya. " Sa Netherlands " , sabay tawa ng malakas.
Bahagyang umirap sabay, kinuha ni Karen sa bag ang celfon. Ang screen saver niya picture nila ni Kevin, pero edited ang background na kunwari ay nasa likod ng Eiffel tower sa Paris France. " Eto hon, dito tayo pupunta, wariy me pautos na tono sa boses ng dalaga. Gusto ko kasi tutuong Eiffel tower na ang ilalagay ko sa screen saver ko."malungkot at medyo nag papaawang tinig ng katipan. Ndi maipaliwanag ni Kevin pero naaliw siya sa tuwing nakikita niyang napipikon ang dalaga, bagay na taliwas sa naging ugali niya kapag mga nakakatanda ang nkakausap niya. Siguro dahil meron din kasing ugaling pagka bratenela ang dalaga kaya nakagiliwan na niya na asarin ito. " Maganda naman ang kuha natin diyan, kung ndi mo nga sinabing edited ni ko Naman mahahalata" hahaha, tawa na ndi nagustuhan ni Karen. Sa panaginip mo nakapunta na tayo dyan, Ganon ba?
Alam Naman ni Kevin kung kelan aasarin at lalambingin si Karen. Dahil nalukot na ang mukha nito at nakataas ang kilay, na ginuhit lang gamit ang dark brown na eyebrow pencil. Eto na Yung go signal na lalambingin na niya si Karen. Nilapitan niya ang katipan na parang batang nagdadabog dahil ndi ma gets ng bf niya ang gusto niyang ipakahulugan. Sa isip niya sa sobrang yaman ni Kevin kahit araw araw pa silang mag travel afford naman ito ng boyfriend. Kaya nga ikaw yung pinili ko kahit madaming kandarapa na naliligaw sa akin. Syempre ndi nya yun pedeng sabihin kaya parang conversation bubble na nasa isip niya lng lahat ng yun.
Sa kabilang dako ndi rin maintindihan ni Kevin na kung gaano ka simple ang gusto niya sa Isang babae ay kabaliktaran ng itsura at ugali ng girlfriend niya. Ganon naman minsan, ndi umaayon sa mga requirements natin ang napupunta sa atin, datapwat ndi maitatanggi na maganda at seksi tlaga ang girlfriend niya, pero malayo sa salitang simple. " Hwag ka na magtampo baby, pupunta na tyo sa France at papalitan na natin ng tutuong Eiffel Tower ang edited mong picture ". Sabay hinalikan niya sa pisngi ang girlfriend. " Promise yan ha" matipid na ngiti ang isinagot ni Kevin sa kanya.
Mahigit 20 years ago na to. Marami ng nangyari, malamang tutuong Eiffel Tower na ngayon ang screen saver ni Karen.Kahit araw araw niya gustuhin picturan ang lahat ng magagandang tanawin sa France magagawa na niya, doon na kasi siya nakatira. Nabalitaan ni Kevin mula sa malapit nilang kaibigan na nakapangasawa ng French engineer ang ex niya. Siguro nung mga panahong ndi niya tinupad ang pangako na pupunta sila sa Paris, doon niya nakilala yung napangasawa niya, ndi lang talaga sila meant to be. Past is past ika niya though medyo nanghinayang din siya sa mga pinagsamahan nila.
Nag ring ang phone ni Kevin at anonymous ang nkalagay, Wala sa saved contacts niya kaya ndi niya sure kung sasagutin niya. Naisip niya bka importante ito naki gamit lng cguro ng phone ang tumatawag. " Hello, ito ba si Dr Anderson?, medyo nabosesan niya ang lalaki sa kabilang linya pero pede naman na nagkamali siya. Yes, sino po sila? malakas na tawa ang isinagot ng kausap, Guess who?, sabay pareho na silang laughing mode dahil tama ang iniisip niya. " Pare asa Netherlands ka na ba? hahaha tawang tawa si Kevin na ginawa pa siyang panghulain ng kausap na Isa sa malapit niyang kabarkada. " Kelan ka pa dumating'?.urirat niya sa kausap na noon ay nag aaya na mkipagkita sa kanya
Kagabi lang pare, "tumulog lang ako tapos tinawagan agad kita, ganyan ka ka special sa akin," malakas na tawa ang sabay na narinig mula sa magkaibigan..Ganyan ka close si Kevin at Choi, daig pa nila ang tutuong magkapatid kung ituring ang isat Isa. " Kita kits tayo pre mamaya sa Hoppe around 7 pm para doon na tayo mag dinner sabay walwal na din.haha. Isa ang Cafe Hoppe sa paboritong tambayan ng magkaibigan. " No probs pre, basta ikaw. Me pasalubong ka ba sa akin?" haha" parang girlfriend na nagtanong c Kevin sa tropa nya. " Of course tol, meron ako ibibigay sayo na nabili ko pa sa Vietnam. You will never believe it pero baka ito na ang tutulong para mahanap mo ang soulmate mo?, Naging very interested c Kevin habang nakikinig sa sinasabi ni Choi at nakatitig siya sa painting ni Jessica. "At last ", sa isip ni Kevin, makikita na rin kita."
Maaga nakarating si Kevin sa pinagusapang lugar. Alas 6 pa lang ng gabi ay andon na siya, kaya nakapasyal pa siya bago naghanap ng perpektong spot para umupo at intayin ang kaibigan. Ang Cafe Hoppe ay isang kaakit-akit at makasaysayang cafe sa gitna ng Amsterdam, Netherlands. Sa mahabang kasaysayan nito na nagsimula noong 1670, ang cafe na ito ay naging isang paboritong lugar ng mga lokal at mga bisita. Me mangilan ngilan na din na customer na nag eenjoy habang nakikinig sa musika ng ginoo na nagpapatugtog ng love song sa kanyang magarbong piano. Nakatingin si Kevin sa labas ng bintana dahil wari ba ay dinala siya Ng musika sa isang pamilyar na lugar. " Maari ko na bang buksan ang regalo mo sa akin" habang nakasarado ang mata ng dalaga at hawak ang Isang maliit na kahon. " Sige na' ", sana ay magustuhan mo ang munti kong nkayanan. " Happy Anniversary ', parang mga bituin na kumislap ang mata ng dalaga ng marahang inalis ang kwintas sa loob ng munting lalagyan. " Napakaganda" , Isang simpleng kwintas na me pendant ng lion. " Zodiac sign ko to", napabuntong hininga ang babae , sabay yakap sa lalaki. Somewhere in time ang awitin na tinutugtog ng pianista, kaparehong tugtog sa panaginip niya habang kasama niya si Jessica.
" Pare, whatz up whatz up' tinapik ni Choi ang kaibigan na medyo tulala dahil sa malalim nitong iniisip. " Hey, nice to see you pre" , sabay monstra sa upuan na katapat ng inuupuan niya , mukhang me jetlog ka pa, haha. Nakangiti lang c Choi sa kaibigan, " Parang ikaw din pre, hulaan ko, iniisip mo na ulit yung babae sa panaginip mo. Tama ba? Ang tingin ni Kevin ay tila may pakikiusap na sana ndi niya gawin katatawanan ang kanyang nararamdanan. " Sige pare pasensya ka na, alam mo naman tutulungan kita sa abot ng aking makakaya". Isang makahulugang ngiti ang isinagot ni Kevin." Order muna tayo tol", tinawag ni Kevin ang waiter at iniabot nito ang menu sa kanya. " On the house, pili ka lang wag ka mahihiya" haha." tinignan ni Choi ang menu, wait tinitignan ko pa yung most expensive steak nila,hahaha
" Wangyu steak with baked potatoes at wine " nilista ng waiter ang order, how about you sir? Garlic butter shrimp with stir fry veggies, saka pilsen." thanks for your order magalang na bigkas ng waiter. ' Pre, mamaya pa tayo magiinom di ba? baka ndi ka makapag focus sa sasabihin ko sayo pag medyo groggy ka na. " Well, pede naman natin pagusapan na habang nagiintay ng dinner". Ngumiti si Choi habang inilabas ang pasalubong niya sa kaibigan. Pre eto na, tinatancha niya ang reaction ni Kevin, hahaha "pare alam mo nman ayaw ko ng suspense di ba?" Sarcastic na tawa ni Choi dahil gusto niya pikunin muna si Kevin tulad ng palagi niya ginagawa dito. Nakabalot sa Isang giftwrapper na me ribbon at tulad ng regalo sa Isang babae ang pasalubong ni Kevin. Bw***t ka talaga' pare, lakas ng tawa ng dalawa na parang sila lang tao sa restaurant na Yun. " Charran!, pare wag mo aalisin ang element of surprise, kasi importante yun. ahaha. Walang nagawa si Kevin kundi marahang buksan ang present niya na me ribbon pang pula
" Ho Chi Minh City, don ko yan binili. may ilang merkado na nagbebenta ng mga modernong produkto para sa pagibig. Soulmate pendant ang tawag dyan. Kung ano ang zodiac sign ng soulmate mo, iyon ang makikita mo pagbinuksan mo ang kahon. Sinulat ko ang pangalan mo, at pinakita ang picture mo, ndi ko pede buksan ang kahon na yan, kaya ngayon ko pa lang din makikita. Medyo creepy.pre, haha. pero sana ndi ka maging palaka habang binubuksan mo yan, naging halakhak ang kanina ay seryosong itsura ni Kevin habang nakikinig sa kaibigan. " Siguro mas mabuti pa , sa bahay ko na lang buksan. Sumimangot si Choi dahil kahapon pa cya naiintriga sa laman ng kahon." Pare kelangan mo na yan buksan ngayon, kasi ndi kita matutulungan kung maging palaka ka sa bahay nyo.sabay tawa ulit ng dalawa.
" Sir eto na po yung order nyo, Wangyu steak with baked potatoes at Garlic butter shrimp with stir fry veggies" inilagay din ng waiter ang wine at pilsen sa lamesa pati na din yung bucket na puno ng ice cube. " Enjoy your dinner" sabay nagkatinginan na lang ang dalawa. " Gusto mo ng element of surprise di ba?", napakamot na lng si Choi kasi to be continued mamaya yung pagbukas nila nung soulmate pendant. Halata sa mukha ng magkaibigan na masarap ang pagkakaluto sa special na hapunan. " Very delisisyoso" haha, kung ano ano ng linguahe ang natutunan mo kaka travel mo, banggit ni Kevin sa Italian words na me Italian accent pa na wika ng kaibigan. ' Medyo nag burp pa si Choi sa kabusugan sa steak na kinain, sabay inom ng wine .
' Pare ano open mo na yung pasalubong ko", marahang inalis ni Kevin ang gift wrapper at bahagyang inianggat ang takip ng kahon. " Wows, Lion queen, haha pre matapang pala ang soulmate mo. " . Medyo ndi na nagulat si Kevin dahil nakita na niya ito sa panaginip, parang pag validate lang ito na unti unti nang nagkakatuo at nagiging realidad na ang lahat. Nakamasid sa kanya si Choi, dahil walang reaksyon ang mukha ng binata na parang expected na niya ito. " So, pare ang susunod ba nating gagawin ay hanapin lahat ng babaeng me zodiac sign na Leo sa buong mundo" nagkatawanan ulit ang magkaibigan sa tila ba ay Isang napaka impossibleng idea.
" Merong instructions dyan pare sa ilalim ng kahon. Nakasulat kung anong ritwal ang gagawin para maging epektibo at gumana ang soulmate pendant". Marahang binuksan ni Kevin ang nkatuping instructions at binasa. * Upang buhayin ang kapangyarihan ng soulmate pendant at mahanap ang tunay na pag-ibig. Kelangan ang Soulmate pendant* Isang maliit na plato ng puting bulaklak (tulad ng jasmine o rose)*isang kandila na may kulay rosas o pula *Paghahanda:* Ilagay ang soulmate pendant sa isang maliit na plato o altar. Paglagay ng mga bulaklak sa paligid ng pendant* Sindihan ang kandila at bigkasin ang mga salita "Amore Vera, busca mi corazón" (Tunay na Pag-ibig, hanapin mo ang aking kabiyak ng puso)* Isulat ang iyong mga intensiyon at mga pangarap sa papel."Nais kong mahanap ang aking soulmate na may pagmamahal* Ilagay ang papel sa ilalim ng pendant at bigkasin ang mga salita "Nangako ako sa iyo, aking puso, na susundan ko ang landas ng pag-ibig." Pagkatapos ng ritwal, ilagay ang pendant sa bulsa. - Gawin ang ritwal sa isang tahimik at mapayapang lugar.-Siguraduhing mayroon kang positibong intensiyon at pagmamahal sa iyong puso.- Huwag gamitin ang pendant para sa mga masasamang layunin.
Pabirong kinuha ni Choi ang puting rosas na nakalagay sa vase sa gitna ng table " " Eto pare me bulaklak na tayo" ' ndi magkamayaw ang dalawa sa pagtawa sa tinuran ng binata. Marahang inilagay ni Kevin ang Leo pendant sa kanyang bulsa sabay tawag sa waiter para mag bill out. " Tol ingat ka paguwi, ndi na tayo nakapag walwal sa sobrang excited mong mahanap ang soulmate mo,hahaha,"pailing iling si Choi na ndi makarelate sa kaibigan na nagttyaga o nag aaksayang hanapin ang soulmate gayong sandamakmak na babae ang nagkakagusto sa kanya.
Sa kabilang dako ng mundo, sa isang maliit na lugar sa probinsya ng Batangas bayan ng Lipa , kilala sa mga magagandang tanawin ng bundok at mga produktong agrikultural, merong mga establishment na tulad ng mall, park, makasaysayang simbahan at ang lungsod ay may mga simpleng pamayanan at may mga oportunidad para sa pag-unlad. Nandoon si Jessica isang ordinaryong babae na may mga pangarap at mga layunin sa buhay, ngunit nahaharap siya sa mga hamon sa pagbayad ng mga utang. Siya ay nagtatrabaho bilang isang call center agent sa isang BPO company at kumikita ng sapat lamang pero minsan ay kulang pa para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
Madalas kahit kakapasok pa lang ng salary niya ay ubos agad ito dahil sa dami ng mga bayarin, tulad ng upa sa bahay, kuryente, tubig, internet at loan na ndi maiwasan dahil sa kakapusan ng pumapasok na pera kumpara sa kanyang kinikita. Sa kabila ng mga hamon ng buhay si Jessica ay may pag-asa at determinasyon na magtagumpay sa buhay. " Haiisst kelan kaya magiiba ang takbo ng buhay natin" banggit ng nanay ni Jessica habang naglalaba sa labas gamit ang medyo luma ng washing machine." Malapit na inay, nararamdanan ko na". Ndi maipaliwanag ng nanay ni Jessica kung maawa o matatawa sa anak. Paano nga ba mag iiba ang buhay nila kung sa sahod niya lang sila aasa. " Alam mo inay naghahanap din naman ako ng sideline, yung mapapag kakitaan ko pandagdag ng income" Batid naman ni Aling Gloria na pinipilit ng anak na gumawa ng paraan, siguro, ndi pa lang nadating ang swerte. " Wag ka mag alala nay, palagi lang tayong mag dadasal at magppasalamat, kahit mahirap ang sitwasyon, ang mahalaga ndi tayo nawawalan ng pag asa.".
Nung gabing yun ndi maalis sa isip ni Jessica ang sinabi ng kanyang nanay, pilit niyang pinapalakas ang loob nito dahil batid niya ang pinagdaanan nitong hirap. Alam niya na gusto rin ng kanyang Ina na makatira sa mas maayos na bahay, mabili ang mga gustong gamit, pagkain at yung walang maniningil at magagalit kapag mahuli ang mga bayarin. Sa mundo ngayon me mga taong binabase ang respeto sa dami ng pera at pakinabang. Batid niya meron mga taong lihim na natutuwa kapag nakikitang nahihirapan ang kapwa. Gayon pa man pinapagpa sa Diyos na lang ni Jessica ang lahat. Kung sa sarili lang niya, kaya niya nman maging masaya at. makuntento sa simpleng buhay. Siguro kung me opurtunidad na madadagdagan ang kinikita niya maaayos din yung problema nilang pinansyal. Natuon ang paningin ni Jessica sa music box na bigay ng dati niyang boyfriend. Kahit matagal na panahon na ang lumipas mula ng natanngap niya ito ay maayos pa rin naman at parang bago pa ang itsura. Tumugtog ang magandang musika habang sumasayaw ang ballerina. Nagbalik sa alala niya ang lalaking nagbigay sa kanya ng munting regalo.
" Thank you ang ganda naman ng gift mo sa birthday ko". Kakatapos lang nilang magsimba at nakaupo habang iniitay ang order nila sa fastfood. Ndi materialistic si Jessica, kung ano ibigay sa kanya na appreciate niya ng buong puso. " "Welcome , masaya ako at nagustuhan mo ang aking regalo sayo" , Ang tutuo niyan medyo kapos ako sa budget kaya yan lang ang nagkasya sa pera ko" sabay kamot sa ulo dahil nahihiya siya sa payak na handog niya sa katipan. ' Hinawakan niya si Roel sa braso saka lapit para kumbinsihin na sapat na naalala siya nito sa kanyang kaarawan .Yung present siya at nakapagsimba sila ay malaki ng blessing sa kanya. " Alam mo ang importante naman nandyan.ka plagi , ramdam ko ang sincerity mo, tutuo ka magmahal at ndi naka base sa halaga ng mga bagay ang pagpapahalaga mo sa tao" naalala niya yung ngiti ni Roel sa kanya nung mga panahong yun" Salamat din, dahil palagi mong pinapalakas ang loob ko. "
Tumigil na ang tugtog ng music box gayon din ang pag sayaw ng munting ballerina, tumulo ang luha sa mga mata ni Jessica dahil wala na rin ang taong nagbigay sa kanya nito. Tatlong taon na ang nakakaraan ng aksidente nabaril ng kaibigan niya si Roel. Yun Ang huli nilang pagkikita kaya itinabi niya ang munting regalo ng kanyang mahal na si Roel. Tumingin si Jessica sa langit na noon ay nagsabog ng madaming maningning na bituin, mukhang nakikisimpatya din ang buwan dahil ndi perpektong bilog ang hugis nito ngayon." Ganyan lang kaikli ang buhay, kaya kung me kakayahan tayong magmahal, tumulong at maging tutuo sa kapwa ay gawin natin." Marami sa mga tao ay ginagawang mas lalong mahirap ang buhay ng kapwa.Yung pagtulong na walang kundesyon. Nalungkot siya habang nakatingin sa buwan, " Sana Isang araw makikilala ko rin ang nakalaan para sa akin, ngunit sa ngayon pagbubutihin ko muna kung ano ang mga pinagkaloob ng Diyos sa akin."
Nagising si Jessica sa sigawan ng mga kapitbahay." Ano di ba tutuo sinasadya mo na stressin ako ?" napa kunot ang nuo ni Jessica pag silip niya sa bintana ay me dalawang babaeng nagsisigawan. " Oo sinasadya ko nga" sagot naman nung dalagang naka miniskirt. Umupo na lang si Jessica sa kama kesa makinig sa walang kabuluhang pagtatalo. Bakit mo naman gagawin palungkutin at istressin ang kapwa mo? Ang purpose natin ay gawing maayos ang buhay ng kapwa at tumulong sa kanila. , Kaya kung ndi natin kaya yun gawin para sa kanila , Sana wag tayo dumagdag sa problema nila. Napapa iling lang si Jessica kapag nakakarinig ng ganitong usapan. Inis na inis siya kapag nakakakita ng mga taong nagkakampihan para mam bully ng kapwa, Yung iba ginagamit pa ang social media para sa hate campaign. Yung iba ginagawang content ang buhay ng ibang tao..Napabuntong hininga na lang si Jessica. Sa isip niya maiintindihan din nila ang pakiramdam kapag Isang Araw nangyari din sa kanila.
Nagpunta Siya sa kusina para mag timpla ng kape. Kopiko Brown at Sky flakes ay almusal na para sa kanya. Nag ring ang phone niya at nagulat siya na ang tumatawag ay ang kaibigan niya na me magandang balita. " Jessica congrats nanalo ka ng washing machine sa raffle kahapon", talaga ba pag kumpirma ni Jessica kay Weng na noon ay excited din sa balitang inihatid sa kanya. " Thanks God, mapapalitan na din yung lumang washing machine ng nanay ko, kumakalampag na kasi yun pag ginagamit, haha. Masaya ang kaibigan niya at naging paraan siya para maipahatid ang magandang balita. Salamat Weng, puntahan ko na Lang sa opis mamaya." sambit niya sa kaibigan " Welcome Jessica musta din kay nanay siguro next week na ako makakapunta diyan. " Sige, miss ka na nga namin dito, para makapag kwentuhan tayo at makapagluto ng pancit guisado. " Wow, yung favorite ko pancit ni nanay Gloria, sige sige, next week I set na natin yung schedule." Kita kits na lng sa opis next week" tapos nag babay na sila sa isat Isa.
Niligpit muna ni Jessica ang higaan, kumuha ng beddings sa cabinet. Pinili niya yung pinakabago na me design na mga lobo. Bata pa lang si Jessica fascinated na siya sa makukulay at iba't ibang hugis na lobo. Me particular na dahilan ang pagkahumaling niya dito, yun ay dahil sa yumao niyang ama. "Papa bilhan mo ako ng lobo" , wika na me paglalambing habang itinuturo ang kulay pulang lobo na noon ay hawak na ng nagtitinda. Binilang ng ama ang pera para maka siguro na kasya pa ang pamasahe sa jeep at makakauwi pa sila ng ndi naglalakad. Magkano po ba ang lobo?.tanong ng kanyang ama. 10 pesos po. Mura pa noon ang bilihin kaya ang sampung piso noon ay 50 pesos na ngayon. Tuwang tuwa si Jessica habang inaabot ng papa niya ang napili niyang kulay pulang lobo, ngunit bago pa man ito mahawakan ni Jessica isang batang tumatakbo ang bumanga at nkasagi sa papa niya kaya tuluyang lumipad ang lobo sa langit. Parang literal na kanta na pambata "Ako ay may lobo'. Naalala pa niya kung gaano kalakas ang iyak niya at kung gaano kalungkot ang mukha ng papa niya habang sinubukan nito na habulin ang lobo. Nung araw na yon naglakad si Jessica at papa niya habang nakatali na ang pulang lobo sa kamay niya. Hindi niya maipaliwanag kung maiiyak ba siya dahil sa pagod o matutuwa siya dahil nakauwi sila na me lobong pula.
Balak ni Jessica na bukas na kunin ang washing machine, ngayon gusto niya lang magpahinga at ienjoy ang off niya. Marahang humiga sa kanyang kama at ndi namalayan na siya ay napa idlip na. Madaming magandang bulaklak sa hardin kung saan siya ay lumalakad, ndi pamilyar ang lugar na iyon sa kanya, iba sa kinalakhang lugar.Merong wari ay tinig na tumatawag sa kanya, sinundan niya ang pinagmulan ng boses na nanggaling sa Isang lalaki. " Kumusta ka na Jessica, matagal kitang hinahap. Isang gwapong ginoo na merong balbas ang pinagmulan ng tinig. Matangkad, matipuno at merong mga matang parang nangugusap. " Bakit mo alam ang pangalan ko?." nalilitong tanong ni Jessica sa ginoo. Nakangiti habang lumapit sa kanya ang binata na sa tingin niya ay kasing edad niya lang. " Kevin ang pangalan ko at ginagawa ko ang lahat para maibalik ka sa piling ko. Bago pa lang tayo ipinanganak, ang mga kaluluwa natin ay nagkita na. Sa ibang panahon ikaw ang aking princesa ngunit dahil sa mga taong me galit sa puso pilit tayong pinaglayo. Hinanap kita sa ibat ibang panahon para maituloy natin ang ating pagmamahalan. Nakangiti si Jessica habang natutulog at nakatingin lang sa kanya ang nanay niya. " Haisst kawawa naman ang anak ko, kahit sa panaginip niya tumatawa mag isa". Hinayaan na lang ni Aling Gloria ang anak dahil sa isip niya buti yun kahit sa panaginip man lang malimutan nito ang mga problema.
Sinimulan na ni Kevin ang rituwal ng paghahanap ng kabiyak ng kanyang puso. Ang Amore Vera busca Mi Corazon.Ito ang dahilan kung bakit sa panaginip ni Jessica nakikita na niya si Kevin.
Ilang rings ang narinig ni Kevin sa kanyang fon. Kaya ndi niya muna natapos ang rituwal na halos ay matatapos na sana. Pagtingin niya sa fon me 3 missed calls mula sa kanyang secretary. Agad niyang tinawagan si Angelica para alamin ang nangyari. " Doc emergency po, kelangan kayo pumunta sa ER" . medyo tense na ang boses ng dalaga. "Sige I'm on my way".Ndi na ito iba para kay Kevin, sa tagal na niya sa ganitong larangan marami na siyang eksperyensa at mga napagaling, medyo malungkot lang siya dahil malapit sa kanya ang pasyente na kikitain niya sa emergency room." Doc Kevin, ikaw na yata ang pinaka gwapo at mabait na duktor na nakilala ko" wika ni Mrs. Smith, " Thank you at sana sa susunod na pagkikita natin ay malaki na ang improvement mo."