CHAPTER 2: HIS PLACE

2221 Words
Palabas na ngayon sina Meredith sa may club kung saan siya nagtra-trabaho. Nakapagpaalam na siya kay Madam Violet ngunit hindi niya muna ipinaalam na aalis na siya sa trabaho. Ang tanging alam lang ni Madam Violet ay nabitin si Eros kaya gusto nitong maiuwi si Meredith. “Saan na tayo ngayon pupunta?” tanong ni Meredith na ngayon ay suot ang isang pang-opisinang uniporme. “In my place,” tugon naman ni Eros at dahilan para tumaas muli ang balahibo niya lalo na't narinig na naman niya ang malalim at malamig na boses ni Eros. Hindi na muna sumagot si Meredith at sumunod na lang ito sa pagpasok ni Eros sa kulay puti nitong Mercedes-Benz AMG SL 63 na sasakyan. Napasinghal si Meredith nang umupo siya. Nasa passenger's seat siya, katabi ang tahimik ding si Eros. Matapos ang napakapusok nilang ginawa kanina, ngayon naman ay dinaramdam nila ang katahimikan at ang isa't isa. Hindi na natiis pa ni Eros ang nakakabinging katahimikan kaya naman ay siya na mismo ang bumasag nito sa pamamagitan ng paglagay ng seat belt kay Meredith. Parang sinasadyang ilapit ni Eros ang mukha niya kay Meredith at napangiti pa ito nang magtinginan sila. Hinalikan ni Eros ang mga labi ni Meredith pero hindi lumaban si Meredith na ipinagtaka ni Eros. Huminto siya kakahalik at bumalik sa pag-ayos ng kaniyang upo. “Was it what we did?” tanong ni Eros habang nakatingin sa kalsada. “Is there something wrong, Meredith? Aayaw ka na ba sa deal natin?” Napangiti si Meredith, napasulyap kay Eros at hinawakan ang mukha nito. “Hindi, Eros.” Eros raised a brow, hindi niya lubos maunawaan ang sinabi ni Meredith. “Okay ako sa deal. Ang iniisip ko lang ngayon ay ang pamilya ko,” wika ni Meredith at inalis na ang paghawak sa mukha ni Eros. “You never told me. Gusto mo bang magpunta ka muna sa inyo?” Eros asked with so much concerns. “Puwede naman tayong dumaan doon at magpaalam ka.” Both of them had talk already that once they reached Eros' place, Meredith will be under Eros' command. Magiging pag-aari na siya ni Eros at kahit anong nais ng lalaki sa kaniya ay susundin niya ito. Ano ang kapalit? Malaking halaga ng pera. “Ano ba ang sasabihin ko sa kanila?” pagbabalik naman ni Meredith ng tanong. “Na titigil ka na sa pagiging bayaran na babae,” agad na sagot ni Eros. “If you can't tell them na hihinto ka na, let me explain everything to them.” Umiwas ng tingin si Meredith at hinati sa dalawa ang nakalugay nitong buhok. Binuksan nito ang bintana ng sasakyan ni Eros, isinandal ang kaniyang balikat at napatingin sa labas. “Eros, iyon ang problema... ang pagiging bayaran ko” Huminga nang malalim si Meredith. “Hindi mo ba nakikita ang suot ko?” Napatingin naman si Eros sa suot nito at kumunot ang noo. Naguguluhan na naman siya. “Akala nila ay marangal akong nagtra-trabaho sa isang opisina pero hindi nila alam, kung sino-sino na'ng lalaki ang nakakatikim sa akin.” Mahinang natawa si Meredith at unti-unting namuo ang luha sa kaniyang mata. “Para akong putahe sa karinderya. Sa simpleng turo-turo, puwede na akong matikman kapalit ng halaga.” Hindi nakaimik si Eros. Alam niyang hindi papasukin ni Meredith ang ganitong trabaho kung wala itong malalim na rason. “But not until you met me—after we met,” mahinang sabi ni Eros at hinawakan ang balikat ni Meredith. Pasimpleng napalingat si Meredith ngunit hindi siya tuluyang napasulyap kay Eros dahil may luha na ang mga mata niya ngayon. “Meredith, you will no longer be a Maria. You're mine now at ang ipinapasuweldo sa iyo rito, kaya kong doblehin nang ilang ulit.” “Kung hindi nga dahil sa laki ng halaga na in-offer mo, baka umayaw ako,” saad ni Meredith sabay pahid sa kaniyang mga luha. “Nasasarapan ako at natutuwa sa tuwing may ka-niig ako dahil sa halagang kapalit ngunit pagkatapos, halos isuka ko na ang aking sarili. Kung kanino-kaninong laway na ang dumampi sa aking katawan. May iba't-ibang laki at haba na rin ang pumasok sa katawan ko. Pero wala eh, mahirap ako at kailangan ko ng pera. Desperada ako!” Mas lumapit pa si Eros kay Meredith at niyakap ito mula sa likuran. Parang maamong tupang ipinatong ni Eros ang kaniyang baba sa balikat ni Meredith. “Forget all those things and leave them behind,” saad pa ni Eros habang nananatiling nakayakap. “Akin ka na at kahit ano ka pa, tanggap kita.” Tila nanlambot ang puso ni Meredith sa sinabi ni Eros. Sa uri ng trabaho niya, hindi niya akalaing sasabihan siya ng lalaking kakikilala niya lang at magiging may-ari niya ng ganoon. Pakiramdam niya, isa siyang prinsesa. Mahal ng lahat at walang pro-problemahin. She gaped and blink in a second. “Tanginang cancer 'yan eh! Bakit kasi sa tatay ko pa tumama? Marami na kaming utang at malaki na rin ang bayarin ni tatay sa ospital.” Kumawala sa pagkakayakap si Eros nang mapaharap sa kaniya si Meredith. Magkabilaang hinawakan ni Meredith ang pisngi ni Eros. “Now, Eros, tell me. Masisisi mo ba ako kung hinayaan kong yurakan ng iba ang aking p********e?” Mahina siya natawa at naaamoy na naman ni Eros ang napakabango nitong hininga. “Easy money dapat eh. Kailangan na kailangan.” Pinunasan ni Eros ang tira-tirang luha sa mukha ni Meredith. “Your work won't make you less of a woman.” Hinalikan nito ang noo ni Meredith. “Dumaan muna tayo sa inyo at ako na ang bahalang magpaliwanag. Don't worry, they won't know kung ano ang dati mong trabaho.” ---- “Anak!” isang masiglang pagtawag ng may katandaang babae, suot ang daster na may kakupasan na. “Anak, andito na ang ate mo!” Mula sa loob ng isang barong-barong na bahay ay lumabas ang isang lalaking may katandaan na ngunit kung kumilos ay parang bata. “A-ate!” masayang sabi ng kapatid ni Meredith. Agad na sinalubong ni Meredith ang kapatid niya at niyakap ito. Nasa likuran lang naman ni Meredith si Eros na napapangiti pa habang nakatingin sa kapatid niya. “Para sa guwapo at mabait naming bunso . . . . ” nakangiting sabi ni Meredith habang binibigyan ng ideya ang kapatid na may nakatago sa likuran niya. “Donuts!” Ibinigay nito sa kapatid ang isang kahon ng donut at halos magwala sa tuwa ang kapatid nitong may kapansanan. “Good evening po,” agad na sabi ni Eros nang magtama ang tingin nila ng nanay ni Meredith. “Magandang gabi, pogi,” saad naman nito sa kapatid ni Meredith. Tumango ang nanay ni Meredith habang sumisilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. Ang kapatid naman nitong lalaki ay parang hindi makapaniwala. Ngayon lang kasi ito nakakita ng isang lalaking naka-suot ng coat, may neck-tie, mabango at napaka-kisig. Sa isip ng kapatid ni Meredith, inaakala nitong artista si Eros. “A-ate, si..sino 'yan?” tanong ng kapatid nito sabay turo kay Eros. Napasulyap si Meredith kay Eros at ngumiti. Ngumiti rin si Eros at lumapit sa kapatid nito. “I'm Eros,” pagpapakilala niya at nakipagkamayan sa kapatid ni Meredith. “I'm her boss and it's so nice meeting you.” Matapos ang pagkakamayan, inamoy pa ng kapatid ni Meredith ang kamay niya. Natawa lang naman sila sa ginawa nito. “Sir, tuloy po kayo,” alok ng nanay ni Meredith. “Pagpasensiyahan niyo lang dito sa amin, eskwater eh.” Dito na lumaki si Meredith at dito siya namulat sa realidad ng buhay. Kung mananatili kang mahirap, mananatili kang lugmok rito. Ang tanging paraan para makaagalpas sa paghihirap sa mabaho, maingay at masikip na lugar na ito ay ang magkaroon ng pera—sa kahit na anong paraan. “Nay, hindi na kailangan,” pagsingit ni Meredith. “Hindi naman magtatagal dito si Er— si Sir. . . I mean kami.” “Bakit? Hindi ka pa ba uuwi?” naguguluhang tanong ng nanay nito. “I promoted Meredith for a higher position. She's a hard working employee and she deserves the promotion,” pagsisinungaling ni Eros. “Because of her promotion, she needed to go with me starting this evening and until her training ends. To be clear, it may took a long time.” Kunot-noo lang at napapanganga ang nanay ni Meredith. Hindi batid kung hindi niya maintindihan ang sinabi ni Eros dahil wikang ingles ang gamit nito o dahil kaya hindi niya maintindihan na biglaan lang. Lumapit si Meredith sa nanay niya. Niyakap niya ito at mula sa bulsa ng unipormeng suit niya, may kinuha siyang sobre at palihim itong inabot. “Nay, hindi na tayo maghihirap, bulong nito. “Gagaling si tatay at hindi na tayo mababaon sa utang. Malaki ang kikitain ko rito, mas mataas na posisyon itong ibinigay sa akin.” Itinupi ng nanay niya ang sobreng inabot ni Meredith at agad na itinago sa bulsa nito. Tango lang nang tango ang nanay niya habang naluluha. “Mag-ingat ka anak,” saad ng nanay nito nang humiwalay siya ng yakap. “Kung pagod ka sa magiging trabaho mo, tumawag ka lang dito.” Tumango si Meredith, muling niyakap ang nanay niya at pagkatapos ay nagtungo sa harap ng kapatid. “Baby, aalis muna si ate ha? Mabilis lang naman 'to,” pagsisimula niya at pinipigilan ang luhang magsilabasan. “Huwag kang mag-alala, magpapadala ako palagi para may donuts ka na kakainin araw-araw.” Dahil sa isip-bata ito, sa halip na maiyak ay natuwa lang ito lalo na nang marinig na makakakain siya ng maraming donuts araw-araw. Kinuha na ni Meredith ang ilang gamit niya sa kanilang bahay. Kaunti lang ang dinala niya dahil may bibilhan naman siya ni Eros ng mga damit na susuutin nito. ---- Nasa loob na naman sila ngayon ng sasakyan at tahimik itong minamaneho ni Eros. Kahit tinanggap na niya ang offer ni Eros, wala pa rin siya ngayong ideya kung ano ang gagawin niya o nilang dalawa. “Aalilahin kaya ako nito? Gagawing katulong?” saad ni Meredith sa kaniyang isipan. “Meredith, if you're thinking na marami kang gagawin sa lugar ko, you're wrong.” Napasulyap si Meredith kay Eros habang patagong natatawa. He guessed the thoughts that played on Meredith's mind. “Pasayahin mo lang ako, it's fine. Mga ganoong gawain lang naman ang iuutos ko sa iyo.” “Ah... Eros,” may pag-aalinlangang sabi ni Meredith. Hindi niya alam kung itutuloy niya ba ang tanong niya para rito. “Sino ba ang magiging kasama natin sa sinasabi mong lugar mo?” Napasulyap sa kaniya si Eros. “It's just you and me.” Kininditan niya si Meredith at itong si Meredith naman ay napakadaling pakikigin.“Oh, I forgot. May mga guards pala roon. Later, when we got there, you'll understand why.” Matapos ang halos isang oras na biyahe, bigla na lang inihinto ni Eros ang sasakyan dahilan para magising ang nakatulog nang si Meredith. “I'm sorry,” saad ni Eros habang tinatanggal ang seat belt. Hinalikan niyang noo ni Meredith dahilan para mas lalo itong magising. “Andito na tayo.” Nasa nakapasok na sila sa bakuran ng napakalaking bahay na binabakuran ng matataas na pader. Unang lumabas ng sasakayan si Eros at pinagbuksan si Meredith. Nang tuluyan nang makalabas si Meredith, halos bulagin ang kaniyang mga mata ng liwanag na nanggagaling sa mansion ni Eros. “Tara,” wika ni Eros. Pinagbuksan sila ng dalawang bantay sa malaking pintuan na gawa sa kahoy. Pumasok na sila at lantarang bumungad sa mga mata ni Meredith ang napakalaking chandelier na nakasabit sa gitna, tinatakpan ang hagdan sa itaas. May mga mamahaling vase, malalaking painting at napakatibay na upuan. Ang sahig naman ng mansion ay napakakintab, puwede ka nang magsalamin dito. “Let's go to our room para makapagpahinga ka na muna,” wika ni Eros at pagkatapos ay sinamahan ang namamanghang si Meredith papunta sa itaas. Hindi maitangging mapalingat si Meredith sa bawat akyat niya sa hagdan. Ngayon lang siya nakapasok sa ganitong bahay at ngayon lang niya mararanasang tumira rito. Pagkapasok nila sa kuwarto ay bumulagta ang napakalaking kama. Bukas ang ilaw nang pumasok sila kaya nakita kaagad ni Meredith ang kama. Ang malawak na kuwartong ito hindi lubos akalain ni Meredith na makikita niya. Akala niya ay sa mga palabas lang ito ng mga mayayamang karakter na ginaganapan ng isang artista makikita. “Gusto mong magpahangin?” tanong ni Eros sa hindj makagalaw na si Meredith, inikilibot lang kasi nito ang kaniyang tingin. Hinawakan ni Eros ang baywang ni Meredith at hinawi ang mahabang kurtina. Sa likod ng kurtina ay isang sliding door na magiging daan patungo sa terrace. Nagtungo sila sa terrace at halos malula si Meredith sa kaniyang nakita. Bukod sa mataas at nasa mahangin ang kinatatayuan niya ngayon, hindi niya akalaing nasa harap na pala siya ng dagat. Nakayakap si Eros sa kaniya mula sa likuran. Nilingon niya ito habang nakangiti siya. Muli niyang ibinaling ang tingin sa may maliwanag na tubig at napapikit, dinarama ang malamig na simoy ng hangin. “Welcome to my place, Meredith,” bulong ni Eros sa kaniya. “Welcome to Eros Jaxton Devilla's Mansion by the beach.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD