Hindi makapaniwala si Arabella habang nakatitig sa binatang nakayakap sa kanya habang natutulog. First time in their history na magising siya sa umaga na katabi ito habang prenteng nakayapos sa kanya. Ito lang din ang unang pagkakataon na malaya niyang pinagmamasdan ang mukha nito sa malapitan. Kahit nakapikit ito hindi pa rin niya maiwasang mapahanga sa labis na kagwapuhan. Mula sa makakapal na kilay na talaga namang perfect ang pagkakaukit, sa mga pilik mata nito na mahahaba ngunit pakulot, ang ilong nito na sobrang bumagay sa hugis mukha ang pagkatangos, ang makikinis nitong pisngi lalong lalo na ang maninipis at mamulamulang mga labi. Tyron got it all, a true definition of every girl "man of my dreams'. Gusto niyang hawakan ang mukha nito at haplusin ng paulit ulit ang buhok niyong pa

