Muntik mapasigaw ng malakas ang dalaga nang hawakan siya nito sa braso. Napapikit pa siya ng mariin, hinihintay na pilipitin nito ang kanyang hawak na kamay ngunit hinila siya ng binata para magkalapit ang kanilang katawan. Lalo siyang ninerbiyos, baka kasi ibabagsak na naman siya bigla at madadale na naman ang kanyang balakang. Halos ilang araw din niyang ininda ang sakit ng kanyang balakang noong itulak siya nito pasalampak sa sahig. " Sorry na! pakiusap, wag mo akong ibabagsak" nakapikit pa ang dalaga, any moment kasi nasa sahig na naman siya. " Open your eyes!" mahinahong turan ng binata. Agad namang napacify ang takot niya dahil sa tono nito, ngunit isang mata lang ang unting unting ibinukas. Biglang siyang nawindang sa ayos nila, sobra pala siyang nakayapos sa leeg ng binata at par

