The heavy sounds are banging my eardrum, people are chatting and laughing with each other if I know everyone who’s here is double face, trying to socialize with so-called relatives who don’t even give a glimpse to the average relatives.
I smiled bitterly as I saw my mom ignored by my aunties, whose life is extremely stable to be part of that small talk. Hindi naman madumi ang damit ng nanay ko pero kung ikukumpara ito sa damit ng mga auntie ko nag mumukhang basahan ito. Hindi ko alam kung bakit pa tinawag itong family reunion kung hindi naman papansinin ang mga dukhang kamag-anak. Mahirap ba yong gawin na sila lang yong mag re-reunion bakit kailangan pa talaga nila ng audience.
“Zachariah (zakarayah), pwede bang pakihugasan ito iha” naputol ang pagmamasid ko sa aking ina dahil sa utos ng aking tiyahin na hindi ko naman kilala.
“Ah sige po” ngumiti lang ito habang binibigay ang platong madumi saakin
Mukha ba akong katulong talaga, tanong ko sa aking sarili dahil meron namang mga waiter eh bakit ako pa talaga ang inutusan.
Wala na akong nagawa kundi hinugasan ko nalang ito at pagkatapos ay umalis sa venue kung saan ginanap ang reunion. Naglakad ako nang ilang minuto hanggang nakarating ako sa kakahoyan. Mga nagtataasang mahogany ang kakampi ko sa oras na ito at dahil buwan ngayon ng Marso, taglagas ng kanilang dahon ngayon.
Umupo ako sa ugat nang kahoy habang nilalaro nang aking mga paa ang mga dahong tuyo sa lupa. Ngumiti ako nang bahagya dahil sa malakas na hangin na parang sinasabi nito na karamay ko siya sa mga oras na ito.
I stared blankly into nowhere. Kung mayaman lang sana kami edi sana nasa malaking mesa din kami nakaupo, kung mayaman lang sana kami hindi sana ganito ang kulay ng damit namin, kung sana mayaman lang kami hindi sana nila ako pinahugsan ng pinggan at kung sana ay mayaman lang kami hindi sana ako nakakaramdam ng ganito ngayon.
Naputol ang pag dra-drama nang may nahagip ang peripheral view ko na isang batang lalaki, nakatulala at nakatingin din sa malayo. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko gaanong makita ang mukha niya pero nakasuot siya nang kulay pink na pang itaas, sa tingin ko kamag-anak ko ito kasi pareha kasi kami ng kulay nang damit. Kasi per clan iba-iba ang kulay ng damit kung baga color coding ito and pink means you’re part of the Buencamino family.
Pumihit ang malakas na hangin at kasabay din nito ang pagharap niya sa gawi ko na naging dahilan nang pag titig namin sa isa’t-isa and in a matter of split seconds, I scan his entire face. Pointed nose, chinito eyes, thick brows, thick kissable red lips at higit sa lahat kahit malayo kami sa isa’t-isa makikita mo talaga ang kapal ng kanyang eyelashes. Kamay niya ay nasa bulsa ng pants niya at walang ka emosyong lumagpas ito saakin.
“Kamag-anak pala tayo” tumigil ito sa paglalakad at bumaling nang tingin saakin
“Asa! Wala akong kamag-anak na mataba” lumaki ang mata ko at dali-daling tinignan ang sarili
“Anong mataba hindi ba pwedeng healthy lang” saad ko habang naglalakad ito paalis sa lugar
Ang sama naman ng ugali ng intsik na yon akala mo kung sinong gwapo.
Lumipas ang ilang minuto simula nang umalis ang insik na yon ay umalis narin ako sa lugar. Nang nakarating ako sa venue hinanap kaagad ng mga mata ko ang nanay at lumipas na lang ang ilang oras ay hindi ko parin siya nakita. Nasa-isip ko na kung saan ko siya pwedeng makita pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy parin sa paghahanap, hanggang napunta ako sa dirty kitchen ng venue at tama nga ang hula ko na naghuhugas ito ng pinggan. Kinurot ang dibdib ko habang ang luhay ay naka-antabay handa nang lumabas.
Tumingin sa gawi ko si nanay at ngumiti lang ito.
“Nay sino ba ang nag-utos say-”
“Anak wag kanang magalit sayang din eh”
“Anong sayang Nay hindi mo kailangan gawin yan” saad ko habang pinipigalan ang gumagaralgal na boses
“Sabi kasi ng tiyahin mo na bibigyan niya ako ng dalawang libo pag tumulong ako dito” dinurog ang puso ko dahil walang kamuwang-muwang ang nanay ko na kaya siya pinatulong dito para hindi siya mahagilap sa lintik na family reunion na ito.
Kung alam ko lang na maghuhugas lang pala kami nang plato, sana gumawa ako nang paraan para mapigilan si nanay na pumunta dito.
“Tulungan na kita Nay, usog kanang kunti”
“Huwag na anak mababasa ang palda mo” tinupi ko ang palda ko at umupo sa tabi niya sabay sabi “Okay lang Nay ang importanti ay matapos natin ito” wala nang nagawa si nanay kundi ngumiti at lumipas ang ilang oras ay natapos din kami.
Paglabas namin sa dirty kitchen ay wala nang tao sa malaking espasyo ng venue, agad namang lumapit sa amin ang isang matandang naka bestida ng maganda at may inabot ito kay nanay.
Lumayo ako sa kanila dahil hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila, umupo ako sa tabi ng gate at nakapag desisyon na dito na lang maghihintay kay nanay.
Pinisil-pisil ko ang binti ko dahil nangangawit ito kanina pa dahil sa tagal na pagkakaupo.
“Akala ko ba kamag-anak kita bakit hindi man lang kita nakita kanina” umangat ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa harap ko.
Hindi ako umiimik at bumalik ang tingin ko sa binti ko. “Oh interesting, you’re silent now?” umupo ito sa tabi ko at amoy mayaman. Umusog ako nang kunti dahil baka maamoy niya ako “I thought your talkative hindi pala” tumayo ito at lumapit sa matandang kausap ni nanay
May sinabi lang ito at tsaka umalis, sinundan ko nang tingin at sumakay ito sa black na sedan na sasakyan. Mayaman nga naman, masyadong hambog.
Hindi nagtagal natapos rin ang pag-uusap nila at lumisan na kami ni Nanay sa lugar.