S h a n t e l l e
Naalimpungantan ako nang matamaan ng sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ang mukha ko.
Hays, umaga na kaagad.
Kinuha ko ang cellphone ko sa may side table at upang tingnan kung may message. Nasanay na ako na i-check kaagad ang cellphone ko sa umaga.
Saktong pagkabuhay ng cellphone ko ay nagsidatingan ang sunod sunod na messages at calls.
87 calls..
71 messages..
Kinusot kusot ko ang mata. Baka kasi namamalikmata lang ako. Pero hindi, e! Sino sino naman kaya 'to?
Sari saring notifications ang nag pop up. Mayroon sa f*******:, i********:, Twitter, Webtoon at mga messages.
"Psh, apps lang naman pala--- Wait, sino 'to?" kunot noong tanong ko nang mapansin ang isang kakaibang message galing sa unregistered number.
'f**k you! Sa oras na malaman ko kung sino ka lagot ka sakin!'
'Hindi ko mapapalampas 'yung ginawa mo! Damn!'
'May araw karin sakin! Tandaan mo 'yan!'
'Tangina, sino kaba?! Hindi ka nakakatuwa!'
'Magpakita ka sakin, Puta!'
'Pagsisihan mo 'yong ginawa mo sakin! Gago!'
Hindi ko na binasa pa ang ilang mga messages dahil parang bigla akong kinabahan. Kilala ko na kung sino itong nag text sakin pero.. Paano niya kaya nakita ang number ko?! Kakapalit ko lang ng number kahapon ah!
Tinignan ko kung sino sino ang mga nag call sa akin. But my eyes widened when I realized that all the calls came from him. Geez! Ba't parang kinakabahan ako? Hindi naman niya ako kilala.
Napasapok naman ako sa sarili ko ng maalalang kong dun sa coffee shop ako nag insert ng bago kong sim. So, malamang sa malamang. Nakuha niya iyong card na pinaglagyan ni simcard na kung saan nandun 'yung number ko. Damn it!
Maya maya ay nakarinig ako ng katok sa pinto nitong kwarto ko.
"Shantelle? Gising kana ba?" si mom iyon.
"Yes. Mom."sambit ko at napakunot noo. It's too early. Bakit ginigising na niya kaagad ako?
"Lumabas kana riyan at mag almusal. 'Di ba ngayon ang unang araw ng pasok mo?"
Agad naman akong napatayo dahil sa sinabi ni mom. Mabilis kong hinila ang tuwalya ko at pumasok sa bathroom.
"Yes, mom. Susunod ako!"sagot ko habang natataranta sa pagkilos.
"Okay, anak. Bilisan mo. Sumabay kana Dad mo kasi gagamitin ko iyong kotse."
"Mom, anong oras nga ba ang klase ko?"sigaw ko habang shinashampoo ang buhok ko. Mukhang hindi yata sila busy at maihahatid pa nila ako sa school.
"9 am. Bilisan mo ah?"sambit ni mom. Narinig kong bumaba na siya kaya naman binilisan ko na ang pagkilos ko.
"Kaasar naman. Napasarap ata ang tulog ko." I rolled my eyes.
Matapos kong maligo bumaba na kaagad ako sukbit ang shoulder bag kong itim.
"Good morning, Shantelle." bati sa akin ni Dad nang makita niya akong papalapit sa hapagkainan.
"Morning, Dad."sagot ko bago kumuha ng dalawang piraso ng tuna sandwich. Isinalpak ko sa bibig ko 'yung isa at inilagay ko naman sa bag ko 'yung isa.
Napasulyap ako sa mya labas at nakita ko doon si Yaya Felli na abala sa pagdidilig ng halaman.
Isinangat ko ang basa kong buhok sa tainga ko bago nagtungo sa ref at kumuha do'n ng fresh milk. Gulagulanit pa ang buhok sa sobrang pagmamadali. But that's okay, sa kotse nalang ako mag aayos. Hindi naman ako masyadong nag me-make up dahil hindi na kailangan. Liptint lang okay na.
Kainis, first day na first day pero late ako. Dapat pala hindi na ako nagpuyat kagabi panonood ng mga kdrama.
"Oh, Shantelle. Mabuti naman at bumaba kana. Dali, lumakad na kayong dalawa. Anong oras na o?" sambit ni mom na mukhang galing sa labas.
"Okay, hon. Iniintay ko lang itong si Shantelle 'e."sambit ni Dad bago itiniklop ang diyaryong kanina'y binabasa niya. Inubos narin niya ang kape niya bago tumayo. Napakunot noo naman ako. Mukhang maluwag ang schedule ni Dad ngayon, ah?
Hinatid kami ni mom palabas ng mansion hanggang sa makasakay kami ng kotse.
"Bye, hon! Bye, anak."sambit ni mommy habang kumakaway samin.
I smiled at her bago inayos ang seatbelt ko. Tahimik lang kaming dalawa ni Dad sa biyahe. Hindi naman kasi kami gano'n ka-close. Habang nasa biyahe nagtatanong lang siya sa'kin about sa experience ko sa states at sinasagot ko lang 'yon ng tama.
Nang makarating kami sa Crescent High agad ko nang tinanggal ang seatbelt ko at lumabas na ng kotse.
"Good luck sa first day, anak." nakangiting sambit ni Dad.
I gave him a nod and a small smiled bago ko siya tinalikuran at pumasok na sa loob.
"Malaki at maganda rin pala ang University na 'to. Not bad." sambit ko ng makapasok ako sa loob ng Crescent High. Maraming student pa ang pakalat kalat at lahat sila ay may kaniya kaniyang usapan.
Unang araw ng klase ko ngayon at tulad nga ng sinabi ni mom inasikaso na niya mga papers ko. So, all I have to do is to find my room.
I took a deep breath before starting to walk. I stopped when my phone suddenly vibrated.
Yarah's calling..
"Hays, buti naman at naisipang tumawag ng isang 'to."bulong ko bago sinagot ang tawag. "Yo-"
"Shantelle! Where na you, girl?! Nahanap mo naba room mo?" Yarah asked over the phone.
"Hays, kahit kailan talaga ang lakas ng boses mo. Nalunok kaba ng microphone?"irita kong sambit.
"Ah hehe. Sorry!"
"Well, anyway. Hindi ko pa nahahanap room ko. Kakadating ko lang. Ikaw?"
"Nahanap ko na room ko. Gusto mo ba tulungan kita maghanap? Medyo malaki kasi 'tong campus e."
I rolled my eyes. "Okay. Asan kaba? At bakit ang ingay diyan?" tanong ko. May mga naririnig kasi akong mga nagtitilian sa back ground niya.
"Nasa gym. Punta ka dito dali!"
My brows furrowed. "What? Bakit nandiyan ka? Wala kabang klase, Yarah?"
I heard her laughed. "Wala pa 'syempre. Ano kaba?! First day palang naman ngayon 'no. Dali na, punta kana dito girl. Daming gwapo rito!"
Napairap nalang ako."Sheesh. Graduating kana pero puro ganyan parin inaatupag mo. Saan ba banda 'yang gym na 'yan, ha?"
"Tanong ka kay Manong guard. Madaming guard na pakalat kalat diyan."
"Tss. Okay, 'wag kang aalis diyan." I sighed.
"Okc!"
Naputol na ang tawag kaya nilapitan ko ang guard na dumaan sa harap ko para magtanong.
"Tss. Ano ba 'yan. Napaka ingay naman dito. Puro tilian, psh." napairap nalang ako nang salubungin ako ng dumadagundong na tilian ng mga tao sa gym lalo na mga babae. Nagpalingon lingon ako sa paligid habang naglalakad upang hanapin si Yarah.
"Where the hell is that woman? Bakit kasi dito pa naisipang makipagkita e'. Alam niyang ayaw na ayaw ko sa maiingay na lugar." sambit ko bago napagtantong malapit na pala ako sa court.
At mula sa kinagatayuan ko'y kitang kitang ko ang mga varsity na naglalaro sa loob ng court. Kaya naman pala puro tilian. May game ata. Nakapagtataka dahil first day of school palang.
Napabuntong hininga na lamang ako bago ipinagpatuloy ang paghahanap kay Yarah nang bigla na lamang may sumigaw.
"Miss, Ilag!"
Napalingon ako sa sumigaw. Pero huli na ang lahat dahil tumama na ang bola sa ulo ko.
"Ouch!" daing ko nang matamaan ng bola ang ulo ko dahilan para mapaupo sa sahig. "Ouch! Ang sakit ha," sambit ko habang sapo sapo ang parte ng ulo ko na tinamaan.
"Miss! Okay kalang ba?"napamulat ako at nagulat nang makitang lahat ng atensiyon ay nasa akin. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang lalaking nakahawak sa magkabila kong balikat habang paulit ulit na tinatanong kung okay lang ba ako.
Do I look like I'm okay?!
Gusto ko iyang isigaw sa mukha niya pero hindi ko magawa dahil nakakaramdam ako ng hilo. Naramdaman ko ding may likidong tumulo mula sa ilong ko.
"Miss. Mukhang hindi ka okay. Dadalhin na kita sa clinic." dinig kong sambit ng lalaking nasa harapan ko.
Napakurap kurap na ako. Nahihilo na talaga ako. Ganun ba kalakas 'yung pagtama ng bola sa'kin?
"Oh my god! Shantelle!"kay Yarah ang boses na iyon. Naaninag ko siyang papalapit sa'kin.
Napapikit na lamang ako nang buhatin ako ng kung sino man bago ako tuluyang mawalan ng malay..
----