"Nandito ka lang pala." Kabisado na ni Robin ang boses ni Aldous pero nagtaas pa rin siya ng tingin just to be sure kung tama nga siya. He saw Aldous looking down on him. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Pero sa halip na sumagot siya, umiwas lang siya ng tingin. He had no energy to speak. Parang na-drain siya dahil sa nangyari kanina. Aldous sighed, and sat beside him. "In case you're wondering, Direk liked the result." Natigilan siya saka napatingin ulit dito. "He did?" "Yeah." Ibinaling nito ang tingin sa kanya dahilan para mapakunot ng noo. "Umiiyak ka ba? Bakit namumula ang mata mo?" "I guess, I did." Kumurap-kurap siya. Ramdam niyang medyo mahapdi ang mata. "Nadala ako sa eksena." "I know. Naramdaman ko rin. See this?" Hinila nito ang kaliwang bahagi ng damit ay pinakita ang

