Chapter 4

2373 Words
"Robin?" Robin's strings of thoughts were interrupted. Taranta siyang napatingin kay Aldous na nakaupo sa driver's seat. Sakay sila ng kotse nito, at hinahatid siya pauwi sa kanila. "We're here," pagpapatuloy ni Aldous. Agad siyang napatingin sa labas. Nasa main gate na pala sila ng exclusive village kung nasaan ang bahay niya. "Thank you, Aldous. Sa paghatid sa kin. At sa..." Napayuko siya. The scene earlier replayed in his mind, making him feel really uncomfortable. "At sa pag-aasikaso sa akin kagabi." Nang hindi na ito nagsalita, he took that as a signal na dapat na silang umalis. Hinawakan niya ang lever ng pinto sa back seat. Well, he chose to sit at the back seat. His proximity with Aldous was suffocating him. "Sigurado ka bang hindi ko na ipapasok?" Napatigil siya sa paglabas at tarantang napailing. "No need. Thanks for the offer, by the way." Lalabas na sana siya pero bigla niyang naramdaman ang kamay ni Aldous sa kaliwang braso niya. "Ano ba?" wala sa loob na bulalas niya sabay tabig sa kamay nito. It was too late when he realized what he did. Napatakip siya ng bibig at nag-aalangang napatingin sa lalaki. Nakayuko si Aldous pero nakita niya ang mata nito. There was sadness on it. Marahang bumuga ng hangin si Aldous. "I guess you really don't want to talk about it," sabi nito in a really apologetic tone. Humarap ito sa windshield. "Hindi na kita kukulitin. I'm sorry." Hinawakan ni Aldous ang manibela, at nakita ni Robin ang panginginig ng kamay nito. Hindi niya maipaliwanag but it really gave him an impression na sobra nitong dinamdam ang ginawa niya. At dahil d'yan bigla siyang sinundot ng kunsensya. Maybe he was too harsh. Pero kasi... pero... Biglang naglaro sa isip niya ang nakaraan. "Robin, may pagkabakla ka ba?" Suddenly, whatever empathy he felt earlier vanished. Napalitan iyon ng takot. Pagkataranta. Paano kung maulit ang dati? Kaya naman sa huli'y pinili niyang bumaba at isara ang pinto. Ni hindi niya hinintay na makaalis man lang si Aldous bago siya umalis, Mabagal siyang naglakad patungo sa kanila. Habang naglalakad, naglaro sa isip niya ang mga nangyari sa nakaraan. Nakaraan na nagtulak sa kanya para isulat ang libro niya. "Robin, I miss you! Pa-kiss nga! Muah!" "Happy birthday nga pala sa aking best friend na si Maximus Robin Tejada. Mahal na mahal ko ang kumag na ito. My life won't be complete without my ever supportive best friend." "Okay lang iyon, Robin. You can cry. Depression lang iyan. Malalabanan natin iyan. Maniwala ka sa akin. Nandito lang ako." "Umamin ka nga sa akin: bakla ka ba, ha? May gusto ka ba sa akin?" Bigla siyang napatigil sa paglalakad saka napapikit. It has been two years, pero iyon siya at dinadamdam pa rin ang mga masasakit na salitang binitiwan sa kanya ng dati niyang best friend. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makita niya ang itim na gate sa may bungad ng ikatlong kanto. Iyon na ang bahay nila. Sinilip muna niya sa siwang sa ibaba ng gate kung naroon pa ang kotse ng papa niya. Napangiwi siya nang makitang nandoon pa ang itim na VIOS. Ibig sabihin, naroon pa ang parehong mga magulang. Hinawakan niya ang suot na Korean hooded shirt. Pinahiram iyon ni Aldous at napakaluwag niyon sa kanya. Inayos niya ang kwelyo para itago an mga markang iniwan ng lalaki. His parents were very conservative kaya kahit tanggap na nito ang sekswalidad niya, ayaw pa rin niyang malaman na nanggaling siya sa isang hook-up. Pipindutin na sana niya ang doorbell nang biglang bumukas ang gate at lumabas ang may-edad na babaeng kasambahay nila, si Manang Rose. Nagulat ito nang makita siya. "Oh? Nandito ka na pala? Nako, lagot ka kay Mommy mo. Di ka umuwi kahapon!" pabiro nitong banta sa kanya. Napakamot naman siya ng ulo. "Galit po ba?" "Hindi naman. Tumawag naman si Logan kagabi. Sinabi niya na nagkatuwaan kayo at nalasing ka kaya doon ka na lang sa kaibigan ninyo natulog. Pero mabuti pa, magpakita ka na at magpaliwanag." Natigilan siya. "Tumawag si Logan?" Tumango ang katulong. Ah, buti naman. Akala ko naman talagang pinabayaan lang ako. Napailing-iling siya. "Sige po, puntahan ko na sina Mama." Pumasok siya sa tarangkahan. Saktong nang papasok na siya sa entrance door ay palabas naman ang mga magulang niya. Naestatwa tuloy siya at naiilang na ngumiti. "Hi, Ma! Hi, Pa!" nauutal pa niyang bati. "Ay, nandito na pala ang magaling mong panganay, Val." Pabiro ang tono ng mama niya kaya kahit papano'y nakahinga naman si Robin nang maluwag. Lumapit siya dito saka nag-kiss sa pisngi. "Kumusta? Bakit nalasing ka raw sabi ni Logan?" tanong ng ina niya. Nagkibit-balikat siya. "Nagkatuwaan lang, I guess, kaya napalakas ng inom." Pinitik nito ang noo niya. "Iyan na nga ang sinasabi ko. Kaya ayoko ng inom-inom na ganyan." Umiling-iling ito. "Sige na. Akyat ka na. Baka may hangover ka pa. Kumain ka na ba?" Umiling siya. "Pero di pa naman ako gutom. Later na lang ako kakain." "Oh, sige." Lumapit siya sa papa niya para mag-kiss naman dito saka siya pumasok. Kaso, biglang hinila ng mama niya ang damit niya. Nataranta tuloy siya dahil nagalaw ang kwelyo. "Kaninong damit pala ito? Ang laki?" tanong ng mama niya. "Ay, kay Aldous po. Yung friend namin. Sa kanya kasi ako nakitulog dahil siya ang pinakamalapit doon sa restaurant," tugon naman niya habang nakahawak sa kwelyo. Mabuti na lang, hindi na ito nagtanong pa ulit kaya tuloy-tuloy siyang pumanhik sa itaas papunta sa kwarto niya. Sakto namang nakasalubong naman niya si Aliyah. "Uy, nandito ka pala, Kuya? Ba't ngayon ka lang? Siguro..." Bigla itong ngumisi. "Tapos, iba pa ang damit mo. Hmmm..." Isang matalim na irap ang tinugon niya rito. "Stop it, Aliyah. Okay? Hindi ako nakitulog kina Logan." "E kanino pala?" Nandoon pa rin ang panunukso nito kaya pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Shut up, Aliyah. Bumaba ka na nga at baka ma-late ka pa." "Sungit naman nito. Nabitin ka ba? O baka naman jutay?" "Shut up!" Bumubungisngis na tumakbo palayo si Aliyah. "Bye Kuya! Labyu! Muwah!" Sinundan niya ito ng tingin saka napailing-iling. Mabuti na lang di pa naririnig ni Mudra iyang mga sinasabi mo. For sure, mag-asawang sampal at kurot sa singit ang aabutin mo. Tapos, pumasok na siya sa kwarto niya at humiga. And instantly, inantok siya. Agad siyang nakatulog. - Bandang hapon na nang magising si Robin. Ang una niyang naisip ay ang pangyayari kaninang umaga. It was really uncalled for. Napailing-iling siya saka napabuga nang hangin. Tapos tumagilid siya at niyakap ang sarili. Okay, maybe he was being too dramatic. He had always been like this ever since the betrayal. Takot siyang mapalapit muli sa ibang lalaki. Pumikit siya. Biglang rumehistro sa isip niya ang mukha kanina ni Aldous. Then, it popped on his head. It was betrayal. Ganoon ang naramdaman ni Aldous. Or at least, base na rin sa memorya niya nang tinangnan niya ang sarili sa salamin matapos nilang mag-away ng dati niyang best friend. They—him and Aldous—reflected the same emotion. Why would Aldous feel that way? But here's another question: paano niya haharapin si Aldous niyan? May guesting sila sa linggo. Kailangan ba niyang makipag-plastikan dito? Pero alam niya sa sarili niyang hindi siya magaling mam-plastik. Isa pa, paniguradong uunahan siya ng pagkailang. Bumuntonghininga siya. Maybe he should take a bath for now. Baka sakaling kumalma siya. - Nagdesisyon si Robin na magpunta muna ng mall para mag-unwind. Saka para na rin mamili ng gamot para sa hickey niya. "Hay nako, buti na lang may collared shirt ako. Ewan ko na lang talaga kung nagkataon," bulong niya sa sarili habang nakatingin sa salamin. Matapos makapagbayad, nagdesisyon siyang magtungo sa coffee shop ng Mama niya na nasa mall din na iyon. Kaso habang naglalakad, nahagip ng tanaw niya ang isang malaking book store. Napatigil tuloy siya sa paglalakad. Bibili ba ako or not? Nagtalo pa ang isip niya. Natatambak na rin kasi ang mga libro niya sa bahay dahil wala na siya masyadong oras para magbasa. And yet he found himself walking to the bookstore. Hindi ako bibili, promise! Window shopping lang! Sabi pa niya sa sarili pero iyon siya at nakikigulo sa sales section. Isang rack iyon na puno ng libro at talagang pati sa pinakailalim na lalagyan, tiningnan pa niya. "Parang pamilyar siya? Siya ba yung bagong artista sa KTV? Yung biritero?" Napatigil sa pagkakalkal ng libro si Robin. Of course, may makakakilala na sa kanya ngayong lumalabas na siya sa TV. His jaws tensed. He hates this. Ayaw kasi niyang pinag-uusapan siya. Ito ang dahilan kung bakit may sobrang low social media presence siya. Ito rin ang dahilan kung bakit siya gumamit ng sobrang private na penname. His book had gone viral but nobody knows who Charlie Quinn is. Bumuntonghininga siya. Maybe he should act casually. Tapos unti-unti siyang aalis. Pero saktong pagtayo niya, biglang may kumalabit sa kanya. Napitlag tuloy siya saka napatingin doon. "Ikaw ba si— oh my God, siya nga!" bulalas ng isang babaeng may kaliitan at naka-school uniform pa. Hinarap nito ang dalawang babaeng kasama. "Si Robin nga!" "Oo nga? Oh my God! Mas cute pala siya sa personal," sabi naman ng kasama nitong halos kasing tangkad niya at naka-twin tail. Lumapit naman ang pangatlo na may kaitiman. "Pwede po ba kaming magpa-picture?" Alanganin siyang ngumiti. Of course, he had to act friendly. Kahit ba ayaw niyang pini-picturean. "Sure." Agad na tumabi ang tatlo sa kanya. He stiffened when they crossed his intimate space. Endure it, Robin. Endure it. Pinilit niyang ngumiti. Click! Nag-flash pa ang camera. The girl in twin tail checked her phone. "Oh my God! Ang cute mo dito, Kuya Robin! Thank you, ha?" Tumango siya. "Anyway, I need to go. I hope you don't mind?" "Okay lang po. Thank you po!" sabay-sabay na sabi ng tatlo. That was when he exited. Muntik pa niyang mailabas ang binitbit na libro sa sobrang pagmamadlai. Mabuti na lang hinarang siya ng guard. He apologized tapos iniwan niya sa basket ang libro. Once he was away, he heaved a sigh. He looked at his palms. Nanginginig pa rin iyon, nagpapawis din. Ilang ulit siyang huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. It's the start pa lang. I wonder what would happen next? Once he had calmed down, nagdesisyon siyang dumiretso na sa cafe. - Saktong tinutulak ni Robin ang pinto nang ma-realize niyang wala pa siyang kinakain sa buong maghapong iyon. Dahil d'yan, bigla tuloy siyang nagutom. Agad siyang binati ng lalaking staff nang makita siya. "Good afternoon din. Si Mama?" tanong naman niya. "Nasa office po. Tawagin ko po?" "Ay, hindi na. Ako na lang pupunta." Iniwan niya ang staff habang ito naman ay nagpatuloy sa pagpupunas ng nabakanteng table. He was on his way to the office when someone called him. Natigilan siya. Si Logan iyon. Hinanap niya ito at nakita niya sa isang sulok, malapit sa may counter. Medyo tago ang pwesto na iyon. Actually, that was his favorite seat kapag naroon siya para magsulat. Kumportable din kasi dahil couch ang upuan. Logan waved on him. Nag-aalangan na kumaway rin siya. Nang sumenyas itong lumapit siya, kakamot-kamot naman siya ng ulo na sumunod. "Kumusta?" bungad nito sa kanya. "Hinatid ka ba ni Aldous?" Naningkit ang mga mata niya. "Thank you sa pagpapaalala, ha? Naalala ko bigla yung atraso mo." Bigla itong humagikhik. Tapos, hinila siya nito paupo saka inakbayan. "Ito naman, kalimutan mo na iyon. Wala namang nangyaring masama sa iyo, di ba?" Inirapan niya ito. "Ay bakit ka nang-iirap?" "Gago ka ba? Iniwan mo raw ako sa resto mag-isa." "Bakit? Binayaran ko naman ang bill, ha?" Sa inis niya, binatukan niya ito. "Aray!" reklamo ni Logan habang sapo ang bunbunan. "That's not the point. Iniwan mo ako kay Aldous. Pinabayaan mo ako sa kanya. Di mo naisip na nang-abala ka pa ng tao?" "Sus. Okay lang iyon. At least, something nice happened." Kinindatan siya nito. Natigilan siya. At namutla. "H-Ha? Ano'ng nice?" "Sus, deny pa siya." "A-Ano nga?" Bigla nitong hinila pababa ang kwelyo niya. Taranta naman niya itong pinigilan, dahilan para matawa ang lalaki. "Sinasabi ko na." Umiling-iling pa ito saka kinuha ang iced coffee na nakapatong sa mesa at inikot-ikot. "Kaya ka naka-close neck." "B-Bakit alam mo?" Hindi siya makatingin sa lalaki. Ramdam din niya ang pangangamatis ng mukha. Don't tell me, sinabi ni Aldous? Inakbayan siya nito. "Alam ko lang. Nakakapagtaka kasing nakasuot ka ng collared shirt." Nagtataka siyang napatingin dito. "Ha?" sabi niya habang inaalis ang braso nito. Pero ang loko, hinigit pa siya lalo. "Hindi ka naman nagsusuot ng collared shirt. That's not so you. Kundi Korean, v-neck ang suot mo. Kaya naisip ko, baka may tinatago ka. And boom, tama nga ako." Tumawa pa ito. Umawang ang labi niya. First of all, he wasn't aware na hindi siya nagsusuot ng collared. Siya kasi ang tipo ng tao na kung ano ang nasa ibabaw, iyon ang sinusuot. Pero ang mas nagpabagabag sa kanya ay yung may ideya agad si Logan na may nangyari agad sa kanila ni Aldous. Hindi kaya alam niyang bakla ako? Namutla siya dahil sa naisip. Napansin iyon ni Logan. "Hey, okay ka lang? Namutla ka bigla?" Umiling siya. "I mean... never mind." Tumayo siya. "Puntahan ko lang si Mama." "Uy, nandito si Tita? Asan?" Luminga-linga ito. "Si Aliyah, nandito rin ba?" Umiling siya ulit. "Kami may-ari ng coffee house na ito." "Really? Di nga?" gulat nitong tanong. Tumango siya. "Kaya nga Max-Kat Coffee ang tawag dito. As in Maximus Robin at Aliyah Katarina." Tumango-tango ito. "Kaya pala feel kong tumambay dito. Inyo pala ito. Mukhang mapapadalas yata ako lalo dito." Napatingin siya dito. "Suki ka dito?" "Yeah. Favorite ko ang iced coffee ninyo. Pati Black Forest." Nginusuan nito ang used utensil sa mesa. May chocolate icing nga iyon. "Pero bakit ngayon lang kita nakita dito?" Nagkibit-balikat siya. "Maybe because I have a low presence." "Really? Bakit noong unang beses nating magkita-kitang mga co-star, ikaw agad ang una kong napansin?" Hinimas-himas pa nito ang baba na parang nag-iisip. "Agaw eksena ka kaya. Para kang... alam mo iyon? Para kang kumikinang." Ngumisi ito. Napakunot siya ng noo. "Sinasabi mo d'yan, Logan?" "Totoo nga. Kaya nga kinaibigan kita agad. Naalala mo?" First encounter nila: matapos ang first meeting, niyaya siya nitong kumain sa labas. Doon sila naging magkaibigan ni Logan. Tumango-tango siya. "Yeah." "Kasi nga, napansin agad kita. Sabi ko, 'Ay siguro sarap nitong kaibiganin. Mukhang matalino. Saka baka mahilig din sa games. Mukhang nerd kasi'." Tumawa ito pagkatapos. Tinaasan niya ito ng kilay. "Well, sorry kung nerdy ako, ha?" "Wala naman akong sinasabing masama iyon, ha? I actually like you for that." Ngumiti ito. "Too bad, casual gamer ka lang." "Ah," he replied coldly saka tumango-tango. "'Nu ba yan, dami kong sinabi tapos iyon lang sinabi? Di ka man lang ba na-touch na gusto kitang kaibiganin?" may halong pagmamaktol na sabi nito. "Ha? Bakit?" "Wala! Sige na, punta ka na sa mama mo." At ang loko, biglang na-bad trip. "Problema mo?" Pero hindi ito sumagot. Nakakunot pa nga ang noo habang sumisipsip ng kape. Nagtatakang tinalikuran niya ito. Wow, lakas ng mood swing, ha? Then, he decided to leave him behind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD