Chapter 1

1059 Words
ZHERA MILAN, ITALY SHE want to quit. Simula nang maging assassin siya ni Judas Horquez at ang Ama nito na si Don Luis na pinuno ng LA EME na isang Mexican Mafia. Hindi na mabilang sa daliri ang mga kinitil niya buhay. Wala siyang pinipili. Babae, lalaki, bata, matanda o kahit kilalang tao ay walang awa niya kinukuha ang buhay ng mga ito. Isang utos lang ay gagawin niya agad. Subalit iba na ngayon, mula nang kunin siya ni Tanner Ruger at dalhin sa Italy upang makilala ang Ama-amahan nito maraming nagbago sa buhay at pagkatao niya. Hinulma siya bilang isang propesyonal na mamamatay tao. Ang Ama-amahan ni Tanner ang nag-talaga sa kaniya na pumasok sa LA EME bilang espiya sa loob. Ngayon, parehas nang namatay si Judas at Don Luis Horquez. Si Tanner na ngayon ang bagong pinuno ng LA EME dahil isa rin ito Horquez. Panahon na rin siguro para manahimik na siya. Bilyon na ang halagang naipon niya sa mga nakalipas na taon. Sino bang hindi makakaipon milyon ang sahod niya bilang espiya, milyon din ang sahod niya kay Tanner kada may inuutos ito sa kaniya at milyon din ang halaga ng mga buhay na pinapatay niya. Lahat ay may katumbas na malaking halaga, sapat na para magpakalayo-layo siya. Ayaw na niya kumitil ng buhay. Gusto na niya umalis sa magulong mundo ng mga Mafia. Nakakasawa na rin. Napabuga siya ng hangin bago tuluyan pumasok sa opisina ni Mr. Rugger. Pagkapasok bumungad sa kaniya ang matandang lalaki na tahimik nakaupo at nakatutok ang mga mata sa laptop na nasa harap nito. "I want to quit." Diretsa wika niya. Hindi siya ang tipo ng babae nagpapaligoy-ligoy. Hindi natinag ang matanda. Hindi man lang ito sumulyap sa kaniya. "I want to quit. I have done everything you ask me to do. I want to take my freedom and get a life," seryosong sabi niya. Tumingin sa kaniya si Mr. Rugger. Tila inaalisa ang sinabi niya. Kung nakakatusok lang ang tingin nito ay malamang kanina pa siya natusok dahil sa talim nang tingin nito. "What kind of life you want, Zee?" Ano nga ba? Buhay na payapa at walang dahas. Nais niya mamuhay ng tahimik, nais niya magkaroon ng pamilya. Isang bagay na kahit kailan ay hindi kayang bilhin ng salapi. Pamilya. "I want to live alone. Far from you. Far from any Mafia in the world. I don't want to kill people anymore," pag-aamin niya. Iyon naman talaga 'di ba? Ayaw na niya kumitil. Sunog na sunog na ang kaluluwa niya. Bago man lang sana niya mapunta sa impyerno, malasap naman sana niya ang tahimik na buhay. "I'll give you what you want. On one condition, I have one last job for you to do." "But-- I don't want to kill anymore!" palatak niya. Aminado siya nakaramdam siya nang inis. "Last job for the freedom you want." Parang take it or leave it ang dating sa kaniya. Napabuntong hininga siya. Bagsak ang balikat na sinalubong niya ang tingin nito. May ibang choice pa ba siya? Kilala naman niya si Mr. Rugger alam niya may isang salita ito. "All right, I agree. Give me the name." Pag-sang ayon niya. "You know that escaping from this kind of organization is not easy, Z." Blanko ang mukha nito nakatunghay sa kaniya. "But I will let you quit. Do this last job well and I will set you free. If you failed, you can't leave." Kumunot ang noo niya. Kailan ba siya nabigo sa lahat ng pinapagawa nito? Umingos siya. "When did I fail? If that so, what other way can I get rid of you and your organization?" buong tapang na tanong niya. "You can only get out here. When you are dead. So, If you do not do this job. I'll kill you myself, Zee," malamig na turan ni Mr. Rugger sa kaniya. Walang epekto sa kaniya iyon. Naniniwala siyang magagawa niya ang huling trabaho niya nang mabilis at walang problema. Nagkibit-balikat lamang siya. "Okay. Give me the name now. So, that I can say goodbye to you." Isang ngisi ang ginawa ng matandang Rugger na ito kasabay ang pag-abot sa kaniya ng isang envelope. Kinuha naman niya iyon at tinignan. Mga larawan ang laman ng envelope. Larawan ng isang pamilyar na lalaki. "That's Marshall Donovan." Tila may kumalabit sa dibdib niya nang marinig ang pangalan ng lalaki. Hindi siya maaaring magkamali. Hindi siya nagpakita ng kahit anong reaksyon sa mukha. Tumango lang siya. "For additional information, Zee. Donovan's are triplets. Marshall Donovan is the only one I want you to marry and kill." "Clear. Just give me-- what? What did you just say?" "Marry him and kill him," putol ang dugtong ni Mr. Rugger sa sasabihin niya. Wala problema ang 'kill' pero ang salitang 'marry' alanganin siya. Wala naman siya nagawa kun'di ang tumango-tango. Sasabihin sana niya ay two weeks subalit pinahaba pa nito ang palugit niya. Ayos rin naman iyon. Mamadaliin na lang niya nang sa gayon, makaalis na siya sa anino ng mga Mafia. "I'll do it." "Good luck, Zee." Tumalikod na siya kaagad at lumabas na ng opisina nito. Ito ang unang beses na sinabihan siya ng 'Good luck' ni Mr. Rugger. Mukhang hindi basta-basta si Marshall Donovan. Ngumisi siya. Hindi pa pala siya nakapag-pasalamat noon kay Marshall sa perang binigay nito sa kaniya. At least, bago niya patayin ang binata makakapag-thank you pa siya. Sayang nga lang dahil matagal na niya nais hanapin ito upang pasalamatan pero tila nagbibiro ang tadhana. Sayang talaga. Pagkalabas sa mansion ni Mr. Rugger, mabilis na siya umalis at tumungo sa paliparan. Ayon sa impormasyon na binigay ni Mr. Rugger ay nasa California ito sa White Fence at nagbabalak na umuwi na ng Pilipinas upang sundan si Sacha White. Kilala niya si Sacha White, ang babaeng iyon ang apple in the eye ngayon ni Tanner. Alam niyang nalululong sa pag ibig ang kaibigan niya, kaya hinayaan na lang niya ito. Pinatitigan niya ang larawan ni Marshall. Nakasuot ito ng AeroGuard Pilot uniform. Walang itulak kabigin ang gandang lalaki nito. Ang lakas ng dating nito sa mga larawan kahit naman noon unang beses niya ito makita ay malakas na ang dating ng binata. Ewan niya lang ngayon kung ganoon pa rin ang epekto nito sa kaniya. Umiling-iling siya. Don't f*ck up, Zee! Do this job and quit. No emotion allowed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD