ZHERA POV
PAGMULAT nya ng mga mata nakabusangot na mukha ni Marshall ang bumungad sa kanya.
"Ang lakas mo mag-aya ng date pero ikaw 'to nakahilata pa–"
Napabalikwas sya ng bangon.
Shît !
"I told you wake me up at–"
"Kanina pa kita ginigising."
Kumunot ang noo nya. Duda sya. Hindi sya naniniwala ginising sya nito. She narrowed her eyes.
"Fine ! Give me 15 minutes..." patakbo nya tinungo ang banyo para mabilis maligo.
Pagtapos maligo, nagbihis at nag ayos sya kaagad. Nagsuot sya ng floral yellow summer long dress ng may mahabang split sa gilid. Kitang kita ang makinis at maputi nyang hita.
Naglagay lang sya ng kaunti face powder saka mabilis na bumaba. Nasa garahe na si Marshall naiinip na nag aantay sa kanya.
"I-I'm ready !" nakangiting ani nya.
Matiim lang sya tinitigan ni Marshall, walang reaksyon mababakas sa pagmumukha nito. Sumakay na ito sa kotse, tinaasan nya ito ng kilay.
Wala man lang common courtsey ?
Hindi na man lang nag abala ipagbukas sya ng pinto ng kotse. Napailing na lang sya, saka sumakay na rin sa passenger seat.
"Before we leave, maybe you'd like to tell me what your plans for our date?" kapagkuwa'y tanong ni Marshall.
Inosenteng tumingin sya sa binata.
"Didn't I say you'd surprise me?"
Mukhang hindi pa na kondisyon ang utak nito kaya napaisip ito bigla. Mayamaya may naglalarong ngiti na sa mga labi nito.
"Okay, my wife. I'll surprise you. I'll make sure you enjoy our first and last date," puno ng sarkasmong sabi nito.
Hindi naman sya nabahala. Nagkibit balikat lamang sya saka matamis na ngumiti. Whatever it is, just bring it on.
Nang pinaandar na nito ang kotse, parehas lang sila tahimik sa byahe. Nakatutok lang ang tingin nito sa kalsada hanggang sa tumigil sila sa isang gas station.
Napasulyap sya sa rearview mirror. Kanina pa nya napapansin ang isang rider na nakasakay sa isang big bike na tila nagmamanman sa kotse nila.
Mayamaya pa ay nasa kalsada na uli sila. Dumaan sila sa isang express way, nakita nyang mabilis na nilagpasan sila ng taong nakasakay sa big bike.
Nagiging paranoid na ba sya?
"Do you like music?" tanong ni Marshall na hindi tumitingin sa kanya.
"N-No."
"You don't have favorite song or artist ?"
Napatigil sya at biglang nag isip. Music? Para saan ba 'yon? Wala sya hilig sa gano'n ni wala nga sya alam na kanta o kahit sino singer.
Umiling sya sabay lihis ng tingin sa binata. "W-Wala."
"Bakit wala? Anyway, okay lang ba magpatugtog ako? You know... para ganahan ako mag-drive," anito saka pasimpleng sumulyap sa kanya.
"It's your car. Do what you want," aniya at tumingin na lang sa may bintana ng kotse.
Nagpatugtog naman na 'to habang nagmamaneho. Hindi nya alam ang kanta kaya nanatili lang sya tahimik. Naririnig pa nya na sinasabayan ni Marshall ang kanta.
Hmm, infairness may maganda ang boses nito.
Mahaba ang naging byahe nila tingin nya isang oras mahigit dahil na rin sa rush hour sa umaga. Nakarating sila ng Sky Ranch Pampanga, isang amusement park.
"Dito?" di makapaniwalang nilingon nya si Marshall.
Tumango ito nang nakangisi. Lumabas na ito ng kotse at gaya ng kanina, di na naman sya nito pinagbuksan. Napapailing na lang sya.
"You don't like it here?" nakataas ang kilay nito.
Why does she feel like he deliberately brought her there to tease her?
Napatingin sya sa ayos nya sabay buga ng hininga.
"Sana sinabi mo para nag-jeans ako–"
"Nah ! You look fine. Tara, lakad na tayo," hinawakan nito ang braso nya para hatakin palakad patungo sa entrance.
Nagpaubaya na lang sya. Ano pa bang magagawa nya nandito na sila?
Nakapasok na sila sa loob ng amusement park at dahil ang aga pa, wala masyadong tao at tirik ang araw.
"Kailan ka huling nagpunta ng amusement park?" tanong ni Marshall habang naglalakad na sila.
"Hindi pa ako nakarating sa ganito–"
"Seryoso?"
Tumango sya. Ano bang meron sa ganitong lugar? Pambata lang naman ang ganito.
"Then, what did you often do when you were a kid?"
Ano nga ba? She's been adopted by a Mafia family. Namulat sya sa mundong magulo, madilim, marahas at mapanganib.
Wala siyang masayang childhood memories. She grew up in an orphanage, became a vagrant on the streets, a beggar just to get something to eat. Hanggang sa may kumupkop sa kanya mag asawa subalit hindi maganda ang naging karanasan nya sa mga ito.
Kinukulong sya sa isang dog crates, pinapakain ng mga tira-tirang pagkain, inaabuso sya ng mga ito hanggang sa pinilit niya makatas.
"You, okay?" tanong ni Marshall.
Marahil napansin nito natahimik sya.
"Uhm .. home school ako, bihira ako ilabas ng bahay, kaya wala akong masyadong masayang childhood memories," seryosong tugon nya.
Pinakatitigan sya ni Marshall, tila sinusuri nito ang buong mukha nya. Magtatanong sana sya ng biglang dumukwang ito at kinintalan sya ng halik sa labi.
Natameme siya. Did he just kiss me?
Quick kiss lang 'yon pero parang lumipad ng ilan segundo ang utak nya.
"You look sad, that's why I kissed you–"
Pilit niyang kinondisyon ang utak nya. Bakit ba parang nanghina sya bigla sa halik nito?
Ngumisi sya. "Kailangan pala araw-araw akong malungkot, para lagi mo akong hahalikan?"
Tila biglang namula ang tenga ni Marshall sabay iwas ng tingin sa kanya.
"M-Mamili ka na san mo unang mag-rides?" nautal nito tanong.
Napailing sya. Hindi nya sukat akalain marunong mag-blush ang lalaking 'to. Huminga muna sya ng malalim sabay turo sa isang malaking barko na may nakasulat, Super Vikings.
"That one– sakay tayo dyan," turo nya.
Kaagad naman sya hinawakan ni Marshall sa kamay, dahilan para makaramdam sya ng kakaibang kiliti sa katawan. Ano bang nangyayari sa kanya?
"Come on, let's buy ticket," yakag ng binata sa kanya.
Pagkasakay nila kagaad naman pinaandar ang malaking barko, sa una mabagal lang ang pagduyan subalit ilan minuto lang pataas na ng pataas ang pag angat ng barko saka biglang bubulusok paduyan.
Napaigtad sya nang malakas na sumigaw si Marshall na nasa tabi nya. Mahigpit ito yumapos sa kanya at mariin na nakapikit.
"M-Mótherfúcker shít !!!!!–" sigaw nito uli nang bumulusok uli ang barko.
Napahawak lang sya makapal na bakal na nakaharang sa may beywang nila banda.
"P-Parang madu-duwal ako, make .. it.. stop now! ma-make it stop !" hiyaw nito na namumutla na.
Pagak sya natawa saka umiling.
"Ayoko! Gusto ko pa!" sigaw nya rin rito.
"Pa-Parang pini..piga ang it..log ko.. Aahh! Make it s-stop, please !!!" sigaw uli na reklamo nito subalit hindi natupad ang utos nito hanggang sa natapos at huminto na ang rides.
Nagmamadaling bumaba si Marshall napayuko ito sa gilid habang nakahawak sa dalawang tuhod.
"Ayos ka lang, ASAWA ko?" may bahid ng pang aasar ang tono nya.
Matalim ito sumulyap sa kanya. Matamis naman sya ngumiti.
"Ibang rides naman? Ayon oh–" aniya sabay turo sa isang mataas na tower na may nakasulat na Drop Tower.
Binaling nya ang tingin kay Marshall.
Bakas sa mukha nito ang pagdadalawang isip.
"Uhmm, p-pwede ikaw na la–"
"No. Ayoko. Dapat dalawa tayo. Ikaw ang nagdala sa'kin rito, di ba? So, kailangan samahan mo ako para makapag-enjoy ako, first time kong sumakay sa mga ganitong rides," painosenteng paliwanag niya sa asawa nyang namumutla na naman.
Napalunok ito ng laway.
Nag beautiful eyes pa sya sa harap nito.
"A-Alright. Sisingilin kita talaga ng malaki pag lumiit ang itlog ko dahil sa rides na 'to.. tsk–"
Nakagat niya ang pang ibabang labi para pigilan ang sariling matawa dahil sa sinabi nito. Seryosong seryoso kasi ito sa pagbanta nito sa kanya.
Hinila na nya si Marshall sa ticket booth para makabili at makasakay na sa Drop tower.
Napapangiti sya. Sa hindi malaman na kadahilanan, ibang klaseng thrill ang sumakay sa ganitong rides, nakaka-enjoy at parang gusto nyang araw arawin sumakay sa ganito.
Ang akala nya sa paghawak ng baril at kutsilyo lang sya nagkakaroon ng adreneline rush at thrill....
Hmmm, feels good though...