ZHERA POV
"BAKIT namamaga ang pisngi mo? Are you okay?" Bungad ni Marshall nang makabalik sa table nila. Hindi niya napansin na namaga pala ang pisngi niya. Damn !
Tumango siya. "I'm okay, nadulas lang ako doon sa CR sa pinto ng cubicle tumama ang pisngi ko," aniya saka masuyong hinaplos ni Marshall ang pisngi niya.
"Sigurado ka?"
She nodded and force a smile in her lips. "Okay lang ako. Saan tayo next pupunta pagtapos natin kumain?" pag iiba niya ng usapan kahit hindi maalis alis ang tingin nito sa pisngi niya. "H-Hey ..I'm really fine."
Marshall sighed. "Masama bang mag alala sa'yo?"
Nginitian niya ito. "Nope, but I'm really fine. Ituloy na natin ang date, okay?"
Hindi na kumibo si Marshall bagkus nagpatuloy na silang kumain. After nila kumain, dinala siya nito sa Fora Mall para manuod ng movie but with a twist. It has a modern cinema, with a scenic outdoor movie vibe. Napalingon siya kay Marshall dahil kapansin-pansin na sila lamang ang tao roon.
"Don't tell me, you rented the whole place?"
Kaagad na tumango si Marshall. "Uhm yeah. This is.. my first ever date, to be honest with these kinda stuff like this. I'm not sure how or what to do on a date, para hindi nakakahiya magkamali sa date, I just rented the place for both of us."
Napatunghay siya kay Marshall. She really don't know what to say or what to react on that moment. Pilit siyang ngumiti. "Ahh, ganon..ba."
"Yeah.." Marshall stared at her for a couple of seconds before saying. "Could you please stop faking your smile? It's annoying."
"What?" gulat na napatitig siya rito.
"Napapansin ko kasi.. na parang pinipilit mong ngumiti harapan ko. I don't know why you do that or whatever your reason was. Just don't fake your smile. Kung 'di ka natutuwa, wag kang ngumiti, smile when you're really happy, okay?"
Mas lalong hindi niya malaman ang sasabihin at gagawin. Hindi naman kasi siya sanay sa ganitong klaseng treatment, ngayon lang din niya nararanasan ang ganitong bagay. At saka, hindi naman siya masayahing tao, so walang dahilan para ngumiti.
"S-Sorry.. hindi lang ako sanay sa mga ganitong bagay. H-Hindi ko alam ang ire-react ko."
"Don't smile." He cut off. "Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mong ngumiti. Kung ngingiti ka, smile from your heart, hindi 'yon napipilitan ka lang."
Mapakla siyang ngumiti. "P-Paano ako magpapa-impress sayo kung hindi ako ngingiti? Paano mo ko magugustuhan kung ganon?"
Matiim na tinitigan siya ni Marshall. "Kung gusto mong magustuhan kita, ang maging okay ang pagsasama natin bilang mag-asawa, ipakilala mo sakin ang sarili mo. Pakita mo kung sino ka, patunayan mo sakin na wala kang tinatago o binabalak. Paramdam mo sakin ang totoong damdamin mo kung gusto mo talaga ako."
Gulong-gulo na ang takbo ng utak niya ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya nahuhulog siya sa malalim na balon habang nakatitig sa mga mata ni Marshall. Bakit ba parang nawawala siya sa tamang pag iisip sa tuwing tumitingin siya sa mga mata nito at kung paano siya titigan nito.
Huminga siya ng malalim. "Fine. Like what you asked, I will not fake my smile anymore. You want to see who's the real me? Fine. Pangako, papatunayan ko sayo na wala akong tinatago o ibang motibo sayo. What you see is what you get from me." Nanghahamon na boses niya rito.
"Good. That's more like it," matamis na ngumiti si Marshall at iginiya na siya paupo patungo sa bakanteng reclinable seats.
Nag simula na silang manuod ng pelikula, na may pamagat na Mr. and Mrs. Smith. Hindi siya pamilyar sa palabas. Hindi naman kasi talaga siya nanunuod ng mga pelikula. Buong akala niya maiinip siya sa palabas subalit namalayan na lang niya na nahumaling na siya sa kwento. Tungkol sa mag-asawang may kanya-kanyang sikreto, parang siya, ang kaibahan lang... hindi siya spy agent. She's an assassin, a murderer, a slayer and a badass executioner.
Napabuga siya ng malalim na paghinga.
"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik,"pansin ni Marshall sa kaniya.
Akmang pilit siyang ngingiti nang maalala ang sinabi nito. No more faking smile.
Bumaling kay Marshall. "I'm good. May iniisip lang ako kaya ako natahimik," seryosong sagot niya.
"Anong nararamdaman mo ngayon?" he randomly asked
She slightly frowned. "Obscure?"
"Are you sure?"
"Y-Yeah.." she shrugged.
Marshall looked at her intently then speak. "You know your face was totally blank earlier when you said you were thinking, right?"
"Really? I didn't know. Sanay na kasi akong walang emosyon ang mukha ko e. I'm not faking it. I guess, that's who I am."
Nagulat siya ng marahang hinaplos nito ang buhok niya at masuyong hinalikan ang kanyang noo."It's okay. Show me who and what you are, I like that better."
Napakurap-kurap siya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Napalunok siya ng laway, hindi ito kaba o takot pero hindi niya mawari kung bakit bumilis ang tahip ng dibdib nya.
Pinagpatuloy nila ang panunuod hanggang sa part na sila ng pelikula kung saan, nagkasagupaan si Mrs and Mr. Smith na halos ikawakas ng bahay ng mga ito. Napangiwi siya.
Na-i-imagine niya kung sakaling matuklasan ni Marshall ang tunay niyang pagkatao, aabot din kaya sila sa gano'n sitwasyon? Hindi si Marshall ang tipo ng lalaking basta basta na lamang mamatay ng hindi lumalaban. At mas lalong, hindi siya ang tipo ng babaeng umaatras sa ano man trabahong binigay sa kanya.
Subalit, nang dumating na sa eksena ng pelikula kung saan nagkabati na sina Mrs and Mr Smith at nagtalík ang mga ito. Napatitig siya sa malaking screen, hindi siya kumukurap. Biglang nag init ang buong katawan niya pati pisngi niya.
Ano bang pakiramdam ang makulong sa bisig ng isang Marshall Donovan? Parang gusto niyang matikman ang mga labi nito, gusto niyang malaman ang pakiramdam na maangkin nito.
Fúvk !! Damn it, Zee ! What's gotten on your mind?! You freáking crazy ! Why you lústing over him, bítch !
"Anong iniisip mo, my dear wife?" kapagkuwa'y paanas tanong ni Marshall. Ang lapit ng bibig nito sa may tenga niya.
"Making out with you..." wala sa sariling sagot niya na mahinang ikinatawa ni Marshall. Nanlaki ang mga mata niya. "N-No, No.. what I mean is–"
"No need to explain, wife. I really know what you mean. Intrusive thought huh?" nanghihibong nakangisi ito.
Pinamulahan siya ng mukha. Damn ! She's blushing for God sake!!