Don Crisostomo was lying on the lounge in the pool area with his robe on while sipping his buko juice feeling the refreshing summer when Mr. Uy walked towards him.
"Don Crisostomo, may balita po ako tungkol sa apo niyo." Mr. Uy said.
Napatingala si Don Crisostomo kay Mr. Uy at inilapag ang Buko na iniinom niya. "I bet that's good news. So what is it?"
"Ihaharap na po ni Sir Haze si Mistia sa inyo..." Mr. Uy reported.
Don Crisostomo looked amused and feeling excited. "Buti naman nagkaroon na ng common sense ang apo ko. Mahirap mag-adjust sa kanya palagi..." the old man murmured and chuckled when a memory crossed his mind. Naalala niya kasi ang rason kung bakit nagpatayo siya ng sariling unibersidad. The Haven University was established because of ridiculous reason. Noong highschool kasi si Javen, muntik na itong hindi maka- graduate dahil sa poor performance nito. Hindi pumapasok, palaging mababa ang marka at palagi pang nasasangkot sa gulo. Kaya para hindi bumagsak si Javen kahit na hindi pa siya pumasok, nagpatayo nalang siya ng sarili nilang eskwelahan.
"So when will I meet that girl?" Don Crisostomo asked excitingly.
"Ngayon po. Sa katunayan, nandoon na po sila sa sala."
Napabalikwas ang matanda dahil sa di inaasahang pangyayari. "What?! Bakit hindi mo sinabi? Ikaw talaga Roland... Hindi man lang ako nakapag- prepare. I should've welcomed them with a grand entrance." sabi ni Don Crisostomo at dali-daling binuhol ang robe niya at naglakad papasok ng bahay.
THE DAY OF meeting Javen's grandfather finally came and Mistia was so freaking nervous. Kung hindi lang siya nangangailangan ng pera ay sana hindi niya ginagawa iyon. Her conscience was eating her. Takot niya nalang sa karma.
"Javen, hindi ba nakakatakot ang lolo mo?" kinakabahang tanong ni Mistia habang hinihipan ang mga palad niya upang maibsan ang kaba.
They were just sitting on the long sofa while waiting for Don Crisostomo to come.
"Anong akala mo sa lolo ko? Multo?" pilosopong sagot ni Javen. "And will you just calm down?" saway ni Javen.
Kanina pa kasi napapansin ni Javen ang minu-minutong pagbuntong- hininga ni Mistia.
"Gago ka talaga..." mahinang bulyaw ni Mistia kay Javen.
"Just calm down."
"Basta ha... Kapag nag- offer ng ten million ang lolo mo sa akin para lang layuan ka, tatanggapin ko talaga..."
Javen's laughs suppressed in his mouth when he heard what Mistia just said. Hindi niya akalain na sa nerbiyos nito ay nakuha pa nitong sabihin 'yon. He didn't expect that she was carrying that mindset all along.
Javen was just laughing when someone just cleared its throat.
When they looked at it, it was Don Crisostomo.
"Seemed like you two were having fun?" Don Crisostomo began.
Javen stood and Mistia followed.
"Lo, si Mistia po. At kung hindi niyo po siya magugustuhan, maintindihan ko po."
Kung may pagkakataon lang si Mistia, gusto nitong batukan si Javen dahil sa kawalang hiyaan nito. May balak pa itong ipahiya siya sa harap ng lolo nito. Talagang pinamukha pa ni Javen na wala panama si Mistia sa mga naunang babaeng pinakilala niya.
"Hello po Sir.. Mistia Fatima po..." sabi ni Mistia at yumuko.
"Wow... ' Galang ah?" pang-aasar pa ni Javen. Pinandilatan naman siya ng mata ni Mistia pero may pekeng ngiti ito sa labi.
"So, nice to meet you, hija!" masiglang bati ni Don Crisostomo. "Welcome to our home," sabay yakap kay Mistia.
Napatanga si Javen dahil sa inasta ng Lolo niya. That's the least he expected. Ang inakala niya ay hindi nito magugustuhan si Mistia at papaalisin agad.
Mistia was shocked too because she thought Javen's grandfather was so strict. Inakala ni Mistia na baka sa lolo nito namana ang kasamaan ng ugali ni Javen. At hindi niya inakala na yayakapin pa talaga siya ng matanda bilang pagbati. Tingin niya mukhang hindi naman ito mukhang manyak.
"Kayo rin po Sir..." Mistia replied when they finally let go of the hug.
"Oh, stop being too formal, dear... Just call me Lolo Cris."
Mistia smiled and felt eased somehow after realizing that Javen's grandfather was not that intimidating at all. In fact, it was the contrary. However, the anxiousness was still there.
"What are you waiting for? Let's go get some food!" the old man joyfully persuaded and assisted Mistia to the dining room.
While Javen on the other hand was glued on his position watching his grandfather as if he was some kind of tourist guide.
Javen didn't know what's freaking going on and instead, he just followed his grandfather and Mistia on the dining room.
"Love birds, maiwan ko muna kayong dalawa rito. I just need to grab some clothes. But don't worry, I'll be back in a minute." paalam ng matanda sandali.
Javen tsked while stirring the pasta on his plate. "Kalahating oras nasa hagdan ka pa nga lang eh..."
"Aba'y- Pasaway ka talagang bata ka..." Don Crisostomo reacted. He doesn't want his grandson to bully him like that.
"Pabayaan niyo na siya Lolo Cris... Nakakain kasi 'yan ng langaw kaya nakontamina ang utak." singit naman ni Mistia.
Natawa naman ang matanda dahil sa pagtatanggol sa kanya ni Mistia.
Nag- alburuto na naman sa galit si Javen. "Tumahimik ka nga diyan!"
"Mag- boyfriend at girlfriend ba talaga kayo? You seems like not." nagtatakang tanong ni Don Crisostomo na parang nang-uusisa rin.
Nabahala si Javen dahil sa biglaang pag-uusisa ng matanda. Nakalimutan niya na nasa acting stage pala sa mga oras na 'yon. At ayaw na rin ni Javen magpalit pa ng ibang babae dahil nakikita naman niyang gusto ng lolo niya si Mistia para sa kanya. Nakakapagod din 'yon.
Javen was ready to answer to make defense but Mistia already did. She stole his chance.
"Ah... Sa katunayan Lolo Cris, nagkakagustuhan palang kami..."
Javen's heart skipped a beat upon hearing that. He knew that it was just a trick to get rid of Don Crisostomo's suspension.
Natawa ng mahina si Don Crisostomo. "I understand. Hindi naman talaga minamadali ang mga ganyang bagay," mahinahong sabi ni Don Crisostomo pero may kasiyahan pa rin sa boses nito.
Because of that address, Javen felt relieved. But there was a hint of irritation because Mistia just neglected his plans. They supposed to be in a relationship not in the stage of getting to know each other.
Nang umalis sandali ang matanda doon na nila pinalabas ang galit nila na kanina pa nila kinikimkim.
"Hoy ikaw na kabute ka, hindi ka ba nag-iisip? Mag- jowa na dapat tayo!" sumbat ni Javen kay Mistia sa mahinang boses.
"Hoy ka ring isda ka,wala ka bang isip? May ipinakilala ka na noon dito bago ako diba? Hindi mo ba naisip na baka mahalataan ng Lolo mo na sobrang dali naman natin." Mistia reason out. "Oo nga pala, wala ka palang isip... " pang-aasar pa nito. "At bukod do'n, ayaw ko rin namang isipin ng Lolo mo na easy to get ako. Haler? Gumising ka nga!"
Though they were sitting beside each other, they couldn't stop themselves from shouting. They just don't like each other's smell and mindset.
Sandali namang napaisip si Javen sa sinabi ni Mistia. She somehow made sense.
"That was acceptable..." Javen murmured.
"Kita mo na? Ikaw lang talaga ang hindi nag-iisip..."
Napasimangot naman si Javen. "My grandfather seemed fond of you, kinulam mo siya, ano?"
Nagulat naman si Mistia dahil sa pambibintang ni Javen. Kinuha niya ang kutsara na nasa mesa at hinampas sa ulo ni Javen. Napaigik naman ito sa sakit.
"Naka-drugs ka ba?! Hampasin kita dyan, eh..." Mistia bellowed in a low tone afraid that Don Crisostomo might caught them fighting.
"Nahampas mo na nga ako eh!"
"Dapat lang 'yan sayo! Dapat nga maging sweet ka sa 'kin, eh. Para naman mukhang effective ang acting natin. Hindi iyong palagi mo nalang akong inaasar." sabi pa ni Mistia.
Javen's faced grumbled. "Ikaw ang maging sweet sa 'kin. It's your job. Remember, I paid you."
"Oo alam ko 'yon. Pero, hindi naman pwedeng ako lang ang maging sweet sa ating dalawa. Ikaw rin. Kailangan natin ng cooperation. Huwag kang mag-alala, pansamantala lang naman 'to, e. Mawawala ka na rin sa buhay ko..."
Napatingin nang matiim si Javen kay Mistia nang masabi ni Mistia na mawawala na rin siya sa buhay nito. "Bakit? Kung mawawala ako sa buhay mo, magiging masaya ka ba? Para makapag- focus ka na kay Cedric mo?" seryosong saad ni Javen.
Nagsalubong naman ang kilay ni Mistia dahil sa sinabi ni Javen. Gusto niyang mag-jacket dahil sa lamig at kaseryosohan ng boses nito. At parang nanunumbat pa ang tono nito nang mapasok si Cedric sa usapan. "Adik ka ba? Bakit naman napasok si Cedric dito?"
Javen just rolled his eyes to Mistia and tsked. Isinandal niya ang likod niya sa dining chairs at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib. Para itong batang nagmamaktol dahil nakasimangot pa ang mukha nito at medyo naka- pout ang labi.
Maya-maya, dumating na si Don Crisostomo na nakadamit na ng maayos. Casual lang ang damit nito pero nagmumukha pa ring mayaman.
They started to dig in. Mistia and Don Crisostomo talked about different stuffs while they were still eating. But unfortunately, Don Crisostomo noticed his grandson's long face and it seemed uncooperative.
"Haze, what's with that long face?" the old man asked his grandson.
Javen didn't answer. So, Mistia took over.
"Ahm... Lolo Cris, nagseselos po kasi siya dahil aksidente ko pong nasabi ang pangalan ng boy best friend ko kanina habang wala pa po kayo... Pero sinigurado ko naman po sa kanya na wala siyang dapat ikabahala dahil sigurado na ako sa kanya..." palusot pa ni Mistia. She sounded sincere and serious but deep inside she wanna p**e.
The old man shrieked because of that fluttering words of Mistia. "Kita mo na, Apo? Don't be jealous, okay? Hindi mo ba narinig 'yon? Sigurado na siya sayo!" Nang-iingganyo ang boses ng matanda habang sinasabi iyon.
Javen bit his lips and then pursed it. Later on, he stood up. "CR lang ako," Then, he left.
Pagdating sa CR, bigla nalang lumabas ang ngiting kanina pa pinipigilan ni Javen. He put his hand on his chest and feel his heart which is beating apace. Literal na nagwawala ito at naghahabol pa siya ng hininga. He knew that it wasn't normal already.
Why would he feel that way if it was just nothing?
"Hala ka Javen... Namumula ka, gago!" bulong niya sa sarili at sinampal- sampal ang pisngi.
Alam niyang aminado na siya noon sa nararamdaman niya kay Mistia. Pero pinipigilan niya lang ito dahil may ibang gusto si Mistia. Hindi siya handang sumugal ng walang kasiguraduhan. And it was a little bit awkward because they started in not so pleasant relationship. They are enemies and its not so reliable if they would end as a lovers. Wala naman sila sa pelikula. Hindi rin sila mga artista. It's impossible to happen.
No matter what, he would just go with the flow. No matter where this take them. No matter how would this end...
"Oh, Haze, bakit antagal mo? Sobrang dami na tuloy namin napagkwentuhan ni Mistia." sabi ni Don Crisostomo nang makabalik na siya. "Teka, ba't ka namumula?"
Napahawak sa pisngi si Javen nang mapansin ito ng Lolo niya. Umupo siya nang maayos at sinubukan umastang natural. "Mestizo problems," simpleng sagot niya at nagpatuloy sa pagkain.
"Nagtatampo ka pa rin ba, Javey?"
Nasamid si Javen nang bigla nalang siyang tawagin nito ng "Javey". It sounded so sexy in Javen's hearing.
Inabot naman agad ni Mistia ang tubig at hinapyod- hapyod ang likod ni Javen.
"Javey... Sounds like "baby"" gatong ng matanda.
"Eh... T-talaga po? Iyon lang po kasi ang lagi kong tinatawag ko sa kanya." Mistia lied. "Diba baby- este Javey?"
Mistia didn't mind even Javen didn't answer. He was still dealing with his coughs. Ang hindi lang maintindihan ni Mistia ay mas lalo pang lumakas ang ubo nito nang aksidente niyang masabi ang baby. Nalito lang kasi siya sa sinabi ni Don Crisostomo.
DON CRISOSTOMO had a great time with Mistia. He found Mistia kind, caring, and fun to be with. No wonder why his grandson fell for her.
"Lolo Cris, mauna na po kami. Apir po!" masiglang pagpapaalam ni Mistia.
The old man chuckled because of Mistia's cunningness then later on gave her a high five.
Napansin kasi ng matanda na pinipilit nito ang kilos nitong maging mayumi at mahinhin sa paraan nito ng pagsasalita. He noticed that it was not her traits to be solemn and classy. So, he let her to be herself. At talaga namang natuwa siya sa tunay na pag-uugali nito. Nakita niyang napakulit at medyo madaldal din.
"Mag-iingat kayo, ha?" Don Crisostomo bidded and see them at the entrance. Gabi na kasi at kailangan na nitong umuwi.
"Kayo rin po, ah? Burger po kayo sa 'kin!" sabi ni Mistia.
"Burger ka rin sa 'kin!" Don Crisostomo replied happily.
While Javen was just looking at them and think that what Mistia and his grandfather doing was very corny and cliche. He was also using his grumpy face.
"Ano bang tinuturo mo sa lolo ko? Puro kabaduyan..." sabi ni Javen habang nasa gitna ng biyahe.
"Ang alin? 'Yong burger ka sa 'kin? Ang cool kaya no'n!" sabi naman ni Mistia.
"Anong cool do'n?"
"Hindi mo lang alam ang meaning no'n kaya naisip mo na baduy! Palibhasa kasi ang alam mo lang ay 'yong, 'Ketchup ka ba? Kasi bagay ka sa hotdog ko,'" pambabara pa ni Mistia.
Nagiba naman ang mukha ni Javen dahil sa pamimintang ni Mistia sa kanya. "Mandiri ka nga kabute! Hindi ko gawain ang magbigay ng mga cheesy pick up lines. Hindi ako baduy kagaya mo!" Never in his entire life he imagine himself doing that cheesy pick up lines. "Isa pa, bakit ko naman gagawin 'yon? Babae ang humahabol sa 'kin!"
"Mukha ka kasing tae kaya madaming langaw ang humahabol sayo." Mistia just rephrased what Javen said to Cedric before.
"Ikaw ang mukhang tae!" napipikon na sigaw ni Javen.
"Galit na naman ang 'tae'!" Mistia fought back.
"Galit lang ako sa mga tae!"
"Aba- bakit ka naman magagalit sa sarili mo?"
Puro lang sila asaran hanggang sa makarating sila sa kanto ng bahay nina Mistia.
"Dito na ako!" padabog na sabi ni Mistia.
Tinigil naman ni Javen ang sasakyan. Agad naman lumabas si Mistia at naglakad patungo sa bahay nila pero napatigil rin nang tawagin siya ni Javen.
"Sigurado ka ba talaga?" biglang sabi ni Javen. Napakaseryoso ng mukha at boses niya habang sinasabi iyon. He was pertaining to what Mistia said a while ago.
Naiinis at naguguluhan naman siyang nilingon ni Mistia. "Ano?!"+
Javen tsked. "Wala."
Her expression already tell.
She loves somebody else...