Chapter 2

1119 Words
Chapter 2 Marcus PoV "s**t!" Malakas na mura ko sabay suntok sa pader ng banyo. Ano bang pumasok sa utak ko at pinatulan ko si Yna. Ilang beses pa ulit akong nagmura habang nakatungkod ang isang kamay ko sa pader. Nasa utak ko pa rin ang ginawa naming kapusukan. Dama ko pa rin sa aking mga labi ang tamis ng labi nito na napakalambot. Iyon nga lang ay hindi ako pumapatol sa babaeng virgin pa. Napahilamos ako ng mukha habang nakatapat sa shower. Ngunit sa tuwing pumipikit ako ay mukha ni Yna ang nakikita ko. Kasalukuyan akong nasa bahay ko at papasok na sa trabaho. Ang Monter Corporation na pagmamay-ari ng aking ama. Nagkikita kami ni Yna sa office pero hindi niya ako pinapansin. Parang inis na inis ito sa akin. Ilang araw na rin akong umiiwas dito. At ngayon kailangan kong maging formal habang kaharap ito. Naisip ko na wala naman dapat akong iwasan dahil ginusto naman naming dalawa ang nangyari. Lumabas ako ng kwuarto habang bitbit ang tuwalya. Naka-brief lamang ako habang nakatayo sa cabinet dresser ko. Nang mabungaran ko si Yna na nakasilip sa pintuan ng kwuarto ko. Hindi ko maiwasang mapatingin sa alaga ko na bigla na lang gustong kumawala sa kinalolooban nito. "Ano'ng ginagawa mo rito?" pigil hiningang tanong ko habang tinatakpan ng tuwalya ang kumakawala kong alaga. "Binisita na kita, Sir. At pinapasok naman ako ng katulong mo kaya umakyat na ako rito sa itaas. Ang ganda pala ng kwuarto mo Sir, ah." Inilibot nito ang tingin sa paligid. "Lumabas ka muna!" Nilapitan ko ito. "Okay, Sir!" Nakangiti itong lumakad palayo ngunit bumalik rin agad. "Ay! Siyanga pala, Sir, 2pm ang meeting ninyo ngayon sa Ava Associate kaya naman mag-ready na kayo," sabi nito bago ako iwan. Ngunit bigla na lamang niya akong hinalikan sa pisngi ko. Umiiling-iling na lang ako at ini-lock ang pinto ng kuwarto ko. ________ Yna PoV Lihim ko siyang sinulyapan bago iwan sa kwuarto nito. Nakakatuwa ang reaksiyon ni Sir Marcus sa ginawa ko. Pinagpasyahan kong isantabi ang nararamdaman ko kay Marcus at magpatuloy sa pagiging secretary nito. Lihim ko man siyang gusto ngunit talagang mailap sa akin ang lalaking iyon. Kahit na muntik ko na ngang ibigay ang lahat wala pa ring nangyayari sadyang hindi niya talaga ako gusto at magugustuhan. Humarap ako sa salamin sa labas at isinara ang butones ng blouse ko na binuksan ko upang akitin siya. Napabuntong hininga ako at sinipat ang itsura sa salamin, maganda naman ako ah. "Bakit kaya hindi niya ako magustuhn?" tanong ko sa sarili. Matagal na akong nagpapansin ngunit sa ngayon naisip ko na hindi na ako magpapansin pa, hahayaan ko na lang na magustuhan niya ako at siya na mismo ang magpumilit na pumasok sa buhay ko. Sumandal ako sa pader habang hinihintay ang paglabas ni Marcus sa kwuarto nito. Ilang sandali pa ay lumabas na ito na nakasuot ng t-shirt at tattered pants, naka-converse at nakataas ang buhok nito. Nagmukha tuloy ako ang boss at siya ang body guard ko. May tangkad na 6'1 si Marcus at 5'9 naman ako with 2inch na takong upang kahit papaano hindi ako magmukhang maliit. Sa balingkinitan kong katawan. Kahit na ang takaw-takaw ko ay hindi naman ako tumataba. Napiling ako sa iniisip habang pinagmamasdan si Marcus. Nagkasalubong ang aming paningin nang lingunin niya ako ngunit ito mismo ang nag-iwas ng tingin. Iniiwasan na ba niya ako dahil masiyado na akong nagbibigay ng motibo sa kanya! Kinurap ko ang mata at iniabot dito ang hawak kong files para sa meeting nito. "Shall we?" seryosong tanong nito na inaya siyang lumakad na. Sumunod ako sa kanya ngunit sa di inaasahang pangyayari ay natapilok ako at nawalan ng balanse. Mabuti na lamang at nasalo ako ni Marcus. Hindi pa niya ako binitawan at tinitigan lamang. Gusto ko tuloy siyang siilin ng halik ngunit hindi ko nagawa dahil pinipigilan ako ng utak ko. "Sir!" untag ko sa kanya kaya naman binitawan niya ako at inalalayan. "Mag-ingat ka next time Ms. Yna nang hindi ka nadidisgrasiya," sabi nito bago umalis sa harapan ko. Napangiti ako at kinilig. Tinungo namin ang Montero Hi-Lace at naupo ito sa back seat. Samantalang ako naman ay sa harap kasama ng driver. Sinusulyapan ko siya sa rear view mirror ngunit nag-iwas ito ng tingin. Nagmistulan lamang akong walang alam sa nangyari no'ng nakaraang araw kaya naman hindi ako affected sa ginagawa ni Marcus sa akin. Nakarating kami sa Company nang hindi nag-iimikan. Pumunta ako sa office ni Maureen at ibinigay rito ang folder na pinapirmahan ko kay Marcus habang nasa kotse sila kanina. Umupo ako sa table ni Sir Lance habang naglalabas ng sama ng puson, jezz Kapag natamaan ka talaga at na- inlove hindi iyon mapipigilan. Iyon nga lang natamaan ako at na-inlove sa taong bato. Sa taong walang ginawa kun'di pasayahin ang mga babae sa kama pagkatapos ay iiwan din kapag hindi na gusto. Isa lang din akong basura na natikman pagkatapos ay inayawan dahil hindi ako nagustuhan. Pakiramdam ko tuloy kulang talaga ako ng alindog. Nakangusong pinagmamasdan ko si Sir Lance ang kapatid ni Marcus sa Ina. Busy ito sa pagdutdot ng cellphone habang nakaupo sa swivel chair nito. "Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong nito at nag-angat ng tingin. "Na-basted!" nakangusong sagot ko habang inaagaw ang kape na hawak nito. Sa tagal kong secretary ay hindi ko pa nakitang lumabas si Sir Lance na may kasamang babae maliban na lamang kung kasama nito si Sir Brye at ni Gio na ikinasal na last year. Hindi ako nakapunta sa kasal noon dahil naging abala ako sa boss ko na wala talagang pagtingin sa akin. "Ano ba gagawin ko para mapasagot ko ang kapatid mo?" "Hmm!" Nagkibit-balikat ito at ibinalik ang mga mata sa cellphone na hawak nito. "Pikutin mo kaya? O kaya naman, never mind." Tumatawa ito sa huling sinabi. Muntik ko nang sabihin na may nangyari na sa amin kaso hindi natuloy dahil binakla ang boss ko sa akin. "Sa tingin ko wala na akong magagawa pa kung hindi niya ako magustuhan dahil may gusto na akong iba." "At sino naman?" kunot-noong tanong nito. "Ikaw?" diretsang sagot ko kay Lance nabigla ito at napaso sa hinihigop nitong kape. Tumatawang tinapik-tapik ko ang balikat ni Sir Lance. "Hindi kita aagawin kay Allyson." Natatawang kinindatan ko siya at bumaba na sa lamesa nito. Nakangising lumakad ako patungo sa office ko habang nakatingin sa office ni Marcus na nakasara. "Kakalimutan na yata kita..." malungkot kong bulong bago umupo sa labas ng office nito kung nasaan naroon ang working place ko na napapalibutan lamang ng glass slides katulad ng office ni Marcus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD