Kath's POV. "There he is!" sabi ko at pagkahinto na pagkahinto ng sasakyan agad akong bumaba ng sasakyan, "KUYA!" Tumakbo ako papunta sakanya at hinug sya kahit na basang basa sya. Wala pa rin syang kibo nakatulala lang sya sa tapat ng bahay ni Ate Vanessa. Wait... Basang basa. Nagpaulan ba sya?! Takteng yan hindi man lang sumilong! Bigla namang lumabas si Vencee na may dala dala twalya. "Vencee! What happened?!" tanong ko na takang taka. Ikaw ba naman malaman laman mong yung kapatid mo hindi umuwi para lang dito. Tsk! Adik ba toh?! "Hindi ko rin alam, Kath. Kakarating ko lang din" sabi nya sabay lagay nung twalya kay kuya. Napatingin naman ako sa likod ni Vencee, andun si Ate Vanessa nakatingin lang saamin. "Ate Vanessa..." tawag ko sakanya pero nung papalapit na ako bigla sya

