"Bro, ano nga palang ginagawa dun sa fiesta?" "Huh?" nagtaka naman ako sa tinanong nya. Anong fiestang pinagsasabi nito? "Yung fiesta ng province nyo ni Cherry, next week! Anong ginagawa dun?" napakunot agad ang noo ko. Kasama sya? "Kasama ka?" "Ay ayaw nya oh. Oo nga kasama ako hahaha, iba na ngayon bro kung asan na si Cherry doon na rin ako" Luh sya. "Luh. Boyfriend?" "Dun na rin yun papunta" sabi nya nakangiti ng todo tinaas ko yung kamay ko mas mataas pa saakin, "Anong ginagawa mo?" "Ganito kataas yung pangarap mo na magging kayo" sabay biglang baba, "Hindi ko mareach, bro" "Hahahaha kaya nga, mahal ko sya hanggang langit eh" "Tigil tigilan mo nga ako sa kakornihan mo" sabi ko sabay takwil yung kamay nyang nakapatong sa desk ko. "Huy ano ngang ginagawa dun?" tiningnan ko sya

