Kriiiiiinnnnngggggggggg
"What is that?"
"Phone. Hindi ba obvious?" Natawa naman si Rose sa sinabi ko, eh totoo naman yun eh.
"Ha-Ha-Ha. Funny. Who's that?"
"Ahh my sister"
"Oh. Turn it off" napakunot naman ako ng noo sa sinabi nya
"Why?"
"Anong why? Didn't you know that using of phone while driving is strictly prohibited? If you want to die at the moment then don't implicate other people. Do it yourself" sabi pa nya at binaba yung mask para sa mata nya para matulog.
Patay agad pag gumamit ng phone habang nagdadrive, ganun? Hays eto talagang babaeng toh.
Later
"So hot! Payungan mo nga ako!" Sabi nya sabay biglang bigay ng payong saakin.
"Payungan mo sarili mo" at binalik sakanya yung payong. Ano sya? Sineswerte?
"HOY LUCAS! COME BACK HERE!"
"Goodafternoon sir!" Sabay sabay bati saakin nung mga constraction worker, kinawayan ko nalang sila at pinuntahan para tingnan kung okay lang ba yung ginagawa nila
"Ano ayos lang ba ang lahat dito?"
"Oo naman po, sir. Nga pala chicks yung gf nyo po ah" sabi nung isang constraction worker
"Huh? Gf?"
"Ayun oh!" Sabay turo pa dun kay Vanessa
"Hahaha hindi noh. Si Boss Vanessa yan"
"Oh? Grabe ang ganda pala nya sa personal!" Sabi pa nung iba.
"Maganda nga, maganda ba yung ugali?" Bulong ko habang may tinitingnan na papeles.
Eh busy sila kakacheck dun kay Vanessa eh akala mo kung sinong artista ang dumating. Kaya nga ang inet kanina pa eh, may kasama kasi akong galing sa impyerno, tsk.
"Ano yun sir?"
"Wala. Sabi ko, magsitrabaho na kayo!" Sabi ko at nagsibalikan na sila sa trabaho.
Ako naman eto tinutulungan lang sila, ayokong pumunta dun noh! Baka kasi pareparehas sila ng ugali eh. Amp.
"LUCAS!" Grabe sya maka-Lucas oh! Hindi ko sya pinansin, kunyari hindi ko alam "Hey!" Bigla ba naman akong sinabunutan!
"Argh! Ano yun Vanessa?"
"Argh! Rose, hurry up! It's too hot out here!! Anyway, papa wants to talk to you, now" sabi nya habang ako naman hinahawakan ko yung buhok ko, ang sakit!
Kung makasabunot parang ngayon lang nakahawak ng buhok ha!
Pagkatapos nun ay tumalikod na sya pero ilang steps palang naman ang hinahakbang nya eh natapilok na sya kaya agad akong napatakbo papunta sakanya
"OMYG!!!"
"Ano? Anong nangyari? Napano ka? Saan masakit? Tell me" Sabi ko sabay luhod sa harap nya, nung tingnan ko naman sya parang biglang nagslowmotion
Sinadya ba nya yun? O talagang slowmotion yung pagkakita ko?!
Nawala yung pagkatulala ko nang bigla ko syang nakitang umiyak.
"Ano bang masakit?"
"I'm alright *sob*. But my shoe...Argh! This is the latest shoes that I bought yesterday and now it's broken! *sob*" sabi pa nya sabay iyak. Tiningnan ko naman yung isang sapatos nya. Sira nga! Nahati ang takong. Pero yung paa nya pulang pula na.
Yung totoo? Mas iniiyakan pa nya yung sapatos nya kesa sa paa nya. Pasalamat sya may paa sya kung hindi hindi nya masosoot yung latest na sapatos. Jusko po! Unbelievable talaga tong babaeng toh.
"Eh bakit ka kasi nagheels, alam mo namang dito tayo pupunta" tanga rin neto eh
"*Sob* EH KASALANAN KO BANG WALA AKONG FLAT SHOES! *sob*"
"Hay" binuhat ko na sya pabridal style kahit malubaklubak ang daan papunta dun sa upuan sa may tent dito. Kawawa naman kasi kung iwan ko ditong umiiyak NG DAHIL SA SAPATOS. Tsk.
"ARAY! Dahan dahan! *sob sob*" sabi nya habang tinatanggal ko yung sapatos nya.
"Oo eh. Okay ka lang noh" sarcastic na sabi ko.
Eh jusko! May sugat sya sa may bandang tuhod tapos namumula pa ang paa nya tapos ang inaalala pa nya yung sapatos nyang nasira!
Tahimik lang sya habang ginagamot ko yung sugat nya pero naririnig ko parin yung pagiyak nya. Iyakin rin pala tong babaeng toh noh! Ang babaw ng luha, mas iniiyakan ba naman yung sapatos nya kesa sa sugat nya.
"Masakit pa ba?" Sabi ko sabay hipan nung sugat nya at dahan dahang nilagyan ng betadine
"Not reall-- Ouch!"
"Magsinungaling ka pa"
"Tsss. Oo na masakit na" sabi nya at tumingin sa ibang direction, nakita ko naman yung ibang constraction worker ayun tumatawa na parang ewan. Sinenyasan ko naman na bumalik na sa kanikanilang trabaho, at ayun nga bumalik na nga
"Vanessa. Are you alright?" Biglang may pumasok sa tent na medyo matandang lalaki kaya naman napatayo ako at hinayaang silang dalawang magusap
"Yes, papa"
"Next time magingat ingat ka naman. Look at your leg and your shoes"
"I know" walang ganang sabi ni Vanessa.
Ganyan ba silang magusap magama? Parang kung tanggalin mo yung papa parang hindi sila magkaano ano ah
"Omyg! Sis! Anyare sayo?" Bigla namang may nakiepal-- I mean nakisali na babae. Sa itsura palang parang mas matanda na kesa kay Vanessa.
"What are you doing here?"
"Vanessa. Your sister is just visiting you"
"Well I'm fine, okay? Pwede ka ng umalis. Please"
"Vanessa, stop acting like a child!"
"And Vanessa don't wear heels if you're going to a place like this, you should wear sandals or rubber shoes or---"
"Stop! I get it! You don't need to act like you cared about me"
"Vanessa I'm just concerned about you."
"Well guess what. I don't need your concern. If you're concerned about me, then you should did it before"
"VANESSA!" biglang sigaw nung papa nya.
"Tsss, Rose! Let's go!" sabi ni Vanessa at agad agad namang tinulungan sya ni Rose na pumunta sa car nya dun sila nagstay.
Syempre ako sumunod na at nagsorry din sa kanyang family dahil dun sa inasal ng boss ko even though wala naman akong karapatang sabihin yun
Naabutan kong umiiyak si Vanessa sa likod kaya hindi maiwasang maawa
"Oh" sabi ko at binigay yung handkerchief ko sakanya. Himala namang tinggap nya at nung pagkadating ni Rose umalis agad kami at bumalik na so opisina,pagkabalik namin dun agad umakyat si Vanessa sa office nya at nagkulong.
Something's wrong between Vanessa and her sister.
And speaking of sister. Tiningnan ko yung phone ko. HALA!
"Kath! Ba't ka tumatawag? May nangyari ba? Buhay pa ba yung bahay? Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?"
[Okay lang ako kuya. Okay lang din yung bahay kaya lang....]
"Kaya lang ano? Wag pabitin kath! Kinakabahan ako sayo eh!"
[Si nanay kasi kuya!]
"Anong nangyari kay nanay?"
[Nasama sa rambolan, ang bagsak kulungan]
"HA?! Osige sige. Parating na ako" nak ng tokwa naman oh! Hindi talaga ako pwedeng makampante pagsi nanay asa bahay eh.
"Oh bal, san ka pupunta?"
"Tell Vanessa I have an emergency kung gusto nyang magpadrive sa iba nalang, wag ako yung pag tripan nya" sabi ko at sumakay na ng kotse pauwi.
San nanaman kayang napadpad na kulungan si nanay? Hay naku Karmina Lucas kung hindi lang talaga kita nanay at with matching na mahal mahal pa kita! Nakuuu ewan ko nalang kung asan ka na ngayon.
°°°°°