"What is it?" Hindi nagsalita si Ric, kanina pa s'ya nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip n'ya sa mga sandaling ito. Ric heaved a sigh. Namulsa s'ya at umiling. "Nothing. Never mind." Kaagad ang naging pagtaas ng aking kilay. "Huh? What?" Puwede ba iyon? Halata namang may gusto s'yang sabihin, nakikita ko sa kanyang mga mata 'yon. Kaya hindi ko alam kung bakit parang ayaw n'yang sabihin ang kung anumang gusto n'yang sabihin sa akin ngayon. Sinulyapan ko ang construction na nasa may di-kalayuan. "Then, can I ask you something?" tanong ko at tumingin sa kanya. "Why didn't you tell them?" Nangunot ang noo n'ya. "What do you mean?" "Sa mga kaibigan ko, bakit hindi mo sinabi sa kanila ang totoong nangyari sa atin noon?" Ric looked away. "Is that important? W

