Gusto kong isumpa ang lahat ng gamit sa opisinang iyon. Ngayon pa lang ay alam ko nang hindi ko magugustuhang manatili roon kung hindi maaayos ang tungkol doon. "Miss Castro." Mula sa maintenance office ay lumabas si Simon. "Nakausap ko na ang mga tao sa loob. Sila na ang bahala sa pag-aayos sa opisina mo. Palilinisan na rin daw." Tumango ako. Gusto ko sanang ngumiti pero sobrang sakit ng balakang ko. Masakit din ang pang-upo ko dahil iyon ang sumalo sa pagbagsak ko. "Pero 'yong aircon daw ay baka matagalan, Miss Castro," kumakamot sa ulong sabi ni Simon. "Baka tatlong linggo pa raw bago dumating 'yong mga in-order na aircon." Mas sumama ang timpla ko. Tatlong linggo? Ibig sabihin ay mainit ang opisinang iyon sa unang dalawang linggo ko roon? Literal na mapapa-what the hell yata talag

