Nagising ako sa isang mainit na yakap. Nang magmulat ako ng mga mata ay ang mga braso ni Ric ang una kong nakita. Nakayakap ang mga iyon sa akin, parang ayaw akong pakawalan. Hindi ako kaagad kumilos at pinakiramdaman ang sarili. I'm sore! Bawat bahagi yata ng katawan ko ay masakit! Ni hindi ko alam kung paano ako kikilos! At mind you, isang beses lang namin iyon ginawa! Paano na lang kung hindi? Baka hindi na ako makakilos at tanging paghinga na lang ang magawa ko! Really, Gabriella? Gusto mo pa talagang umulit at hindi na lang isang beses? Are you asking for another round?! Nag-init ang mga pisngi ko dahil sa sinabi ng mahaderang parte ng isip ko. Muling bumalik ang mga mata ko sa brasong nakayakap sa akin. My eyes widened when I saw some nail marks. Saka ko lang naalala na kulang

