Chapter 48

1597 Words

Akala ko ay nagbibiro lang si Ric nang sabihin n'yang sa bahay namin kami pupunta. Hindi ko naman kasi naisip na iyon ang term na gagamitin n'ya. Hindi ko rin alam na dadalhin n'ya ako rito samantalang noong unang beses na nagpunta ako rito ay kulang na lang ay sabihan n'ya akong hindi ako welcome. "Puwede bang mag-comment?" tanong ko. Ilang minuto na kaming nakapasok sa bahay n'ya nang magsalita ako. Hindi ko kasi alam kung dapat lang ba akong manahimik o kailangan kong magsalita para mawala iyong awkward feeling. Hindi naman ako kay Ric nakakaramdam niyon kundi sa kanyang bahay. Ang weird nga, e. Komportable naman ako, parang nag-warm up na nga ang bahay na 'to sa akin dahil wala na iyong stranger feeling pero nakakaramdam pa rin ako ng awkwardness. Parang iyong bagong magkaklase

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD