"H-Hello po..." bahagyang nanginig ang boses ko at kinuha ang kamay nila para mag-bless. Akala ko nga ay magiging mabigat ang pagtanggap nila sa akin. Aminado akong hinusgahan ko agad sila dahil na rin sa malaki at makapangyarihan ang pangalang dinadala nila pero hindi. They welcomed me at pakiramdam ko ay hindi ko deserve ang kabutihang ipinapakita nila sa akin. Puwede pala iyon? Ang i-welcome ka ng mga taong hindi mo naman kilala at ituring na isa sa kanila. May kalamigan man ang mga aura nila but all of them treated me nicely. "Matagal ka na naming hinahanap. Hindi ko lang alam kung saan ka hahanapin lalo at kahit si Mayi ay bigo kaming mahanap. Akala namin ay kung saan ka na dinala ng iyong ina..." My grandfather glanced at Tita Malou. "Hindi namin naisip na iniwan ka pala n'ya sa i

