"You, okay?" Ang tanong na iyon ni Luigi ang nagtanggal ng pagkatulala ko. "Yeah." Iyon na lang ang nasabi ko. Bahagya akong nahiya sa sarili dahil hindi ko na naman nakontrol ang laman ng isip ko. "Ow, I forgot to tell you na nag-order na ako." He smiled shyly. "Nalaman ko kasi na dalawang oras lang ang free time mo and maaari kang ma-traffic later so nag-advance order na ako." "Oh, okay lang. Mas okay nga iyon." "And I'm sorry kasi mukhang maaabala ko ang lunch break mo. Gusto ko sanang sa malapit na lang sa kompanya n'yo ang lunch natin, puno na nga lang iyong mga restaurant na malapit doon," nahihiya pa ring sabi n'ya. "Don't apologize, maganda nga itong restaurant na napili mo. And hindi naman ako nagsisisi sa pagpunta rito." I smiled at him. "I'm glad na nagkakilala rin tayo."

