Last night's gathering made me realize what I lost and will lose if I didn't come back. Sa sobrang hirap ng ginawa kong pag-alis noon, sobrang hirap din ng ginawa kong pagbalik. Pinakita ko lang na napilitan talaga ako para hindi ako magmukhang mahina. Alam ko kasing sa oras na bumalik ako rito, babalik din ang nakaraan sa akin at ang mga taong parte niyon. Kaya nga handa na sana akong manatili na lang sa Canada. Nakuntento na lang ako na roon na manirahan dahil ayoko na sanang bumalik. But because of last night, na-realize kong worth it ang lahat. Ang what if's and what would be ko, tamang-tama lang ang ginawa kong pagbalik. Hindi lang sina Tita at ang mga kaibigan ko ang inuwian ko. Umuwi rin ako kay Ric, kaya lahat ay tama lang. "On the way na raw si Simon." Tinanguan ko si Ro

