Halos pagsisihan ko ang paghingi ng tulong kay Krisanta nang tuluyan nang makalayo ang kanyang sasakyan. Parang gusto ko na lang tuloy umuwi! Kung hindi nga lang importante ang dahilan ng pagpunta ko rito ay baka maglakad na lang ako palabas ng village na ito! Kahit malakas ang ulan o kahit bumaha ay lulusong talaga ako! Mag-resign na lang kaya ako? Kulang na lang ay batukan ko ang sarili dahil sa naisip. Whoa! Nasaan na ang tapang mo, Gabriella Castro? Bakit parang lumalambot ka yata? Kailan ka pa natutong kabahan at matakot? Napahinga na lang ako nang malalim nang marinig ang maliit na boses na iyon sa sulok ng isip ko. Pride. Iyon ang dahilan kung bakit sa halip na maglakad palayo sa malaking bahay na nasa harapan ko ay mas pinili kong humarap sa bakuran niyon. Sa sandaling pagpa

