"Do you want to drink?" tanong sa akin ni Letti. Lumapit lang talaga s'ya sa akin para itanong ang bagay na iyon. Inilagay n'ya sa tabi ko ang isang bukas na beer habang hawak ang isa pa.
Natatawang umiling ako. "Kailan ka pa naging lasinggera, Letticia? Kanina ko pa napapansin na nakikipagsabayan ka na kina Alfoso, ah! Look at you, ang pula na ng mukha mo!"
Inis na inagaw ko ang bote ng beer na hawak n'ya. Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan n'ya ngunit mukhang mabigat iyon dahil kanina ko pa sila inoobserbahan. Kanina ko pa rin nakikita na trip na trip ni Letticia na tikman ang lahat ng uri ng alak na nasa lamesa.
"Marami nang nangyari mula nang umalis ka, Gab," ani Letticia. Malungkot na tumingin s'ya sa akin at inagaw ang bote ng beer.
"Letti..." Napatingin na lang ako sa kanya nang tunggain n'ya ang bote. Hindi n'ya iyon tinigilan hangga't hindi n'ya nasasaid ang laman.
"May problema ka ba?" mahinang tanong ko.
"Lahat naman tayo ay may pinagdadaanan, lahat naman tayo may hinaharap na problema gaano man kaliit o kalaki iyon," sagot ni Letti. Tumitig s'ya sa mga kaibigan naming lalaki na nagkakasiyahan habang pinaglalaruan si Chris.
Kahit ako ay napatingin sa mga kaibigan namin. Ilang taon na rin ang nagdaan mula nang sabay-sabay kaming makatapos sa kolehiyo. Ilang taon na rin ang lumipas mula nang harapin namin ang masakit na reyalidad ng buhay ng isang adult.
Itinuro ni Letti si Reymond. "Aware ka ba na ang siraulong iyan ay sikat na solo artist?" tanong n'ya sa akin pagkalipas nang ilang minuto.
"Really?" Shocked na napatingin ako sa kaibigan. Nasa mga mata ko ang pagkabigla at pagmamalaki. "Ang alam ko lang ay nasa show business s'ya pero hindi ko alam na sikat na pala s'ya."
Umismid si Letti. "Lahat ng coliseum dito sa bansa ay napuno na ni Reymond. Ganoon s'ya kasikat. Kahit solo artist lang s'ya ay malaki ang fandom n'ya at laging sold-out ang mga inilalabas n'yang album. Lagi rin s'yang nangunguna sa charts and ilang beses na rin s'yang nag-guest sa mga international show."
Wala sa sariling napapalakpak ako. "Whoa. Ang galing naman pala ni Reymond. Hindi ko akalain na magiging artista ang isang iyan, singer pa! Naalala ko na nakakatulog pa 'yan sa klase ni Mr. Damayo at lagi n'yang nababasa' ng laway ang test sheet n'ya." Natawa pa ako nang maalala ang nakaraan.
Bahaw na tumawa si Letti. Itinuro naman n'ya sina Conrad at Alfon. "They were great businessmen. Mga bata pa lang sila pero nasa itaas na sila sa corporate world. Ganoon sila ka-capable."
Tumango-tango ako. "Yeah. I heard it. Minsan ko na ring nakasama sa isang meeting si Alfon at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan na malayo na ang narating n'ya."
"Nabalitaan mo rin bang dalawang taon na ang kompanyang itinayo nina JC at Chris?" Letti asked again. "It was a company related to video games and such. Lahat kami ay nag-invest sa kompanya nila and positive ang growth ng Crescent Moon Company."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Nakaramdam ako ng pagbigat ng kalooban.
"Yeah. I heard about it, too. Hindi ko nga lang alam ang detalye," mahinang sabi ko.
Letticia pointed to Sebastian. "That moron, Seb, he's a famous photographer and a producer. Ilang award na ang nahakot n'ya dahil sa dalawang propesyon n'ya. And this year, plano n'yang mag-aral ng filmography."
Nagyuko ako ng ulo. Ang alam ko lang kay Sebastian ay ang dalawa nitong propesyon. Hindi ko alam na may plano itong pasukin ang paggawa ng pelikula.
"Kilala na rin sa mundo ng baseball si Markiel. Ilang taon nang namamayagpag ang pangalan n'ya sa Major League," pagpapatuloy ni Letticia.
I heaved a sigh. Wala sa sariling hinawakan ko ang bote ng beer na kanina ay ibinibigay n'ya sa akin. Kaagad na nainom ko iyon.
"And M-Macky..." Bahagyang nanginig ang boses ni Letticia nang banggitin si Mackisig. "Nalaman mo man lang ba na nagkaroon kami ng relasyon ni Macky?"
I eyed her then bit my lip again. Marahan ang naging pagtango ko. "I heard about it from Alfon."
Tumango si Letticia. "He's a Chinese, alam nating lahat iyon. We broke up after dating for more than two years and decided to remained as friends." She chuckled a bit. "This year, ipapasa na sa kanya ang pinakamataas na posisyon sa kompanya nila. And he'll get married soon. Sa susunod na season yata ang kasal n'ya."
Kaagad na ininom ko ang natitirang beer sa bote. Nag-init ang mga mata ko at parang gusto kong umiyak.
"Are you fine with that, Letti?" Nagawa kong itanong iyon.
Letticia laughed. Wala nga lang buhay ang boses n'ya, bahaw iyon at punong-puno ng pait at sarkasmo.
"You didn't have to ask me that, Gab." She shrugged her shoulders. "You were two years late for asking me that question."
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Bumangon ang hinanakit sa puso ko. Hinanakit na para sa sarili ko.
"Katulad ng sinabi ko kanina, lahat naman ng tao ay may pinagdadaanan. Lahat ay may kinakaharap na problema. Sa iisang bagay lang sila nagkakatalo." Letti looked at our friends again. "Kung may kahit isang taong handang makinig sa kanila. Kung may kahit isang taong handang magpahiram ng mga tainga n'ya at handang yumakap sa kanila..."
Napapikit ako sa narinig. Nakikita ko sa mga mata ni Letti na nasasaktan s'ya pero wala akong magawa para pawiin man lang ang sakit na nararamdaman n'ya.
"You were also hurt back then," Letti continued. "Naiintindihan namin iyon and we were there for you. Hanggang pinili mong lumayo. Ang sabi mo, it was because you saw what you have been looking for. Again, inintindi namin iyon dahil alam naming matagal mo nang gustong hanapin ang bagay na magpapasaya sa 'yo. Your purpose in life, ika nga nila..."
Hindi ako nagsalita. Inihanda ko na ang sarili ko sa mga hinanakit ng mga kaibigan ko pero hindi ko pa rin maiwasang hindi madurog ang puso sa nakikitang paghihirap ng kalooban ni Letti.
"Naiintindihan namin iyon kaya hindi ka namin pinigilan." Sandaling tumigil sa pagsasalita si Letti bago humarap sa akin. "Ngunit alam mo ba kung ano ang masakit at hindi namin magawang intindihin, Gab? Iyon ay ang lumayo ka nang tuluyan sa amin. Maging kami ay sinubukan mong kalimutan..."
Hinawakan ko ang mga kamay n'ya. "That's not true, Letti."
Letti eyed my hands. "Siguro nga ay hindi but you made us felt that way. Alam mo ba kung gaano kami nag-aalala sa 'yo dahil alam naming nasasaktan ka? Ngunit dahil malayo ka ay wala kaming magawa. Nang sabihin naming bibisitahin ka namin doon, tumanggi ka."
"Because I w-was scared," nanginginig ang boses na wika ko.
Umiling si Letti. "No, Gab. It was because you were selfish. Ikaw at si Sabina."
Napapikit ako nang mahimigan ang tampo sa boses ng kaibigan.
"But at least, mabuti pa kayong dalawa dahil may mga taong umalalay sa inyo. Ngunit ako..." She laughed. "You guys left me here. Sa mga sandaling kailangan ko kayo, ni hindi ko kayo matawagan para kausapin. Pinutol n'yo maging ang komunikasyon natin..."
Muli, hindi ako nagsalita. Lahat ng mga sinasabi ni Letticia ay totoo. Dahil sa mga unang taon ko sa Canada ay iyon talaga ang ginawa ko. At tama s'ya, sinubukan kong kalimutan sila.
Masyado akong confuse at nasasaktan noon. I became selfish. Sa takot kong pagsisihan ang desisyon ko ay pinili kong maging sakim.
"Si Markiel, lagi s'yang busy sa training at sa match n'ya..." Tumingala si Letti sa kalangitan at malungkot na ngumiti. "Ngunit nagagawa n'ya kaming kausapin through video call. Iniimbita n'ya kami sa bawat match n'ya at umuuwi s'ya rito kapag may oras para makipag-bonding sa amin."
"I'm sorry..." Iyon lang ang tanging nasabi ko.
Tumayo si Letticia at hinawakan ang bote ng beer na wala nang laman.
"It's alright, Gabriella. I was being childish, maybe because I couldn't accept the fact that my best friends were part of the changes, too." She gave me a smile, hindi nga lang umabot iyon sa mga mata n'ya. "Minsan kasi ay nakakalimutan kong hindi na tayo mga college students, that we're all adult now and we were racing with this thing called life."
Walang nagsalita sa amin. Namayani ang katahimikan.
Inilagay ni Letticia ang bote ng beer sa lamesa at namulsa. "Ngunit hindi naman siguro masama kung paminsan-minsan ay hanapin ko ang nakaraan, hindi ba? Hindi naman siguro masama kung ma-miss ko kayong dalawa ni Sabina."
Pagkasabi niyon ay tinalikuran na n'ya ako. Gusto ko s'yang pigilan at kausapin pero napako ang mga paa ko.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Letticia.
Narinig ko s'yang nagpaalam na kina Tita Malou. Wala sa sariling napatingin ako sa mga lalaki naming kaibigan na ngayon ay tahimik na. Ang iba ay nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin habang ang iba ay nakatingin sa palabas nang si Letticia.
I saw Macky, hinabol n'ya ng tingin si Letti ngunit hindi s'ya kumilos para habulin ang babae. When I looked at his hands, nakita kong mahigpit na nakakuyom na ang mga iyon.
Sina Alfon at Chris ay dumiretso sa akin habang ang iba ay nanatili sa tabi ni Macky.
"Gab, are you alright?" Chris asked.
Tinapik ni Alfonso ang balikat ko. "Ako na ang bahala kay Letticia, nasa akin ang susi ng sasakyan n'ya. Babalik ako rito pagkahatid ko sa kanya."
Matapos sabihin iyon ay mabilis nang tumakbo si Alfon palabas ng bakuran namin.
"Let her be for now," ani Reymond na hindi ko napansing nakalapit na rin sa amin. "Kailangan lang ng oras ni Letti. Well, kailangan nating lahat ng oras to adjust."
Nagyuko ako ng ulo at pinaglaruan ang mga daliri.
Ang akala ko noong una, ang mabilis na pag-ikot ng mundo ang may kagagawan ng lahat ng pagbabago sa mundo. That the world changes every one of us.
But, I was wrong. Hindi talaga ang mundo ang dahilan ng pagbabago ng lahat. It was us. We changed because we chose to.
And yes, Letti's right. Sometimes, being nostalgic was also a leisure. A leisure that even ordinary people like us couldn't afford.