"We didn't talk about him..." Mula sa binabasang report ay nag-angat ako ng mukha at tiningnan si Ric. Katitigil pa lang ng sasakyan n'ya sa tapat ng bahay namin at katatanggap ko lang din ng tawag mula kay Lolie. May mahalagang report daw s'yang sinend sa akin kaya sandali kong chineck ang e-mail at pinasadahan ng tingin iyon. Inilagay ko sa bag ang ipad at mabilis na hinawakan ang kamay n'ya. Pinagsalikop ko ang mga daliri namin at halos mapangisi ako nang makita ang pagpipigil ng ngiti n'ya. "Him? Alfonso's brother, right?" Alam kong si Road ang tinutukoy n'ya. Noong nag-lunch pa lang kami ng kapatid ni Alfonso ay ramdam ko na ang kagustuhan n'yang magtanong pero pinipigilan n'ya ang sarili. Hinayaan ko lang s'ya at hinintay na magtanong. Siguro ay wala na nga s'yang plano pero d

