XENIA POV
Pagkatapos ng shift eksaktong alas quarto ng madaling araw. Ibigay na sa amin ang aming centralized tips. Malaki-laki din yun. Lima kaming mga waitress at ibang kitchen staffs rin. Umabot din yung ng halos pitong libo dahil sa malaking perang iniwan ni sir Adam. Kinuha ko ang gamit ko locker at diretso sa exit at sa sakayan ng multicab sa kanto. Gusto ng pumikit ang mga mata ko. Ilang sandali pa nasa tapat na ako ng bahay namin. Humiga agad ako ng hindi nag papalit. Nag set din ako ng alarm clock ng seven ng umaga.
“Xenia! Gumising kana diyan!” napabalikwas ako ng bangon. Pagtingin ko sa orasan alasais palang ng umaga kulang na kulang. Sayang ang trenta minutos kong itutulog pa sana. Gusto kong sumigaw at mainis pero hindi ko magawa. Sinabunutan ko ang buhok ko sa sobrang inis. Sana man lang kahit konti lang alalahanin ng inay na madaling araw na ako nakakaktulog kakatrabaho para sa kanila. Hindi ko alam paano nakakayanan ng katawan ko ang pagod, antok at salat sa lahat ng bagay.
“Oho Nay!” ganti kong sagot, kahit naiinis ako wala akong magawa. Dumiretso agad ako sa banyo para maligo. Agad akong nagbihis ng uniform ko. Tulog parin si Rowan. Buti hindi pa ito nagigising.
Pumasok ako sa kusina, at nakita kong nag kakape ang inay. Lumingon ako sa silid nila bukas na iyon ibig sabihin wala ang itay. Pagdako ng mga mata ko sa kanya nakalahad na agad ang kamay niya. Inabutan ko siya ng dalawaang daan.
“Ano ito Xenia! Ito lang ang iaabot mo sa akin? Saan aabot ang dalawang daan aber ha!” Halos mabingi ako sa sigaw ng inay. Umaga palang para na itong dragon na bubuga ng apoy anumang oras.
“Wala po akong masyadong tips nay!” malumanay kong sagot. Kailangan kong mag sinungaling sa kita ko, dahil uubusin na naman niya sa sugal.
“Wala akong pakialam! Gumawa ka ng paraan! Kung sa club ka nag tatrabaho malaki pa ang kikitain mo kesa pa-waitress waitress ka lang diyan! Asan na? Dagdagan mo to Xenia kung hindi matatamaan ka sa akin!” Parang armalite ang bibig ng nanay ko. Walang preno-preno. Gusto ko man tumanggi, hindi ko magawa. Hahayaan ko ng magutom ako kesa sakit ng katawan, ang babaunin ko sa school.
“Nay, wala po akong baon.” Malumanay kong sagot sa kanya, ngunit nanlisik ang mga mata niya. Akmang tatayo na ito at lalapit sa akin inilabas ko ang isang daan pang baon ko sana.
“Madali ka naman palang kausap eh! Gusto mo pa ata matatamaan ka sa akin bago mag abot ng pera! Kow Xenia tumigil ka na diyan sa pag-aaral mo, mag trabaho ka nalang sa club makatulong ka pa dito sa bahay! Hindi kung ano ano ang inaatupag mo! Makalayas na dito mga malas kayong lahat!” padabog na tumayo at nilampasan ako ng Inay. Napahugot nalang ako ng malalim na hininga. Pumunta ako sa karinderya upang ibili si Rowan ng aagahan niya. Tatakpan ko nalang yun. Hindi ko alam kung saan ang Itay. Madalas wala ang aking ama, at lasenggo pa ito. Pagkatapos ihanda ang kakailanganin ni Rowan hindi parin ito nagigising. Pumasok ako sa kwarto at hinalikan siya bago ako umalis.
Naglakad nalang ako dahil isang daan nalang ang pera ko. Nag iwan pa ako ng sixty pesos para may pagkain sa tanghalian si Rowan. Hindi ko alam paano pagkakasyahin ang pera ko. Sana waitress nalang ako ulit mamaya, para may tip ako, sayang din yun. Kulang na kulang ako sa tulog. Buti nalang wala kaming exam mamaya at walang assignment na binigay ang mga prof namin.
Pagpasok ko sa classroom namin, halos napaluwa ako ng mga mata ng makitang kong nakaupo si Sir Adam sa mesa ng prof namin. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito dito. Buti nalang hindi ako late. Pero nakakapagtaka lang eh. Simula sa Café ni Madam Criselda, sa bar ni Boss Martin pati ngayong unang subject ko andito rin siya ano siya stalker?
“What’s with the confusion look Ms. Mendoza?” napatayo ako ng tuwid at nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Heto na naman ang lakas ng kabog ng dibdib ko at namamawis ang aking mga kamay. Hindi ako makahuma sa kinatatayuan ko hindi ko alam kung papasok ako o kakaripas ng takbo papalayo sa kanya.
“Uhm—nothing Sir!” kanda utal kong sagot.
“Don’t just stand there as if you saw a ghost!” sarkastikong saad niya. Dinig ko nalang ang tawanan ng mga kaklase ko. Napayuko nalang ako at pumasok ng hindi na siya tinapunan ng tingin. Nagngingitngit ang kalooban ko. Namumuro kana talaga sir Adam sa akin. Kagabi ka pa sa Café at restobar. Gigil mo ako. Sarap mong kutusan naiusal ko sa loob-loob ko/
“Good morning, class. If you’re wondering why I am here, first, your professor is my cousin. Second, he has a personal thing to take care of, so he asked me for his temporary replacement for a week.” Kilig na kilig naman ang mga kaklase ko sa paliwanag ni sir. Ako naman parang sinisilihan sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin at maramdaman ko. Hindi ako ni minsan tumingin sa kanya, nakayuko lang ako at nag susulat ng kung ano ano. Lumilipad ang isip sa nangyari kagabi. Natuwa na sana ako kasi pinagtanggol niya ako pero mas matindi pa pala ang marinig ko pang iinsulto mula sa kanya. Nanliit ako sa sarili ko.
“Ms. Mendoza!” tawag sa akin ni sir Adam. Napaangat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin.
“Huh!?” para akong timang. Pero rinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko.
“Are you deaf or sleeping?” he rudely asked me. Nakatiim bagang pa siyang nakatingin sa akin. Napayuko ako. Dinig na dinig ko ang kalabog ng puso ko.
“Can you repeat your question, sir?” I sincerely asked. Alam kong naghihintay lang siya na magkamali ako. Napailing pa ito.
“You're overworked! Are you even sleeping?” Am I hearing it right? Concern pero may himig ng panunuya? Umupo ako ng hindi sinagot ang tanong niya. For the first time in my life naiinsulto ako sa klase namin. Hindi na ako tinawag hanggang sa matapos ang klase namin. Kahit paano naka hinga ako ng maluwag. Isa’t kalahating oras din siyang nagturo sa amin. At nag pabaon pa ng assignment. Mamayang lunch ko na gagawin ang assignment ko kasi wala akong oras sa bahay. Pagkauwi ko, si Rowan ang inaasikaso ko.
“Xenia!” Napalingon ako, magkasama na sina Rommel at Arya. Gusto kong umiwas sa kanilang dalawa pero wala ata akong kawala. Pilit akong ngumiti. Napilitan akong sumabay sa kanila sa canteen. Bumili lang ako ng isang kanin at menudo. May dala naman akong tubig. Sayang din kung bibili pa ako ng tubig sa canteen. Narinig ko ang hagikhik ni Ms. Valdez. Napakunot ang noo kong napatingin sa kanilang dalawa at nakalingkis pa si Ms. Valdez na akala mo aagawin si Sir Adam sa kanya. Nagtama ang mga mata namin ni sir, ayon na naman ang pamilyar na kabog ng puso ko sa tuwing nag tatama ang aming mga mata. Agad akong umiwas. Pinag patuloy ko ang pagkain ko pero parang hindi ko na nalasahan pa yun. Sa dinami-dami ng upuan sa katapat pa talaga namin silang dalawa umupo.
Mas lalo akong nawalan ng ganang kumain. Hanggang sa naramdaman ko ang hinlalaki ni Rommel sa gilid ng labi ko na may inalis na kanin. Napatingin ako sa gawi nina sir, nagkasalubong ang mga kilay niya ng magtama ulit ang mga mata namin. Umiwas ako at ibinalik ko ang aking mga mata kay Rommel at ngumiti ng ubod tamis. Kahit hindi ko naman ginagawa dati.
“Salamat Rom!” wala sa loob kong sabi. Na ikinalapad ng ngiti niya. Akala mo napaka special ng thank you ko at ganun nalang siya ka saya. Isang sipa ang kumuha ng tingin atensyon ko. Sinipa ako ni Arya.
“Ano!?” Inis kong tanong sa kanya. Sadyang masakit ang pagkakasipa niya sa akin.
“Anong ano? Bakit ka namumula diyan!” Parang hindi patanong kung hindi pasinghal at may diin sa tanong ni Arya sa akin. Napailing nalang ako at dali-dali kong tinapos ang pagkain ko. Gagawa pa ako ng dalawang assignments ko. Hindi ko na rin pinansin ang naglalampungan sa tapat ng mesa namin. Padabog akong tumayo at umalis. “Naiinis ako sa dami ng lugar na pag laladian sa harapan ko pa talaga”
“Xenia wait!” it was Rommel hindi ko na yun pinansin at tuloy-tuloy lang ako papunta sa library. Naabutan ako ni Rommel at sinamahan ako sa library namin. Ilang sandali bago mag time, natapos ko ang dalawang assignments ko. Sa general education subject namin.
Naging maayos naman ang sunod kong subject. Hindi ako lutang kahit medyo nakakatamad makinig sa tatlong prof namin sa pang hapon. Pero may quiz kami bukas. Paano ko kaya pag sasabayin ang aking part-time at ang pag rereview ko. Sanay naman ako sa kanina. Stock knowledge na lang ang gagawin ko. Madalas naman ako nakakasagot kahit hindi ako masyadong nag aral. Lumitaw sa balintataw ko ang mukha ni Adam, kasama ang parang linta na si Ms. Valdez. Nainis ako ng wala sa oras saka ko naipilig ang aking ulo.
Pauwi na ako ay siya namang labas sa teacher’s office ni sir Adam. Hindi ko tuloy alam kung babatiin ko siya o hindi. Gusto kong puhimit at bumalik sa pinanggalingan ko pero huli na para gawin ko pa yun. Nanunuyo ang lalamunan ko.
“Good afternoon sir!” wala sa loob kong binati siya. Kabastusan kung hindi diba. Hindi ito sumagot napatigil siya at napatingin sa akin. Ako naman biglang nahiya. Nilampasan ko siya pero naka ilang hakbang palang ako, hinawakan na niya ako sa siko na siyang ikinalingon at napatingin ako doon. Tila may kung anong kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko at nasundan ng nag rarambulan ang t***k ng puso ko.
“Xenia!” It was Rommel calling me. Hindi ako lumingon dahil nakatingin parin ako sa kamay ni sir Adam sa siko ko.
“Bakit po?” takang tanong ko, pero hindi siya umimik at tinanggal ang kamay niya. Hindi ko nababasa ang mga mata niya. Nag aral ako ng human behavior kasama na doon ang gesture ng tao pero parang akong tanga na hindi man mabasa ang lalaking nasa harapan ko.
“Xenia sabay na tayong umuwi, sasabay rin si Arya!” masayang pag imporma ni Rommel sa akin. Saka palang napadako ang tingin ko sa kanya. Tumango ako. at magalang na nag paalam kay sir Adam.
“Mauuna na po kami sir.” Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya pero dinig ko ang malalim niyang buntong hininga. Lumakad na kami ni Rommel papalayo kay sir Adam. Gusto kong lumingon para tingnan kung nandoon pa rin siya pero hindi ko magawa. Ayaw kong mag isip siya ng kung ano-ano. Pero napahawak ako sentido ko. Biglang sumakit iyon dahil daldal ng daldal si Rommel hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi niya.
“Arya!” tawag ko sa aking matalik na kaibigan nakaupo siya sa bench malapit sa gate ng school namin. Busy kasi siya sa kakalikot ng cellphone nia.
“BFF ko, may chikka ako sayo!” napatampal ako sa noo ko. Basta marites si Arya ang mas malala pa kay Christy Fermin. Walang nakakalusot na chismis sa kanya lahat sagap na sagap niya.
“Ano!” wala sa loob kong tanong.
“Alam mo bang yang prof niyo? CEO pala yan ng construction company sa BGC!” napakunot ang noo ko. Kung CEO yun eh bakit nandito wala sa opisina niya. Hindi naman nakakapagtaka sa tindig at hitsura ni Sir Adam masasabi mong galing sa Buena na pamilya. Pero ang nakakapagtaka lang andito siya, replacement prof namin. Tapos may oras pang tumambay sa café ni Madam Criselda at sa resto bar ni Boss Martin.
***