STOLEN FIRST KISS

2243 Words
XENIA POV  NAGING maayos kahit paano ang trato ng aking mga magulang sa amin. Pero minsan hindi pa rin maiiwasan na pagbubuhatan ako ng kamay. Gaya nalang ng nangyari kahapon, mag asawang sampal ang natanggap ko mula sa Inay, dahil hindi ako naka pag abot ng pera. Hindi ko magawang lumaban, dahil anak lang ako, at magulang ko daw sila. Utang ko daw sa kanila ang aking buhay. Tumulo na lang ang masaganang luha sa mga mata ko. Minsan tinatanong ko na rin ang Diyos kung deserve ko bang maranasan ang lahat ng ito. Gaya ng inaasahan walang tugon sa mga daing at dasal ko. Kahit ganun pa man, tama naman sila, utang ko ang aking buhay sa kanila. Ang mahalaga lang naman sa akin ay, makasama ang kapatid kong si Rowan, handa akong magtiis alang-alang sa kanya. “Rowan, kakain na!” Tawag ko sa kanya mula sa kusina. Kailangan ko na siyang asikasuhin bago ko iwan papasok sa trabaho. Walang Rowan na lumapit, nag taka man ako tinapos ko ang aking paghahain. Kami lang ulit ni Rowan sa bahay, wala ang mga magulang namin. Kung wala sila dito, iisa lang naman ang lugar na pinupuntahan nila, sa kabilang kalyeng sugalan at inuman. Nang walang Rowan na lumapit, lumabas ako sa kusina para hanapin ang kapatid ko. Ngunit ganun nalang ang pagkagimbal ko ng matunghayan siyang naka handusay sa sahig, duguan at walang malay. “Diyos ko Rowan! Rowan!” Malakas na sigaw ko, kasabay ng pagyugyog sa kanyang balikat ngunit, hindi siya nagmulat ng kanyang mga mata. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang dugo. Nanlamig ang buong katawan ko. Kasabay ng takot sa isip at puso ko para kay Rowan “Tulong! Tulong! Tulungan niyo kami!” Malakas kong sigaw, hindi ko alam kung may nakarinig sa aming kapit bahay! Nang isa- isang dumating ang mga kapitbahay namin, si Mang Mario agad ang nag buhat kay Rowan. Pagka buhat niya kay Rowan agad niyang sinakay sa kanyang multicab, hagunos namang dumating si Rommel. “Xenia anong nangyari!? Umiling-iling ako, hilam ng luha ang aking mga mata, para akong sinaksak ng paulit ulit. Ilang sandali nakarating kami sa pinakamalapit na hospital. Nagpasalamat ako kay Mang Mario dahil sa tulong niya. Tipid itong ngumiti, tinapik ako sa balikat at nag paalam sa akin. Ilang metro lang ang layo ni Rommel sa akin nasa harapan niya ang vendo machine. Inabot niya sa akin ang tubig. “Salamat Rom.” Mahinang bulong ko sa kanya. Dinig ko ang malalim niya na buntong hininga. Ramdam ko ang pag dantay ng kamay niya sa balikat ko at nilapit niya ako sa kanya. Doon na ako bumigay. “Andito lang ako Xenia!” Pagbibigay suporta sa akin ni Rommel. Doon na ako humagulgol. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ilang minuto kami sa ganung posisyon ni Rommel ng agad namang may humila sa kanya at humandusay nalang siya sa sahig. “Rommel!” Hawak niya ang dumudugong labi at kita kong masamang tingin ang ipinukol sa kung sino man ang sumuntok sa kanya. Paglingon ko nag liyab na mga mata ni Adam ang sumalubong sa akin. Anong problema niya basta nalang siya nanununtok basta!” “Sir Adam! Anong problema niyo? Bakit mo siya sinuntok!” Naiinis kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot at basta nalang niya ako binuhat at dinala sa nakaparadang sasakyan niya. Nagpupumiglas ako ngunit sa lakas niya hindi man lang siya natinag. Nang makasakay siya, pinagsusuntok ang braso niya. “Ang sama-sama mo!” Hindi niya ako pinansin, hindi man lang siya nasaktan sa pag suntok ko sa kanya hanggang sa mapagod ako, at iyak ko nalang ang aking naririnig. Diretso lang ang mata niya sa kalsada, na hindi niya ako magawang lingunin. Maya-maya pa tumigil ang sasakyan, sa isang matayog na gusali, tingin ko ay hotel ito. Mahabang katahimikan ang dumaan ngunit hindi siya nag salita. Sa tindi ng inis ko. Pilit kong binubuksan ang pinto ngunit hindi ito bumubukas. Naka auto lock iyon. “Buksan mo baba ako! Kailangan ako ng kapatid ko!” Halos lumabas ang ugat ko sa leeg sa akin leeg sa pagsigaw. “Shut the f**k up!” Ganting bulyaw niya sa akin. Napipilan ako. Lagi naman siyang seryoso dati pero ngayon, kakaibang Adam ang nasa harapan ko. Pinagsusuntok niya ang manibela. Nahintakutan ako sa ginawa niya. Nilukob ako ng kaba at takot dahil nag aapoy ang mga mata niyang lumingon sa akin. Halos isiksik ko ang katawan ko sa gilid ng upuan. “Who the f**k is he?” Tanong niya sa akin halos pabulong na lang iyon. Napakunot ako ng tingin sa kanya, nagtataka sa tanong niya. “Sinong siya?” Maang kong tanong, alam kung si Rommel ang tinutukoy ngunit gusto kong makasigurado kung bakit siya biglang nanugod ng suntok. “Stop playing innocent Xenia! You are not. That f*****g guy hugging you!” Puro nalang ba may mura na lumabas labas sa bibig niya? “Rommel?” Patanong kong sagot sa kanya, paulit ulit niya yung binanggit. “Don’t f*****g mention his name!” Singhal niya sa akin, pero teka bakit ba siya nagagalit. “Teka nga sandali ha! Magkaliwanagan nga tayo, bakit ka ba nagagalit ha? Dinala mo pa talaga ako dito, kung kelan kailangan na kailangan ako ng kapatid ko! Ang sama mo talaga!” Walang preno ang bibig ko, gusto kong ipaalam sa kanya na galit ako sa ginawa niya. Ngunit mas nagulat ako ng bigla nalang niyang hinila ang batok ko at sinakop niya ang nakaawang kong mga labi na siya naman ikinaluwa ng mga mata ko. Halos tumigil ang mundo ko sa pag lapat ng mga labi namin. Amoy na amoy ko ang mainit at mabango niyang hihinga. Ang lambot ng mga labi niya. Nang unti-unting pumikit ang mga mata ko siya naman pagkalas niya sa aking mga labi. Binalot ulit kami ng mahabang katahimikan at walang may naglakas loob na basagin yun na para bang isang batas. Hindi ko napansin kung ilang segundo ako sa ganung posisyon. Nang maramdaman ko nalang ang pag usad ng sasakyan. Pareho kaming tahimik, tinahak namin ang daan pabalik sa hospital. Walang may gustong bumasag magsalita. Hinihintay kong magpaliwanag siya sa pagnakaw ng unang halik ko. Pero wala. Inis na inis ako sa pananahimik niya. Tanaw ko agad si Rommel nakaupo siya sa bench sa labas ng emergency room, nakapatong ang mga siko niya sa tuhod niya. Lakad takbo ang ginawa ko at hindi na pinansin si Adam. Dahil sa tindi ng inis na aking naramdaman basta ko nalang siya iniwan. Hindi man lang ako lumingon kahit tinawag niya ang pangalan ko. “Rommel, kumusta ang kapatid ko? Pasensya kana sa ginawa ni Sir Adam.” Hinging paumanhin ko sa kanya. Tumango siya sa akin at mataman akong tinitigan. Siya ko naman ikinaasiwa dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. “Saan ka ba dinala ng lalaking yun?” Ramdam ko ang namumuong galit sa boses niya pero iyon ay aking binalewala. Nang lumabas ang doctor kasabay niya si Adam. Masama ang tingin na ipinukol kay Rommel at ganun din ang isa, nag tagis pa ang mga bagang ang mga bagang nila na akala mo anumang oras ay bubulagta nalang isa man sa kanila. “Ms. Xenia, your brother is stable for now, but—” Pero napatigil siya at mataman akong tinitigan. Na tila sinusuri ang aking mukha na kung may ano siyang nakikita doon. “Doc an—ano po yun?” Kabadong tanong ko sa kanya. Nilukob ako ng matinding kaba at hindi ako mapakali sa kung anong sasabihin ni Doc. Rinig ko rin ang pagtanggal niya ng bara sa kanyang lalamunan. “Please be aware that your brother must remain in the hospital for a few days since he needs to undergo some additional tests.” Dumako ang tingin niya kay Adam na nakikinig lang. “Please po doc, gawin nyo po ang lahat gumaling lang po ang kapatid ko. Parang awa niyo na po.” Mahabang pakiusap ko sa kanya na parang pinipiga ang puso ko. Diyos ko saan kamay ng ko po kukunin ang pambayad ko sa ospital!” Inilipat na si Rowan, sa isang silid. Ni minsan hindi umalis si Rommel sa tabi ko. Ilang beses ko na siyang pinapauwi pero nag matigas siya. Ganun rin si Adam, naka nakaupo siya, sa upuan bakal, nakasandal at nakapikit ang mga mata niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi dumako sa gawi niya ang mga paningin. Gwapo parin siya kahit tulog. Tumabi ako kay Rowan hindi parin siya nagigising. Kinabukasan ramdam ko nalang ang kumot sa katawan ko. Iginala ko ang mga mata ko wala ng Adam at Rommel sa kwarto ni Rowan. Pagtingin ko sa aking pambisig na relo, mag ala sais na ng umaga. Nagtaka man ako sa kumot na bumalot sakin. Isinawalang bahala ko nalang yun. Ang mahalaga hindi ako nakaramdam ng ginaw. Nagpaalam ako sa isang nurse na uuwi muna ako, at kukuha ng gamit para sa akin at sa kapatid ko. Nangako akong babalik kaagad. Kukunin ko rin ang natitirang pera na binigay ni Adam sa akin. Malaki laki pa yun. Nang pumayag ang nurse agad akong sumakay sa pumaradang multicab papuntang Paseo. Pagbaba ko sumakay ako ng tricycle. Kailangan ko rin magmadali kasi naiwang mag isa si Rowan sa ospital. Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin, agad akong nag abot ng bayad sa kay kuya driver. Papasok sana ako ng bahay ng marinig ko ang masayang halakhak ng mga magulang ko na animo tumama sa lotto. Pagbukas ko ng pinto hawak na nila ang box ng sapatos na pinaglalagyan ko ng pera. “Inay! Akin na ho yang pera kailangan ko po yan! Nasa ospital po si Rowan” Hindi ko mapigilan hindi sumigaw. Nag angat siya ng tingin at masama akong tinitigan. “Anong iyo? Walang hiya ka may pera ka pala kakarapot lang inabot mo sa amin! Ang damot mo na ngayon! Wala akong pakialam sa sinto-sintong kapatid mo!” Sinugod ako ng inay ng sampal at sabunot ng buhok! “Inay tama na po masakit! Kailangan ko po yang perang iyan! Kailangan ni Rowan iyan” Giit kong sabi sa kanya kahit ramdam ko ang bakat ng palad niya sa aking mukha. “Xenia kulang pa yan napakasinungaling mong bata ka kahit kelan!” Halos lumabas ang ugat sa leeg niya. Pero nag pumilit ako, hindi ako papayag. Pilit kong kinukuha sa kamay ang box ng sapatos. Ngunit iniwas niya yun sa akin at isang sampal ulit ang binigay ng tatay sa akin. “Sige saktan niyo po ako! Titiisin ko pero nakaratay sa ospital si Rowan yan nalang ang inaasahan ko pambayad sa ospital at pambiling gamot niya!” Lumambong ng luha ang mga mata ko. Akala ko maawa sila sa akin o kay Rowan. Ngunit tumawa lang ang inay na tumalikod sa akin. “Inay!” Sabay hablot sa siko niya at nawalan siya ang balanse, sa bilis ng pangyayari tumama ang ulo ng inay sa mesita namin. “Carmen!Inay!” Bako pa ako makalapit sa inay isang suntok tumama sa sikmura ko. Namilipit ako sa sakit. Napaluhod ako halos panawan ako ng ulirat sa ubos lakas na suntok ng Itay sa akin. Nagdilim ang paningin ko, at nawalan ako ng malay. Pagmulat ko ng aking mga mata nasa isang pamilyar na silid ako. Hindi ko alam kong ilang oras akong nawalan ng malay. Napabalikwas ako ng bangon at umalis ng kama, hinanap ko ang sapin ng aking mga paa pero wala akong makita. Patingkayad akong lumapit sa pintuan at akmang aabutin ko ang seradura ng— “I think you need more rest!” Malamig na saad ni Adam. “Ay kwagong gwapo!” Naibulalas ko sa pagkagulat. Rinig ko ang bahagya niyang pag tawa. Mahina lang iyon pero sapat na para tumalon ang puso ko sa sobrang kaba. “I know Xenia! I know!” Naririnig ko ang yabag ng sapatos niya papalapit sa aking kinaroroonan. Halos tumigil ang paghinga ko, at walang kasing bilis ang aking puso sa pagpintig. “Ahm, kai—kailangan ko na hong umuwi sir!” Nauutal kong saad sa kanya. Tila minamaso ang puso ko. Ngunit hinarang niya ang kamay niya sa may pintuan sa taas ng ulo ko. Ramdam ko ang dibdib niya na tumatama sa aking likod. May kung ano akong naramdaman doon. Hindi man magkadikit ang katawan namin pero ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan niya. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko. “Why in a hurry Xenia?” Halos pabulong niya sabi, malapit sa tenga ko. Gusto kong perktusan ang sarili ko kasi nag wawala na naman ang aking sutil na puso. “Ahm ka—kasi po, walang bantay si Rowan sa ospital kailangan niya ako.” Hindi ko alam paano lumabas sa aking bibig ang mga katagang iyon. Nanunuyo ang lalamunan ko. Ganito ba ang epekto ni Sir Adam sa akin? Hindi ako makalingon sa kanya dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari. “I heard the first time you said it, Xenia! He's safe.” Puno ng paninigurado sa boses niya. Nakahinga ako ng maluwag pero kasabay noon ang lungkot at sakit na bumabalot sa isip at puso ko. Agad akong humarap sa kanya, niyakap siya ng sobrang higpit, at humagulgol. Ramdam ko ang pagyakap niya sa akin at paglapat ng mga labi niya sa taas ng ulo ko... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD