CHAPTER 7

1670 Words
Nagising si Mardy na pupungas-pungas sa kama. Sa sobrang lakas ng tunog ng kanyang cellphone ay nakulili na siya sa tenga. Ilang oras pa lang ang tulog niya at gusto niyang sulitin ang araw na ito dahil ngayon lang siya makakapagpahinga. Umaga na din siya halos nakauwi dahil ilang booking ang pinuntahan niya kahapon.May pageant kasi sa kapit bahay nilang baranggay kay sobrang puno ang kanyang schedule. Level up na kasi siya at marami na siyang customer. Mag iisang buwan na rin na halos ganito.Hindi nga niya alam kung saan nanggaling ang iba niyang kliyente na dati ay iilan lang naman. Napapansin niya rin na mula nang pumunta siya sa resorts dalawang linggo na ang nakakalipas ay doon nagsimula ang lahat. Iniisip nalang ni Mardy na baka nagustuhan ng kliyente niya ang kanyang trabaho at nirecommenda siya sa iba. Nang makuha ang kanyang cellphone na nasa loob ng kanyang bag ay agad niyang pinindot ang answer button. Ni hindi siya tumingin kung sino ang caller. "Hello?" wala sa sariling sambit ni Mardy na nakapikit ang isang mata. "Hi." Ang malamig at baritonong boses ng caller ang tuluyang nagpagising kay Mardy. Tila pamilyar sa kanya ang boses nito pero ayaw niyang pakaisipin na baka ito nga. Imposible naman kasi! "S-sino ka?" bigla siyang nautal sa pagtatanong. "Gunter. Gunter Santibañes. Does it ring a bell?" tila may pang uuyam nitong sagot na ipinagtataka niya.Para kasing may iba itong ibig sabihin. Nagtataka talaga siya sa tuwing kausap niya ito dahil parang may lihim na galit sa kanya. Syempre, hindi naman ganon kadaling kalimutan ang mukha ng lalaking ito. Hindi din naman ganoon katagal na hindi niya ito nakita dahil nagkita pa niya ito sa resort. "Ano na naman ang kailangan mo?"nakapamewang niyang tanong. "I want us to meet again."seryoso nitong sabi na nagpakunoy ng kanyang noo. Narinig pa niya ang pagtikhin nito sa kabilang linya. Pati paghinga ng lalaki ay klaro at rinig niya. "Busy ako." agad na sabi niya. Gusto na niyang ibaba ang telepono dahil ayaw na niyang itong makausap. Ang totoo ay mula nang makita ni Mardy ang lalaki ay may napapanaginipan na siyang kakaiba na wala naman dati. Noong isang gabi nga ay may nakita siyang bulto ng lalaki sa panaginip. At halos panawan siya ng bait ng makilala ang lalaking iyon. "I could wait." tila walang anumang sambit nito. Na parang sinasabi nitong wala na siyang choice. "Hanggang gabi ay may kliyente ako. Atsaka tapatin mo nga ako, ano ba talaga ang kailangan mo sakin?" kahit wala ito sa kanyang harapan ay naningkit ang mata ni Mardy sa kawalan. Hindi naman siya isang libo't tanga na hindi magtataka kung bakit tila may gusto itong malaman tungkol sa kanya. Nagsimula iyon noong nagpahula ang nanay nito sa palengke. Sadyang pinipilit niya ang sarili na balewalain dahil sa hindi malamang dahilan. Akala niya noong una ay may gusto ito sa kanya ngunit agad niyang kinundina ang sarili nang makita kung gaano katayog ang estado nito sa buhay. Oo, maganda siya. maraming nagsasabing maganda siya ngunit sa tipo ni gunter ay normal nalang ang kagandahang meron siya. Kumbaga pag looban lang ang beauty niya, ganurn. Narinig niya ang malalim na pagbuntonghinga nito. Wari'y nauubusan na nang pasensya sa kanya. "Alright. I don't want to talk about this over the phone but, okay...I have a proposal for you." Mas lalong nahulig si Mardy sa malalim na pag iisip. Andaming paligoy-ligoy ng kutong lupang ito. "Proposal?" "Yes. A proposal that you dont want to refuse." saad nito sa mayabang na tono. Ayaw na sana niyang itanong ngunit hindi niya alam kung bakit biglang bumangon ang kanyang kyuryusidad. "A-anong ibig mong sabihin?" "I want you to be my son's babysitter." walang ligoy nitong sambit sanhi nang pagkalaglag ng panga ni Mardy. "Teka, anong sabi mo?" nagbabakasali siya na baka namali lang ng pagkakarinig. "Gusto kitang kuning yaya ng anak ko." mas klarong turan nito. Nahilo yata si Mardy dahil sa sinabi ng kausap. Hindi niya maatim isipin na magbabantay siya ng bata. Ni sarili nga niya ay nakakalimutan niya minsan. Marami siyang bayarin at wala siyang panahon sa kalokohan ng lalaking ito. Mukha kasing mas bangag pa ito kesa sa kanya. At sa isang banda, aaminin niyang medyo nagulat siya ng malamang may anak na pala ito. "Alam mo Mr.Santibañes, kesa ako pala ang ginugulo mo ay maghanap ka na lang ng magiging yaya ng anak mo dahil hindi ako pwede. " sa isip niya ay sana natulog nalang siya kesa nakipag-usap pa sa lalaki. Akmang ibababa na niya ang phone ng bigla itong magsalita. "One hundred thousand a month." seryoso at walang bahid na pagbibiro nitong sabi. Literal na napanganga si Mardy! One hundred thousand?? "Plus five thousand weekly allowance. Libre lahat." dagdag pa ng lalaki kaya nanlaki ang mata ni Mardy. "Linawin mo nga, sigurado ka bang bata ang aalagaan?" sa laki ng sahod ay baka mag aalaga pala siya ng dinosaur! "A FIVE YEARS OLD BOY." His voice sound so deep. Nakahinga naman siya ng maluwag. Sandali siyang nag isip ngunit ang hirap mag desisyon ng ora-orada. Paano na ang trabaho niya? "So, are you in?" "T-teka pwede bang pag isipan muna?" kasi naman, hindi biro ang mag alaga ng bata kaya dapat niyang pakaisipin kung kakayanin ba niya. "Fine. I'll give you three days to think about it." turan nito. Wala sa sariling kiniskis ni Mardy ang palad sa damit. Namamawis na kasi ang kanyang palad dahilan ng proposal ni Gunter. Tingin niya ay kunting-kunti nalang ay mapapasubo na siyang talaga. "Sige. ako mismo ang tatawag sayo kapag nakapag desisyon na ako. At kung ano ang magiging desisyon ko sana ay tanggapin mo." seryoso din niyang sambit sa lalaki. Feeling kasi ni Mardy ay hindi niya kayang magbiro sa mga oras na iyon. Sabagay, pagdating sa taong ito ay hindi tumatalab ang mga biro niya. Tingin nga niya ay naiinis ito sa tuwing nag uusap sila kaya malaking katanungan sa kanya kung bakit siya nitong kukuning yaya ng anak nito. Gusto niya sanang itanong kung nasaan ang nanay ng bata ngunit baka masupladuhan na naman siya at sabihing tsismosa masyado. "Well.. Let's see." sagot lang ng lalaki sa kabilang linya. Nang matapos ang tawag ay patihaya siyang humiga sa kama. Ngayon lang din niya naalala kung paano nakuha ni Gunter ang kanyang numero sa mobile phone. At parang mas sasakit ang ulo niya kung pati iyon ay dadagdag pa sa iisipin niya. Nakatitig lang siya sa kisame at nag iisip kung ano ang susunod na hakbang. Kung tutuusin ay pwede niyang hindi tanggapin, kaya niyang magtrabaho at kumayod dahil sa tatlong taon na gumising siya mula sa aksidente ay wala siyang ginawa kundi magtrabaho upang masuklian lahat ng sakripisyo ng kanyang lola. Na ayon dito, ay ito na ang tumayong magulang niya mula pagkabata. Mga ilang minuto din siyang tulala bago niya narinig ang isang boses mula sa labas ng kanilang bahay. Base sa boses ay kilala niya ang taong nasa labas. "Lianna." kasunod ay pagkatok ng pinto niya kaya agad siyang bumangon sa kinahihigaan. At dahil hindi naman pangmayaman ang bahay niya ay tao agad ang bumungad kay Mardy pagkabukas niya ng pinto. Ang nakangiting mukha ni Gino ang bumungad sa kanya. May dala na naman itong bulaklak. Kung tutusin ay gwapo naman talaga si Gino at mayaman pa ha. Ngunit hindi niya alam kung bakit malayo ang bituka niya dito. Pati sa ibang lalaki ay ganon din. Lalapit o magpapalipad hangin palang ang mga ito ay nakakaramdam agad siya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Na wari'y may bumubulong sa kanya na hindi pwede, na parang bawal. "Gino.." tumakas ang pekeng ngiti sa mga labi ni Mardy. "Kamusta kana? Pasensya ka na at ngayon lang ako nakadalaw medyo naging busy ako sa negosyo ng pamilya ko." turan ni Gino kahit hindi naman siya nagtatanong. Binigay nito sa kanya ang dalang bulaklak at mabini naman siyang nagpasalamat. Gusto niya sanang sabihin na nakalimutan na nga niya ang lalaki kung hindi pa ito nagpunta sa bahay niya. Buti nalang ay nagawa pang magpigil ni Mardy. "Okay lang, busy din naman ako. Napadalaw ka?" "Gusto ko lang sanang magtanong kung may sagot ka na ba sa pinagtapat ko. Its been a months Lianna, I came here to ask the same question again." anito habang titig na titig sa mata niya. Bahagya tuloy siyang napangiwi dahil ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya ang pinagtapat nitong pag ibig kuno. "Gino.. Ang totoo ay wala parin akong sagot. Tulad ng sabi ko noong una ay wala pa akong balak na pumasok sa isang relasyon." "Pero Lianna, alam mo naman na kaya kong hintayin ka diba? Kahit gaano katagal." Napakamot ng ulo si Mardy at akmang sasagot ng biglang tumunog ng malakas ang cellphone niya sa loob ng bahay. Parehas silang napalingon ni Gino sa pinto ng bahay niya dahil nasa deskanso lang naman sila nakaupo sa tapat ng pintuan. "T-teka lang Gino ha, excuse me.." Tumayo si Mardy at pumasok sa loob para tingnan kung sino ang caller. Hindi niya pwedeng balewalain dahil baka isa iyon sa kanyang kliyente. Ngunit labis ang pagtataka niya ng makita ang kaparehas na numerong tumawag sa kanya kanina. Ayaw na nga sana niyang sagutin ngunit nauna na ang daliri niyang mag swipe ng answer button. "Who's with you?" Hindi siya sigurado pero parang galit o naiirita ang boses nito. "Ha?" nagugulat niyang tanong. "Sinong kasama mo? Can you just answer me?" pag uulit nito sa ganon paring tono. "Bakit nga?" aniya ng nakabawi nakataas na din ang kilay niyang sambit sa lalaki. Aba't anong pakialam nito sa buhay niya? At isa pa bakit nito alam na may kasama siya? Nahihiwagaan na talaga siya sa kilos ng Gunter Santibañes na 'to. May sa CCTV ang radar! Matagal bago ito sumagot ngunit naririnig niya ang mabilis nitong paghinga. Pati nagtatagis nitong ngipin ay hindi nakaligtas sa pandinig niya. "JUST SEND HIM AWAY, NOW." then the call ended just like that. Naiwan tuloy si Mardy na nagtataka at naguguluhan. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD