Kasama ang ina ni Gunter na si Tita Lisa ay pumunta na sila sa school ni Harry. Kabababa lang nila sa sasakyan pero pinagtitinginan na sila ng mga tao. Marami pa namang mga magulang ang nandon dahil nga pang family ang event na iyon. May pa T-shirt pa talaga silang tatlo na kulay red. Bigay ni tita Lisa na hindi niya malaman kung kailan pa nito pina-print dahil may nakasulat na mommy, daddy at baby sa likod. Isa lang naman sana itong simpleng activity sa school pero dahil hindi basta-basta ang mga Santibañez ay nagmukha itong mga celebrity. Lalo na si Gunter na kahit simpleng T-shirt at pantalon ang suot ay nakakaakit paring tingnan. Tindig palang kasi ng lalaki ay maglalaway na ang mga babae. Samantalang siya ay kulang nalang manliit sa sarili dahil hindi naman siya dapat ang nandito.

