Kabadong nagpabalik-balik si Mardy sa paglalakad mula sa sala hanggang sa kusina ng condi ni Gunter. Umalis ang lalaki dahil ngayon nito susunduin si Harry na kasama pala sa pag uwi ng kapatid nitong si Miguel. Hindi pa niya kailanman nakita ang kapatid nito pero naririnig niya ang lalaking minsan ay kausap ito sa telepono. Gusto niya sanang sumama sa lalaki kanina sa airport pero hindi niya maintindihan ang sarili. Nasusuka siya sa kaba at wari'y excited. Para bang tunay na anak niya si Harry sa klase ng excitement na nararamdaman niya. Sa huli ay siya rin ang nagdesisyon na hindi nalang sumama at hintayin nalang ang mga ito sa condo. Mga dalawang oras na yata ang lumipas mula ng umalis si Gunter kaya hindi siya mapakali. Sinigurado niyang malinis ang buong bahay at walang kahit isa

