Feeling ni Mardy ay matutumba siya sa kinatatayuan. Hindi parin siya nakakalabas ng kwarto dahil sa sobrang kabiglaan. Tila ilang segundo ring huminto ang kanyang paghinga dahil sa sinabi ni Gunter. Bata? Baby ang gusto nitong regalo na parang nagpapabili lang ito ng manika sa kanya! Napailing siya at inayos ang nagulong damit. Nakasuot pala siya ng maxi dress na medyo conservative parin pero bumagay sa kanya..Unti-unti na rin siyang nagsusuot ng medyo sexy na damit pero kapag lang mag isa siya o wala si Gunter sa bahay. Pati buhok ay inulit niyang sinuklay bago nagdesisyong lumabas. Nakakahiya naman sa mag-asawa dahil ito pa naman ang nag effort na magpunta. Mababaliw yata siya sa regalong gusto ni Gunter. Parang sa isang iglap ay pwedeng siyang manganak! Mas madali nga sigurong gumaw

