"Mrs. Magnaye, push... Okay, relax. At the count of three push again. One, two, three, push." saad nang pawisang doctor. Mukhang nahirapan ito sa pagpapalabas ng anak ni Laine. "Ano, Iho? Wala pa ba ang apo ko?" tanong ni Joel na sinegundahan naman ni Ferdinand nang makarating sa ospital. "Oo nga. Hindi pa ba lumalabas?" agad namang napatingala ang kaaw-awang binata. Ilang oras din kasing naglabor si Laine at hindi nakatulog si Arch sa pag-aalalang baka mapaanak ito. Sa kamalas-malasang pagkakataon pa ay ibang doktor ang magha-handle kay Laine dahil may appointment sa ibang ospital ang doktor nito. Saktong sasagot na si Arch nang biglang may lumabas na isang hindi katangkarang binata mula sa delivery room. Katamtaman ang taas na halos matangkaran ni Arch. May dimple ito sa kaliwang pisn

