"I'm sorry, Laine. My heart got confused. I thought that this feeling I have is for you... But... I was wrong." walang buhay ang tono ng pagsasalita ni Arch. Hindi matantiya ni Laine kung nagsasabi ba ito ng totoo o prank lang. Ang kanina pa niya pinipigilang luha ay biglang bumuhos kasabay nang pagpatak ng ulan sa labas ng bahay nila. Kasalukuyang nakaupo si Laine nang dumating si Arch. Lubog ang mga mata nito at tila lasing. "No. You're not confused. I know that you love me. You told me that you love me. I don't deserve this Arch. I don't!" patuloy ang paghagulgol at pinaghahampas niya ang malapad na dibdib ng binata. Mayamaya pa ay naramdaman niyang may humawak sa braso niya at tila malayo ang tinig na tinatawag siya. "Honey Pie? Laine?" patuloy na tawag nito sa kanya. Nagpalinga-lin

