Sumilay ang ngiti sa labi ni Arch nang mabungaran ng kanyang mga mata ang mahimbing na natutulog na kambal sa crib na sina Chase at Chain pagpasok niya sa kwarto ng mga ito. Walang pagsidlan ang galak sa puso niya na mayroon siyang isang malaki, buo at masayang pamilya na ibiniyaya sa kanila ni Laine. Habang pinagmamasdan niya ang mga ito ay hindi niya napigilang halikan ang mga ito sa noo. Nakakunot-noo siya nang hindi niya mahagip ng kanyang mga mata an ina ng mga bata. Ang butihin niyang asawang si Laine. Inilibot niya angg kanyang paningin sa buong kwarto ngunit wala ito. Wala rin ito sa kwarto nilang mag-asawa. “Nasa’n kaya si Honey pie?” bulong niya sa sarili. Nang mahimbing pa rin ang tulog ng kambal ay iniwan niya ito para hanapin si Laine. Paglabas niya ng kwarto ay siya namang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


