Chapter 41 – Planning? Fighting?

1428 Words

Lulan ng sasakyan ni Arch ay tahimik lang sila ni Laine. Sinundo siya ni Arch para sa dinner. Kasunod naman ng sasakyan nila sina Oli at Joel. Sa isang private room ng Japanese resto na inarkila ni Arch sila magdi-dinner para pag-usapan na ang kasal. Nauna naman na sina Martha at Ferdinand dahil sila ang nag-asikaso sa venue. Tahimik lang sila sa buong byahe. Walang nagtangkang magbuka ng bibig kahit isa. Nang makarating sila sa venue ay agad na nagtungo sila sa kwarto at kasunod nila ang mga magulang ni Laine na pumasok. "My parents, Mrs. Martha Alfonso and Mr. Ferdinand Alfonso." pakilala ni Arch sa magulang niya habang nakalahad ang palad nito sa mag-asawa. Agad namang bumeso si Martha at inakbayan naman ni Ferdinand si Joel. "Balae. You look gorgeous!" saad ni Martha. Kahit kailan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD