Matapos ang paglilinaw ni Manuel sa relasyon nila ni Lianne ay gusto naman niyang linawin ang nagawa niyang kasalanan kay Jewel. Pero naubos ang free time niya kay Lianne. Kahit paano ay nagkaayos sila at nagkalinawan na. Agad na nagtungo si Manuel sa meeting niya. At sunod-sunod na appointment. Hindi naman maka-move on sa nangyari si Jewel. Kanina pa ito tulala sa monitor ng computer niya simula nang bumalik siya sa desk niya matapos ang naganap sa kanila ni Manuel. Kanina pa nagkukwento si Kulas sa kanya pero wala rito ang atensyon niya. "Mr. Manuel Alfonso?" may pagka-gulat na sambit ni Kulas habang agad na napatayo sa kinauupuan. Agad namang napalingon sa pinto si Jewel nang marinig ang pangalang iyon. "Tss. Sinasabi ko na nga ba. Siya na naman ang iniisip mo. Gusto mo ba na ipatawa

