"Bakit ganyan ka makatingin? Gwapong-gwapo ka na naman sa 'kin no?" natatawang saad ni Kulas para maalis ang ilangan sa isa't isa habang papunta sa kotse. "Tss. Ang lakas ng hangin. Mukhang babagyo yata. Ikaw kaya. Anong gorgeous pinagsasabi mo kay Mommy?" pang-aasar niya kay Kulas. Tila naalis na ang ilang niya rito. As usual inalalayan siya nito sa sasakyan. Ipinagbukas siya nito ng pinto ng kotse. Iniharang ang palad para hindi mauntog sa pag-upo sa unahan. "Thanks." tipid na sagot niya. Akala niya ay naalis na ang ilang niya pero hindi pa pala. Halos ilang minuto rin silang walang imikan. Nang makarating sa venue ay in-assist sila ng hotel valet para i-park ang sasakyan nila. Mula sa pagpasok sa hotel hanggang makarating ng venue ay naka-angkla ang braso niya sa binata. Sa loob ng h

