Lingid sa kaalaman ni Jewel na may mga matang nakatingin sa kanya. Lalo na ang mga Ginang na mukhang interesado sa date niya. Hindi pa rin maalis ang mga titig ng mga ito sa binatang nasa table 26. Hindi naman mapakali si Jewel. Naiinis na siya sa nangyayari. Oo nga at may ka-date siya pero sa iba naman ito nakatingin. "Ano ba ang tingin ng isang ito sa 'kin? Flower base?" inis na sambit niya. Paano'y matapos ibigay ang bouquet ng flowers ay para na itong sinisilihan sa pwet niya. Kanina pa palinga-linga at nang mai-spot-tan ang hinahanap ay hindi na maalis ang titig nito roon. Nagsimula na ang kainan ay ganoon pa rin ang estado nila. Isang sulyap sa kanya at isang ngiti pagkatapos ay sa iba na ito nakatingin. "My gosh... I'm getting irritated." gigil na saad ng isip niya. Kung puwede la

