Chapter 5 – Never Mind

1326 Words
"Hey pansinin mo naman ako. Isang linggo mo na akong hindi kinakausap." pagsusumamo ni Kulas sa kaibigan pero tila wala itong naririnig. "Sige na naman o." saka siya hinarap ng dalaga. At tiningnan nang masama. Pagkatapos ay tumalikod lang itong muli sa kanya. Minsan talaga napakahirap suyuin ng kaibigan niya. Pero minsan naman pagkadali-dali. "Ms. Magnaye from the legal department right?" tanong ni Angel sa Boss niya. "Yes." pagkasagot nito ay agad na tumango si Angel at saka lumabas ng opisina ng Boss niya at pumunta sa legal department. "You're Ms. Magnaye, right?" bungad ni Angel nang pumasok ito sa opisina ni Kulas at Jewel. Sa table ito ni Jewel dumeretso. Kumunot naman ang noo ng dalaga. Iniisip kung saan niya nakita ang magandang babaeng nasa harapan niya. Pero mas maganda siya saad ng isip niya. "Uhm. Yes. Why?" hindi na niya napigilan pang tanungin ang kaharap. Nakatingin naman si Kulas sa kanila. Natatandaan niya ang babaeng ito. Nang tingnan nito si Jewel mula ulo hanggang paa ay nailang siya. Never pang may tumingin sa kanya nang ganyan. Maliban kay Kulas. Pero alam niyang nang-aasar lang ang kaibigan kaya siya nito tinitingnan ng ganoon. Pero iba ang isang ito. "Mr. Alfonso said that you need to proceed to his office now." lumapad ang mga tainga niya sa narinig. "Totoo nga bang si Manuel my honey pie ang nagpapatawag sa akin?" alam niyang sinambit niya lamang ito sa sarili niya. Hindi niya napansin na napalakas pala kaya naman napanguso si Kulas at nag-react naman si Angel. "S-sino Honey Pie?" pag-uulit ni Angel. "A... e... W-wala. I mean yung pie kasi nilalagyan ko ng honey. Masarap ‘yon. Try mo minsan." saad niya na bahagya pang pinamulahan. Napataas na lamang ang kilay ni Angel sa ka-weirduhan ng kausap. Napakamot naman si Jewel sa sariling ilong kunwa'y makati pero iniiiwas niya lang ang sarili dahil alam niyang namula siya sa nasabi niya. "Ah... Okay. Shall we go?" Angel asked while Jewel is still puzzled about why the CEO asked her to come to his office. "Could it be that... Is it because of... Maybe he's gonna asked me to marry him." napabungisngis siya sa naisip. Para siyang sira sa kung anong pumasok sa isip niya. Hindi niya mapigilan ang sarili at para bang kinikiliti siya sa idea na pumasok sa isipan niya. "Ms. Magnaye?" tawag ni Angel nang mapatapat sa opisina ni Manuel. "Ms. Magnaye!" hindi na napigilan pang tumaas ang boses sa kaharap. Napitlag si Jewel at napatalon ang puso niya sa pagkabigla. Hinarap ang kausap. Ayaw lang sabihin ni Angel pero naiinis siya sa kaharap. Kanina pa kasi lumilipad ang isip nito. "Pss." sabay irap kay Jewel. "We're here." saad niya. Sabay katok sa pinto. Agad naman silang pumasok matapos kumatok dahil ine-expect na sila ni Manuel sa loob. "Mr. Alfonso, Ms. Magnaye from legal department." sabay lahad ng palad sa dalaga para maipakita lamang na ito na nga ang hinahanap ng Boss niya. "Thank you. You may leave." pagkasabi ni Manuel ay muling umirap si Angel sa dalaga saka lumabas ng opisina. Hindi niya alam sa sarili niya pero mainit ang dugo niya sa babaeng clumsy na ito. Hindi naman maintindihan ni Jewel kung ano ang ikinaiinis nito sa kanya. Hindi naman na niya kailangan pang tanungin pero kitang-kita sa reaction nito na hindi siya nito gusto. "You may sitdown, Ms. Magnaye." hindi halos makakilos si Jewel dahil tila musika sa kanyang pandinig ang malalim na boses ng lalaki. Tila napakasarap pakinggan. Iginiya naman ng palad ni Manuel sa sofa ang dalaga para maupo dahil tila wala ito sa sarili. "I don't think you're in your right mind today. Should I meet you some other time?" saad ng malalim na boses nito. "Ms. Jewel Laine Pili Magnaye." agad siyang napitlag at napasara ang kanina'y nakaawang na labi. Tila bumalik na siya sa ulirat. "As much as I want your stare, please stop. Because if you don’t, I might do something to you." seryosong saad ng binata. Nanlaki ang mga mata ni Jewel sa narinig pero hindi niya ipinahalata. "Ano raw?" bulong niya. Hindi niya ma-absorb ang sinabi ni Manuel. O sabihin na nating siyang makaaniwala sa narinig. "Okay, let me get it straight. Don't look at me as if you're going to eat me." nakangising saad ng binata. “Pero bakit parang iba ang naisip niya sa sinabing iyon ni Manuel?” napapaisip talaga siya sa naririnig niya rito ngayon. "Ano raw ulit?" napataas ang kilay niya. Hindi niya akalaing ang lalaking akala niya noon ay gentleman at seryosong tao ay ganito pala sa personal. "I-I'm sorry, Mr. Alfonso?" saad niya nang tumayo siya at ilagay sa baywang ang mga kamay. "There. I thought we're gonna play some staring contest in here. So are you awake now from your deep sleep?" halakhak nito. "I'm sorry?" hindi pa rin siya makapaniwala. May pagkamakulit pala ang isang ito. "Okay. I'm sorry sa mga sinabi ko." saad ni Manuel saka sumeryosong muli nang tingin. "I would like to sincerely apologize for my actions last week. I know you're in a hurry and your intent to buy a new suit is genuine." dagdag pa nito. "I'm just not used to getting things from anyone. But I would like to invite you to dinner. Maybe?" seryoso pa rin ang mukha nito pero mukhang sincere naman ang invitation. For the nth time ay napaawang na naman ang mga labi ng dalaga. So much for today. Hindi na niya kinakaya ang mga naririnig niya from him. Magkahalong kilig at kaba ang nararamdaman niya dahil sa kaharap. Ang lalaking pinapangarap niya. Ever since she entered the company ay wala na siyang ibang hiniling pa kung hindi ay ang mapansin ni Manuel. "So… Are you… available tonight?" saad nito. Sasagot na sana siya nang may narinig siyang pumitik sa tagiliran ng kanyang tainga. Agad siyang nakapabalikwas. "Princess Jewel... Yohoo!" dinig niyang kasunod ng mga pitik na iyon. "Tss. Ano ba naman Kulas! Panira ka ng moment e." sambit niyang may pagkadismaya. Napasapo na lang siya sa noo. "Pa’no naman kasi ay tinulugan mo ‘ko. Hindi ka ba nakatulog nang maayos? Kung hindi ka pa nakatulog ngayon ay hindi mo pa ako kakausapin." saad ng nakangising si Kulas. "Hmp..." inis na inirapan niyang muli si Kulas saka tumayo para pumunta sa washroom. Napatawa na lang si Kulas. Narinig niya kasi kung sino ang nasa panaginip ng kaibigan. At intention niya talagang sirain ang pantasya nito. Nagsasalita kasi ang dalaga kapag nananaginip. Wala itong pag-asa sa lalaking iyon. Lalo na at may nalaman siya tungkol sa dati nitong partner. Ayaw niyang masaktan si Jewel at ayaw niyang tuluyan itong mahulog dito. Halos ilang minuto rin itong nawala bago muling bumalik sa desk nito. Pagkatapos ay hinarap ang tambak na tabaho. Hindi na pinilit pa ni Kulas na pansinin siya ni Jewel. Alam niyang inis ito sa kanya dahil sinira niya ang magandang panaginip nito. Makalipas ang buong araw na pagtatrabaho nila ay natapos din ang tambak na files. Naunang nagligpit ng gamit si Jewel at lumabas ng office. Paglabas niya ay nakasalubong niya ang babaeng nakaaway nila sa kalsada noong nakaraang linggo. Pero mukhang hindi naman siya napansin nito at nilampasan lang siya. "Okay." saad niya sa isip pagkatapos ay lumakad na palabas. Kasunod naman niya si Kulas. Kahit ayaw niyang makasabay itong umuwi ay no choice siya. Nangako ito sa mga magulang niya na araw-araw ay safe siyang ihahatid nito sa kanilang bahay. Halos nagtagal pa ang tampo niya pero hindi niya rin ito natiis. Sa araw-araw na pangungulit nito sa kanya at pag-spoil sa mga gusto niya ay kinausap na rin niya ito. "I knew it. Alam kong hindi mo ‘ko matitiis. Love you, Bff." abot-taingang ngiti ni Kulas nang iabot ang mango shake sa dalaga. "Nako kung hindi mo lang inaraw-araw ang pagbili ng paborito kong mango shake ay baka forever na kitang hindi pinansin." sambit nito na nakataas pa ang kilay. "Asus. If I know ay gustong-gusto mo naman." saad nito sabay kindat sa dalaga. "Oo naman. Sarap kaya nito." sabay taas ng mango shake na iniinom niya. Matapos ihatid ang dalaga ay umuwi na ang binata sa kanila na masaya dahil bati na sila ng bestfriend niya.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD