Chapter 3 – Curly meets Straight

1646 Words
Hindi natiis ni Lizette ang kaibigan. Sinamahan niya itong umuwi ng Pilipinas. Tapos na naman ang mga kasong hawak niya at nakapagpaalam naman siya nang maayos sa pinagtatrabahuhan niya kaya pinayagan siyang umuwi sa bansa nila. "Ang init talaga dito sa 'tin. Kaya ayaw kong bumalik dito e." reklamo ni Lizette sa kaibigan sabay punas ng pawis sa noo niya gamit ang braso. Matagal na rin nang tumuntong siya sa lupang sinilangan. "Arte much, Beshy? Love your country. And isa pa ay be proud dahil nakabalik ka sa bansang sinilangan. Marami kayang ofw ang gustong-gustong umuwi sa bansa natin pero hindi makauwi. Kaya be thankful." she rolled her eyes dahil sa inaakto ng kaibigan habang nakatingin sa salamin at hinahawi ang straight black hair niya. "Tsaka hindi ba puwedeng panyo ang gamitin mo? You’re so gross! Bakit ba kasi pawis na pawis ka e may AC naman." natatawang saad pa ni Lianne. Wala man lang ka-class-class magpunas ng pawis. Although alam niyang pawisin talaga ito noon pa man ay malimit niya pa ring alaskahin ang kaibigan. Nang dumating ang grab car nila ay saka sila lumabas ng airport at nagpunta sa bay kung saan naghihintay ang driver. Hindi na nagpasundo pa si Lianne sa parents niya. Sa condo naman siya titira na nabili niya noon. Mahaba-haba rin ang biyahe nila nang makarating sa lugar na pupuntahan. Mukhang mag-stay siya nang matagal-tagal doon. "Oh my gosh, Manong!!! Stop the car!" halos lumabas ang laman loob ni Lianne sa kaba nang makitang makaka-bunggo sila ng tao. Tarantang huminto naman ang grab car driver at agad na bumaba ng sasakyan. Ganoon din naman ang ginawa ng magkaibigan. "Hindi ba kayo marunong mag-drive?!" angil ni Jewel. "Excuse me, Miss. Ikaw ang tumatawid nang hindi natingin sa dinaraanan mo." sabad naman ni Lizette. "Bakit kasi sa kalsada pa naglalandian." bulong ni Lizette pero napalakas nang dahil sa tensyong nararamdaman. Kung bakit ba naman kasi hindi napansin ni Manong na may tatawid. "Sinong naglalandian? What are you saying? Kami na nga ang muntik niyong masagasaan ay kami pa ang may kasalanan?" buong tindig na saad ni Jewel. Tila natulala naman si Kulas nang dahil sa pagkagulat. Akala niya ay madidisgrasya na sila ni Jewel. Paminsan ay ganoon ang reaction ni Kulas kapag nabibigla pero agad naman itong nakabawi nang pagkagulat. "We're sorry, Ms. Hindi rin namin napansin na naka-yellow pa pala ang signal light." paumanhin ni Kulas acting gentleman na naman sa harap ng mga chicks. "Anong we're sorry? Wala tayong kasalanan. According to the law, every driver has to stop at a yellow light unless he or she is too close to the intersection to stop safely. It's not our fault!" giit ni Jewel. Lumabas na naman ang pagka-lawyer niya sa mga ganitong situation. "We know that. But you supposed to look left and right to secure your safety. But no. You two were busy walking while holding hands like lovers walking in the moon." saad ni Lizette. Nakita kasi niya na magka-holding hands pa ang mga ito habang naglalakad. Not really holding hands talaga dahil si Kulas lang ang nakahawak dito para alalayan ang dalaga. Medyo may pagka-bitter lang siya ro’n sa linyang ‘yon pero may punto siya. Agad namang inalis ni Kulas ang pagkakahawak kay Jewel. Ganoon kasi sila. Nasanay rin kasi si Kulas na hawakan ang kamay ni Jewel lalo na kung tatawid ng kalsada. And that helps dahil madalas na malapit sa aksidente si Jewel. May pagka-clumsy rin naman kasi itong kaibigan ni Kulas. "Mister and Misis, kung puwede po sana while crossing the street ay ‘wag muna kayong mag PDA and wait until the lights are green or better yet look at your left and your right." hindi na napigilan pang sambit ni Lianne. Pagod na rin kasi siya sa biyahe pagkatapos ay may ganito pang aksidente. "And excuse me naman sayo, Miss no? First, hindi ako Misis. Second, hindi kami nagp-PDA. And third ay hindi ko siya asawa at lalong hindi ko siya boyfriend. So please watch your word. And according to Law, that's oral defamation." naiirita na talaga si Jewel. Isinuksok niya sa tainga ang curly long hair niya. Laking pasasalamat niya talaga at may alam siya sa law kung hindi ay baka abusuhin siya ng mga taong katulad nang kausap niya ngayon. "Okay then. Hindi mo pala siya partner so why hold his hands. And isa pa hindi kita ina-accused. That's what my bare eyes see. So what do you want us to do? Can we leave now? Wala namang nasaktan at safe naman kayo ng kasama mo na hindi mo asawa at hindi mo rin boyfriend." and those words hit her boiling point.  Pilit siyang kinakalabit ni Kulas dahil alam niyang these girls were going overboard and any moment Jewel will explode. Agad niya itong binulungan. "Best, tara na. We're getting late. Baka hanapin na tayo sa office." laking pasasalamat ni Kulas dahil nakikinig si Jewel sa kanya kahit na minsan ay talagang madali itong madala sa situation. “Mga Miss, pasensya na talaga kayo. Let's just leave it like that for now. But I highly suggest na i-guide niyo ang driver sa daan para walang ganitong incident." irap lang ang isinukli nang mataray na si Lizette. Kahit kailan talaga mainit ang dugo nito sa mga lalaki pero mas mainit ang dugo niya ngayon sa babaeng puro law ang sinabi sa usapan nila. Well, hindi naman kailangan banggitin ang mga ‘yon dahil alam din naman niya ang mga iyon. "Let's go Lianne." hawak nito sa kaibigan. Nauna nang sumakay ang driver na hindi na nakasabat kahit paghingi nang paumanhin sa muntik na masagasaang tao dahil sa mainit na sitwasyon kanina. "Nako talaga, Beshy. Bakit may mga ganoong tao. Hindi naman pala sila couple kung makapagholding hands in public. Tss." mataas pa rin ang dugong sambit ni Lizette. Tila hindi pa rin nakamo-move on sa naka-engkwentro kanina. "Wait lang, Beshy. Galit ka ba dahil muntik na tayong makasagasa o dahil may nakita kang couple na nagho-holding hands?" hindi mapigilang tawa ang kumawala sa kanya. Naiiling pa sa kaibigan habang tumatawa. "E hindi nga sila couple." giit nito. "So bakit galit na galit ka?" sa halip na sumagot ay umirap na lang ito sa kanya. Ayaw na niyang makipagtalo pa at baka ito naman ang makagalit niya. "Hmp." hindi na pinansin ni Lizette ang best friend niya. Nang makarating sa condo ay agad na ibinagsak ni Lianne ang pagod niyang katawan sa sofa. At ganoon din naman si Lizette. "Pero aminin mo. Ang cute nila together no?" basag ni Lianne sa katahimikan. "The who?" kunot ang noo na napapaisip kung sino ang tinutukoy ng kaibigan.  "Sino pa e ‘di ‘yong couple kanina. At ang ganda nung girl." hindi alam ni Lianne kung bakit hindi mawala sa isipan niya ang mukha ng babae kanina. Para bang nakita na niya ito dati pero hindi niya maalala kung saan at kailan. "Hindi nga raw sila couple. Ang kulit mo rin e no?" patagilid itong humarap kay Lianne. Naiirita pa rin siyang isipin na magka-holding hands ang hindi couple. It’s not normal at all. "Hindi na kung hindi pero ang pretty ni Ate girl." sagot ni Lianne habang nakatitig sa kisame. "Enough of that couple na hindi couple. What's your plan?" seryosong tanong nito. "Plan for?" sa totoo lang wala siyang idea kung anong plan ang sinasabi ng kaibigan dahil pre-occupied ng babaeng naka-encounter nila kanina ang isip niya. "My gosh, Cassie. Nakalimutan mo na agad si Arch?" panggagaya niya sa napanood niya sa youtube. Hindi naman umimik si Lianne pero may plano na siya. Mag-work man o hindi ay gagawin niya pa rin. She missed that guy so much. Agad na napalitan ni Arch ang nasa isipan niya. Kung paano sila nagsimula at kung paano sila nagtapos kahit wala naman talagang ending. "Hey! Tulala ka na agad nabanggit ko lang si Arch. My gosh naman, Beshy." kalabit niya sa kaharap na tila naging invisible siya ng mga ilang segundo. "Tara na nga. Kain muna tayo gutom na ‘ko." sambit niya nang maramdaman niyang kumulo na ang tiyan niya. "Ay sige. Pero pa-deliver na lang tayo. Tinatamad na akong lumabas and ayaw ko nang maka-encounter ng isa pang couple na hindi couple." natatawang saad ni Lizette. "Tama na nga ‘yan. Hindi maka-move on? Anong gusto mong pa-deliver natin?" tanong niya rito. “Kahit ano.” humalukipkip si Lianne sa sinabi ng kaibigan. “Anong kahit ano? Mayro’n ba niyon? ano nga?” kulit nito kay Lizette. “Akin nga ‘yang telepono. Ako na’ng o-order.” agad na inagaw ang teleponong hawak ni Lianne saka sila um-order. Saglit lang ay dumating din ang pina-deliver nilang food. Nagpahinga ang sila nang saglit matapos kumain at agad ding nakatulog dahil sa pagod sa byahe. Hindi naman maka-move on si Jewel dahil sa nangyari. Kinulit pa rin nito ang kaibigan kahit na ilang oras na ang nakalilipas magmula nang mangyari ang insidente. Kaunti na lang ay hindi na makapagpipigil si Kulas na patahimikin ito sa paraan niya. Pero mabuti na lang din at naroon siya sa pangyayari. "Alam mo, Kulas? Dapat hindi mo ‘ko pinigilan kanina e. Tatadtarin ko siya ng mga law. Hindi puwede na gano’n ang asal nila. Para bang sila pa ang naagrabyado at sila pa ang matapang. Pasalamat talaga sila at nando’n ka. Kung hindi--" agad namang sumabat si Kulas at hindi na pinatuloy sa pagsasalita si Jewel. "Kung wala ako ay siguradong natuluyan ka sa kalsada. Bakit ba kasi hinatak mo ‘ko? Alam mo namang naka-yellow pa ang signal? Napagkamalan tuloy tayong magka-holding hands." taas ang isang kilay na saad nito. "Aba kunwari ka pa e alam ko namang gusto mo rin na mahawakan ang malambot kong palad." pang-aasar ni Jewel. "Wow ang kapal din ha. Baka ikaw ‘yon. Gusto mong damhin ang palad kong napakalambot at napakabango." sabay halakhak na sabi ni Kulas. "Huh? Mas makapal. Mas makapal ang kalyo mo sa mukha." saka humagalpak ang tawanan nila. Para silang mga bata kapag magkasama. Sa halip na kimain sila kanina sa labas ay hindi na nila itinuloy dahil sa inis sa nangyari. Nagdesisyon silang kumain na lang sa pantry. Ini-take out na lang nila ang pagkain dahil sa insidente.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD