"Remember nung nagkabanggaan tayo sa office?" masiglang pagkukuwento ni Arch. "Oh, Yeah. Nakakahiya nga ‘yang moment na ‘yan. Akala ko talaga pagbabayarin mo ‘ko ng pang-dry clean ng suit mo." abot-tainga ang ngiti na saad nito. "Gano’n ba? Well, puwede naman. If you want…" pabirong saad ni Arch. Bahagyang napanguso naman si Jewel sa sinabi ng binata na agad namang napansin ni Arch. "Just kidding." habol na saad nito. "Pero sabi kasi no’ng secretary mo na mahal ‘yon kaya kinabahan ako though willing naman akong magbayad." pagyayabang pa ng dalaga at halatang bumalik ang pagkairita kay Angel. "Kung gusto mong bayaran sabihan ko si Angel." sumeryosong saad nito. "Ito naman syempre biro lang. Nasabi mo na’ng okay lang e." at nagkatawanan ang dalawa. At sa lapad nang ngiti at masayang ha

