Lumipas ang mga araw na hindi naging maayos ang pagsasama nina Jewel at ng mga magulang niya. Pumapasok siya sa trabaho na hindi nag-aalmusal para iwasan ang mga ito. Iniiwasan din niya si Kulas. Ang awkward kasi ng feeling na ang best friend mo may gusto pala sa ‘yo. Pero no choice siya kapag nasa opisina. But she talks to him purely business. Naging close naman si Manuel at Jewel. Hindi man ganoon ka-close pero nagpapalitan sila ng messages. Ayaw ni Manuel na isipin ng dalaga na may iba siyang intensyon dito. Hindi pa rin naman siya handang pumasok sa isang relasyon. Lalo na at lately lang nagkaro’n ng closure ang relationship nila ni Lianne. Bumalik na rin ito ng Taiwan kasama ng kaibigan niyang si Lizette. Hindi mawala sa isipan ni Kulas ang mga nangyari nung gabi. Tulala siya haban

