"Sino yun?!"agad na sita ni Ella,ang stepsister niya.
Nakita nito ang Sir Clyde niya na tulungan siya ibaba ang mga pinamili niya.
" Uhm,Prof ko sa school.."sagot niya.
Duda ito tumitig sa kanya. "TaLaga lang ha,baka naman jowa mo yun?!"
Agad siya umiling sa paratang nito.
"Hindi,teacher ko siya," giit niya.
Umismid ito. "Mabuti naman kung ganun..sa gwapo nun,I'm sure hindi ka nun papatulan,itsura mo lang," pataray nito saad bago siya pairap na tinalikuran.
Napabuga na lang siya ng hangin.
Nagkakasiyahan na sa bakuran. Mula sa silid niya,amoy na amoy niya ang iniihaw ng kanya madrasta. Tinatanaw lang niya ang mga ito mula sa maliit na bintana.
She sighed. Sinabihan siya nito magkulong sa silid niya hanggang sa matapos ang party ng mga ito. Alam naman niya kung bakit,kilala siya ng mga kaibigan ng kanya madrasta at dahiL isa na lang siya dakilang alila,itinatago na siya sa mata ng mga ito.
Ilang katok ang pumukaw sa kanya.
Bahagya niya binuksan ang pintuan tama lang para masilip niya ang nasa labas.
"Aling Susan.." aniya at saka nilakihan ang pagbukas ng pintuan.
"Heto,kinuha kita ng makakain,alam kong kanina ka pang tanghali di nakain.." anang ng matanda kasambahay.
Kasambahay na nila ito noon pa man,ito na lamang ang tinuturing niya pamilya.
Agad na kinuha niya rito ang plato na puno ng pagkain.
"Salamat po."
"Pagkabusog ka,babalik na ko baka mahuli ako ng dalawa bruhang yun!"may galit na saad ng matandang kasambahay.
Agad na nilock niya ang pintuan at kinain ang pagkain. Gutom siya.
Gusto niya maiyak sa kalagayan niya pero sanay na siya. Wala. Ganito na talaga ang buhay niya. Helpless and hopeless.
Madaling araw na ng matapos ang party. Pinatawag siya para linisin ang naiwan kalat sa bakuran.
Dinadampot niya ang mga nagkalat na paper plate ng makarinig siya ng kung ano sa bandang likuran niya.
Agad na kumabog ang dibdib niya.
Hinanap niya ang ingay na yun. Siya na lang ang gising. Hindi pinatulong si Aling Susan sa kanya.
" Sino yan?"sabi niya sa kawalan.
May pagkaluskos ulit siyang narinig.
Doon na sya nakaramdam ng takot at kaba.
Dinampot niya ang dustpan at iniumang yun kung sakali man na bigla may sumugod sa kanya agad-agad na mahahampas niya ang hawak na dustpan.
"S-sino yan? Magpakita ka!" aniya.
Bawat minuto na lumilipas lalo lumalakas ang pagkabog ng dibdib niya.
"Sino yan?!" matapang niya saad muli.
Maya-maya pa ay bigla na lamang may kung anong malaking anyo ang bigla sumulpot sa harapan niya.
Sa kabiglaan hindi niya nagawang makareak. Natulos siya sa kinatatayuan at maang na nakatitig sa isang malaking nilalang.
Hindi!
Isang malaking aso na kulay puti!
Agad na bumalik sa alaala niya ang napanaginipan. Kamukha nito ang nasa panaginip niya!
"I-ikaw.." halos pabulong na saad niya habang nakatitig sa malaking mga mata ng malaking hayop.
Those big blue eyes stared at her so deep. Bigla pumasok sa isip niya ang kulay asul na mga mata ni Sir Clyde.
No way! Bakit niya bigla naisip ang guro dahil lang sa mga mata ng malaking hayop na ito na katitigan niya?!