ONE

506 Words
Sa tagal na niya sa mundo ng mga tao nasanay na siya sa mga nakikita niya paghanga sa mga mata nito. Sa bawat henerasyon na lumilipas kinakailangan niya magpalit-palit din ng itsura at trabaho. Ngayon 21st Century na nagbago na ulit ang lahat mula sa ayos at trabaho. Kung hindi lamang sa Propesiya hindi siya mapaparito sa mundo ng mga tao pero naeenjoy naman niya ang pananatili hanggang sa matagpuan niya ang kanya mate. Isa naman siya ngayon Professor. Ngayon araw ay ang unang araw niya bilang propesor sa isang kilalang unibersidad. Isa siyang Math Teacher. Magiliw at puno ng paghanga ang pag-welcome sa kanya ng mga co-teachers niya sa Math Department. Friendly naman siya makitungo sa mga ito dito sa mundo ng mga tao,siya ang makikisama sa mga ito hindi gaya sa mundong-Colai,hindi siya nalalapitan kung hindi rin naman kinakailangan. He is now going on his first class. Nasa panglima palapag ang unang klase niya,ang Senior Class,sa Major in Accounting. Agad siya pumasok sa loob ng classroom sa malayo pa lang naririnig na niya ang ingay ng mga ito. Agad-agad naman nagsitahimikan ang lahat ng istudyante niya na nasa tatlopu't-lima ang bilang. "Omg,siya ba ang bago natin Prof?" pabulong na saad ng isang babae sa gilid. "Ang gwapo niya!" impit na pagtili ng ilan. He ignore them what they thought for him. Sanay na siya. Walang bago kundi ang hangaan ang pisikal niya anyo,Paano kaya kung mag-anyo lobo siya? Hahangaan pa kaya siya ng mga ito? He silently smirk. "Magandang Umaga sa inyo lahat. I'm Clyde ESFERIAL! Ang bago niyo guro sa Math subject,ako ang pasamantala kapalit ng Sir Emil niyo habang nagpapagaling siya at temporary adviser niyo din, kinagagalak ko kayong lahat na makilala!" pagpapakilala niya sa sarili sa mga ito. Sabay-sabay na binati naman siya ng mga ito ng "Magandang Umaga din." Kinuha niya ang attendance paper niya. Inisa-isa niya ng tawag ang mga ito hanggang sa huLing pangalan. "Ereka Rux?!" pagtawag niya sa huling pangalan. "Uhm,Sir,absent po siya,three days na po siya liban sa klase," kimi saad ng isang istudyante na walang katabi sa upuan. Ang sinundan ng pangalan na huli niyang tinawag. "Ganun ba? Ano kaya sa tingin niyo kung bakit siya liban? Sino mga kaibigan niya rito? Anyone?" pagtatanong niya sa mga ito. "Uhm,Sir..w-wala po siya malapit na kaibigan rito,Sir.."turan muli ng huli. " Why is that?"kunot-noo nilibot niya ang paningin sa lahat. "Paano naman po kasi,Sir. Loner po kasi siya..tas masyado misteryosa ang datingan,saka wala gusto makipagkaibigan dun kasi ang weird niya," untag ng isang babae na halatado hindi gusto ang tinutukoy nito. "O--kay...pero sana kung sino man ang makakita sa kanya,pakisabi na umaasa ako na papasok na siya muli," sabi niya sa mga ito. Isang patamad na Sir ang sinagot ng mga ito. Hindi na niya aasahan, alam niyang wala sa mga ito ang may pakielam sa kapwa kamag-aral ng mga ito. Sinimulan na niya ang pagtuturo niya sa klase habang naglalaro sa isip niya ang pangalan ng istudyante niya na wala sa unang klase niya. Ereka Rux...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD