NATULOS ako sa aking kinatatayuan dahil sa isang salitang binigkas niya. Muli siyang pumikit habang nag-uusap naman ang mga nurses at doktor tungkol sa kaniyang kalagayan. Lumapit ako sa kaniya at akmang hahawakan siya sa pisngi nang muli siyang magsalita. "L-labas," he mumbled, gritting his teeth. Umiling ako at lumapit sa kaniya. "I-ish, b-bakit?" Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso. Hindi ko maintindihan ang ginagawa niyang pagtaboy sa akin. May nagawa ba ako? "A-ang s-sabi ko l-labas," matalim ang paraan niya nang pagsasalita. "L-lumabas ka S-swella!" Nagsilapitan sa akin ang mga nurse at iginiya ako palabas. Ang mata ko ay nanatiling nakatingin kay Ish na nakaig-ting ang panga at nanatiling nakatitig sa kawalan. Naguguluhan ako sa nangyayari na para b

